Chapter 26

4.4K 108 0
                                    


Tulala lamang na naglalakad ang dalaga sa hallway, hindi talaga lubos mapasok sa kaniyang isipan ang mga kwento ni Cloud sa kaniya. Parang ang hirap intindihan, ang hirap paniniwalaan ang lahat ng ito. Imposibly! 

"Princess?" Napabalik siya sa ulirat ng marinig niya ang boses ng binata na si Dyle. Nakakunot ang noo na lumalapit ito sa kaniya, bigla siyang kinakabahan. 

"May ginawa bang masama ang kapatid ko sayo? Tell me baby, nag-alala ako ng malaman ko na hila-hila ka ni kuya Cloud. " Umiling ang dalaga, halatang hindi nanaman ito mag-sasabi ng totoo sa kaniyang syota. 

Ngumiti siya dito at hinawakan ang kamay ni Dyle, halata ang mga ngiti nito na nasasaktan. Halo-halo ang naramdaman ng dalaga ngayon, 

"Hey. May problema ka talaga eh. Tingnan mo yang ngiti mo, kilala na kita prinsesa ko." Napayuko si Vanessa, napapikit ito ng mariin at umangat ang tingin nito, nag tama ang mga mata nilang dalawa. 

"Sabihin mo, kilala ba ni kuya Cloud si Irish?" 

Natigilan ang binata,

'ito ba ang ikakalungkot niya?' sabi nito sa kaniyang utak. Titig na titig ang binatang si Dyle kay Vanessa. 

"V-vanessa." 

Kita ng dalaga ang pagkalungkot sa mata ng binata, 'Mahal paba ni Dyle si Irish?' tanong naman ni vanessa sa kaniyang utak.

Hinila ng dalaga ang binata at napaupo ito sa gilid ng puno, ang kaharap nito ay gym. Hinarap ito ng dalaga na si Vanessa ang binata na si Dyle. 

"Alam ko naman, alam ko na may naramdaman kapa ni Irish. Pero nagtatanong lang naman ako eh" napalunok ang binata.

Naalala niya nanaman ang mukha ng dalaga, kung paano ito umiyak kapag nagseselos kapag may kasamang ibang babae si Dyle, selosa si Irish, Mahinhin din ang kilos ni Irish kaya lalong napamahal ang binata nito kay Irish, pero nawala bigla ang dalaga na parang bola. May iniwan ang dalaga sa condo nito at binasa ng binata na si Dyle. Nakikipaghiwalay na pala ito sa kaniya, doon lamang siya lubusan na nasaktan. Mahal niya ang dalaga, 

"Si Irish at kuya Cloud ay m-magka-ibigan." Sabi nito na nauutal. 

Parang mabingi ang dalaga sa kaniyang narinig, totoo nga. Nagsasabi nga ng totoo si Cloud sa kaniya, 

"M-mahal mo pa si Irish?" Deritso na tanong ni Vanessa, nagugulat nanaman ang binata. Mukhang kanina pa siya ginugulat ng dalaga sa katatanong ng kaniyang ex.

"N-no." Sagot naman nito, "Nag sisinungaling ka." Napalunok ang binata, hinawakan niya ng mahigpit ang kaliwang kamay ng dalaga. 

"A little. a little, Pero lamang ka Vanessa, I love you very much. Kunti nalang at makakalimutan ko na siya, mahal na mahal kita." 

Gustong umiyak ni Vanessa ngayon, gusto niya lamang ilabas ang sama ng loob niya na kaniyang naramdaman ngayon. Halos puputok na siya sa dami ng kaniyang problema, mas madami pa ata ngayon kaysa noon. Mas nahihirapan siya ngayon na lusutin ang lahat ng kaniyang problema. 

Paano kung malaman ni Dyle ang totoo. Ang totoo na wala na si Irish, at ang puso ni Irish ay nasa kaniya. Paano kung malaman ni Cloud na ina ko si Veronica at ama ko si Ezekiel. 'bwesit.' napamura nalamang siya.

"Teka, ano ba ang ginagawa ni kuya sayo baby." 

Umiling ito, 

"Nagtatanong lang" walang gana nitong sagot. "Nagtatanong lang? Pero bakit ka niya kinaladkad?" 

"Nagtatanong lang talaga, halika kana nga gutom na ako eh." 

Tumayo na ang mga ito at magkahawak kamay sila na naglalakad pa tungo sa cafeteria.

The Possesive of Mr.Conway (Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon