Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga mata ni Blue na galit. Sht. Bakit kasi puti ang bawat salamin ni Luke? Nakita tuloy---pakialam ko ba? Wala siyang pakialam kung makipag s*x pa ako sa iba!"Sisirain ng boyfriend mo ang kotse ko. Bumaba kana." Naawa naman ako dahil ilang ulit na hinampas ni blue ng bote ng beer ang sasakyan ni Luke. Bumaba ako. Ano ba ang ginagawa ng lalaking to dito?
"Ano ba blue! Masisira mo ang kotse ni Luke!" Singhal ko sa kaniya. Naningkit ang mga mata nito, napalunok tuloy ako.
Ayaw kung madamay si Luke kaya lumalayo ako dito ng kaunti. Nilapitan naman agad ako ng Blue at hinawakan ng mahigpit ang braso ko.
"Ano ba blue nasasaktan ako!" Sobrang higpit ng pag hawak niya sa braso ko, pilit kung bawiin ito pero mas lalo niya pang hinigpitan.
"Tawag ako ng tawag sayo hindi mo manlang sinagot ang tawag ko! Nag-alala ako sayo Hyorin tapos makikita lang pala kita sa labas ng bar habang may kayakap na lalake sa loob ng kotse?"
Eh ano naman? Kaibigan ko lang naman ang lalake na nasa loob ng sasakyan. Ano ba talaga ang gusto ng lalaking to.
"Hindi ko kailangan ng pag-alala mo Blue! Okay lang ako. Okay na okay!" Pinipigilan ko ang mga luha ko. Hindi ako okay! Nasasaktan ako! Blue n-nasasaktan ako!
"Bakit dahil ba sa lalaking kasama mo sa loob ng kotse?"
Tiningnan ko ang kotse, nandoon lang sa loob si Luke at nakasandal lang ito sa upuan.
"Sabihin nalang natin na O---*Paaak*" napahawak ako sa pisnge ko na sinampal niya. S-sinampal niya ako.
"M-maghiwalay na tayo." Yon nalamang ang nasabi ko sa kaniya. Kita ko kung paano siya natigilan sa sinasabi ko. Nagulat din ako sa lumalabas ng bibig ko, pero mas mabuti ng maghiwalay nalang kami.
"W-what?" Lumawag ang pagka hawak niya sa braso ko. "Mag hiwalay na tayo." Deritso kong sabi sa kaniya. Nakanganga lang ito na nakatingin sa mata ko. Napaiwas agad ako.
"S-sorry, baby Sorry kung nasampal k-kita n-nagseselos ako. b-bakit mo kasi siya kasama sa l-loob habang nagyayakapan p-pa kayo." Umiling ako dito at umatras,
"T-tama na blue, p-pareho lamang tayo na m-masasaktan"
"Baby please. Mahal k---MAHAL MO AKO? PERO BAKIT MO AKO NILUKO! HANGGANG KAILAN MO ITATAGO NA ANAK NINYO NI VERONICA SI NATASHA BLUE!! H-hanggang kailangan!"
Ng hina ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas loob para sabihin ang lahat ng i-yon."P-paano mo n-nalaman." Utal nitong sabi. Hindi ko mapigilan na lapitan siya at hampasin.
"H-hayop ka! H-hayop ka b-blue p-pinaasa mo a.ako! Manloloko ka!! H-hayop ka!" Hinuli niya ang mga kamay ko at niyakap ng mahigpit. Napahikbi ako sa malapad niyang dibdib. "S-sorry."
Pilit akong kumawala sa yakap niya pero ang higpit ng yakap niya saakin. Sorry?! Hindi ba siya nag-sasawa ka sasabing sorry?
"Bitawan mo ako!" Hindi siya nakinig. Hinayaan ko nalamang siya. Alam kung bibitawan niya din ako.
"Ayaw ko. Mag papaliwanag ako, please w-wag mo akong hiwalayan, hyorin I love you makinig ka naman oh"
Umiling ako, bumitaw na siya sa pagyayakap kaya lumayo ako dito, akmang hahawakan niya ang kamay ko. Niligay ko ito sa likuran ko.
"A-ayaw kong lumaki ang a-anak ninyo na w-walang ama. M-malaya kana. Tanggap ko na h-hindi tayo para sa isa't isa." Yumuko ako ng makita ko ang mga luha na tumulo pababa sa pisnge niya. Ayaw kong makikita siyang umiiyak, naawa ako.
"H-hindi ko naman i-ito ginusto." Napaangat ang ang tingin ko sa sinasabi niya. "Hindi mo ginusto pero ginawa mo. Sabihin mo nga Blue! Habang nasa amerika ba ako ay naglalandian kayo? Hindi kasi naman diba? 3 years old na ang bata." Napatigil ako.
"Mahal na mahal kita, kaya ko naman panindigan ang bata wag mo lang akong hiwalayan." Sabi nito saakin. Napapikit ako ng mariin "Ano? Ganun lang ba yon? B-blue bakit mo ito ginagawa kung ayaw mo naman pala panindigan habang buhay!"
"Dahil mahal kita!" Naiinis na siya at alam ramdam ko yon. "Hindi mo ako mahal. Dahil kung mahal mo ako? Hindi mo magawa saakin to. Blue sinaktan mo ako!" Napatawa ako ng mapakla. Totoo naman diba? Kasi kong mahal niya ako ay maiisip niya ako! Mahal niya ako at hindi niya magagawang saktan ako.
"B-blue, niligawan mo ba ako habang buntis si Veronica?"
Tinitigan niya ako, nagdadalawang isip pa ito kung sasagot ba ito sa tanomg ko.
"O-oo, pero m-maniwala ka--T-tama na. N-nasasaktan na ako ng sobrang, m-maghiwalay na tayo."
"N-no. P-please"
BINABASA MO ANG
The Possesive of Mr.Conway (Season2)
FanfictionTHAT 14 YEARS OLD IS MY WIFE (Season1) THE POSSESSIVE MR.CONWAY (Season2)