"Luke tara na." Hindi ko na ito pinagsalita at hinila ko nalamang ito. Pinahirap ko ang luhang tumulo sa mukha ko, ang sakit! Ang sakit lang malaman ng niluko lang pala niya ako. Niluko ako ni Blue!Sabi niya ako ang mahal niya.
Ako lang ang babae niya,
At sabi niya hinding hindi niya ako sasaktan."AH!"
Paglabas namin sa park ay napaluhod ako. Sobrang nasasaktan ako sa nalaman ko. Fvck! Ang sarap manakal ng malandi ngayon. Bigla lamang akong natahimik na may naalala ako. Paano kung niluko nga ako ni blue? Paano kung mahal niya nga si veronica at hindi ako?
"Hyorin okay ka lang?" Napatingala ako. "Luke hindi ako okay." Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako umiiyak. Naalala ko nanaman ang bata! Yong shape ng mukha niya ay kuhang kuha ni Blue!
"Sino ba kasi yong lalake? Ay wait diba si Blue yon? Yong kaibigan ni Cloud?" Tango lamang ang magawa ko sa tanong niya. "Tumayo ka nga diyan. Baka sabihin pa ng iba diyan na pinaiyak kita." Kung hindi sana ako nasasaktan ngayon ay nasipa ko na ang lalaking to! Bwesit. Kitang umiiyak pa ako dito.
"Pwedi ba Luke! Hindi mo kasi naramdaman kun gaano masaktan!" Napahikbi ako. Tuluyan na akong napaupo sa gitna ng kalsada, wala namang dadaan dito. Hindi ko rin alam kung bakit! -_______-
Tumingin ako kay Luke na nakiupo din ito saakin. =_=
"Naramdaman ko. Naramdaman ko yong nalaman ko na kasal na si Vanessa." Sabi nito. Napangiwi ako. Oh? May gusto din pala ito sa babaeng yon? Pinunasan ko ang luha ko at sinapak ko ito. "Anong gusto mo makipag patayin ka din gaya ni Cloud?" Sabi ko dito. Napatingin ito saakin at seryosong tumango. Luko!
"Bakit hindi? Simula bata palang ay gusto ko na siya." Nanlaki ang mata ko dito. "Oo na! Gusto ko na yong isip batang yon. Hindi ko naman maiwasan na mahulog sa kaniya. Sa ganda banaman niya? Idagdag mo pa ang pagka isip bata niya, nakakawalang problema" kung sabagay. Nakakawalang problema naman talaga si Vanessa NOON! Pero NGAYON? Hindi na siya nakakawalang problema! Nakadagdag na! -_____-
"Pwede ba luke! Lovelife ko ang problema dito at hindi sayo!" Singhal ko dito.
"Ano ba kasi meron doon sa bata at nagulat kang lumingon ito sayo."
"Niluko ako sa bwesit na lalaking yon. May anak siya. May anak!" Nag tadyak tadyak pa ako. Napatampal ako sa noo ko. Blue naman! Bakit mo ito ginagawa saakin? Pinaasa mo ako.
"Ako ba boypren mo para paglakihan mo ng mata ha?" Kunot noo nitong sabi. Napairap ako. "Eh ikaw nandito eh ikaw nalang pagbontungan ko ng galit." Umiling ito. "Hindi pwede. Gusto ko pang makita si v---kinalimutan kana non." Sambit ko. Tsss
"Hindi. Hindi mangyayari 'yon" tumaas ang isa kong kilay sa kaniya. "Ayaw mong maniwala? Edi ikaw bahal puntahan mo sa mansion nila para malaman mo." Walang amnesia ang babaeng yon. Pero alam ko na hindi na niya naalala o nakalimutan na niya si luke. 3 years na ang nakalipas.
"Samahan mo nalang akong mag-inom"
Gusto kong uminom ng uminom at magising nalang sa umaga na mawala na ang sakit dito sa puso ko. Oh? Sana naman argh! Ewan!
"Ikaw lang ang broken dito. Kaya mag-inom kang mag-isa mo." Aba't tarantado pala tong lalaking to ah? "Bakit kapa bumalik dito ha?! Bumalik ka--Joke lang hindi ka naman mabiro. Basta kwento mo lahat mamaya ha?" Tumango nalang ako. Siya na ang kumaladkad saakin patungo sa sasakyan niya. Wala kaya akong car!
****
Hindi ko magawang uminom. Paksht ano bang nangyari saakin?
"Oh ano? Mag titigan lang tayong dalawa dito?" Tangnang lalaking to. Bakla ba ito? Kanina pa ito dada ng dada! "Alam mo luke nakakainis kana. Uminom ka kung gusto mo." Tinuon ko nalang ang tingin ko sa gitna na may nagsasayaw. Haaayst. Ang laswa.
"Balik nalang tayo sa sasakyan mo. "
Sabay tayo ko. Dalawang oras din kami sa loob ng bar, eh nakakawalang gana na umiinom eh. "Hindi ba---Doon nalang sa loob." Kanina pa kasi ako nito kinukulit kung ano ba talaga ang nagyari saakin at ganun nalang daw ang apekto ko sa batang yon.Si Veronica. Mabuti at hindi nagmana si Vanessa sa kaniya, ibang iba si Vanessa sa kaniyang ina. Kung si Vanessa ay makulit at mabait! Malaking pagkakaiba naman ang ina nito. Malandi. Slut! Kriminal at pera lamang ang habol! Hindi niyo ako masisi dahil alam ko naman talaga ang lahat! Kwinento ito ni Vanessa saakin. Kung paano niya ginahasa si Ezekiel! Naka one night stand din nito ang ama ni Tita Amanda, Ni landi niya si Dyle. At kung paano niya kinuha si Cloud kay angel na kaibigan niya. Ang landi niya!
"Si Veronica ang mommy ni Vanessa." Pagsisimula ko ng nakapasok na kami sa kotse "Akala ko si Cloud ang ama ni N-natasha." Nagsimula nanamang maglandas ang mga luha ko. "Pero mali *sob* si blue. Ang boyfriend ko. Ang boyfriend ko ang ama ng anak ni Veronica." Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang hikbi.
"W-what?" Tiningnan ko lang ito at ngumiti ng mapait. "Hindi m-mo naintidihan l-luke" nagulat ako ng hilain niya ako at niyakap ng....mahigpit.
"Shhh. Naintidihan ko Hyorin. Tahan na."
Siniksik ko lamang ang mukha ko sa leeg ni luke, ang sakit...ang sakit sakit!
*BLAAAG*
"HYORIN GET OUT!"
BINABASA MO ANG
The Possesive of Mr.Conway (Season2)
FanfictionTHAT 14 YEARS OLD IS MY WIFE (Season1) THE POSSESSIVE MR.CONWAY (Season2)