Editing
Maagang gumising si Vanessa para maghanda, hindi parin niya makalimutan na nagkikita sila ni Cloud kahapon. Hindi naman niya akalain na mamalagi ito sa paaralan..
"Baby?" Napatingin ang dalaga sa pintuan. "Mommy?" Sabi naman nito, napabuntong hininga si Amanda at lumapit ito kung saan siya nakaupo sa kama.
"Si daddy po?" Seryoso nitong tanong.
"Nasa baba, gusto niya sanang kausapin ka pero baby baka daw at hindi mo siya papansinin." Pinisil ni Vanessa ang kaniyang kamay, kailangan niyang mag sorry sa daddy niya. Kasalanan din naman niya kung bakit sila nagkatampuhan."Baba napo tayo? Kakausapin ko nalang din si daddy." Saad nito at hinawakan niya ang kamay ni Amanda.
Habang pababa sila biglang may naisip si Vanessa,
"Mommy kailan po kayo magpapakal ni daddy?"
Pinipigilan niyang matawa, sinulyapan niya kasi ito at pulang pula na ang pisnge ni amanda.
"H-hindi ko alam b.baby" napailing si Vanessa, halata naman na hindi nag propose si Ezekiel dito. Nahihiya ba ito? Apat na taon na silang magkasintahan pero parang walang balak magpakasal ang mga ito.
"Aminin niyo po hinintay niyo na mag propose ni daddy." Pagtutukso nito. Napakagat labi si Amanda, hindi niya akalain na tatanungin ito ni Vanessa.
Nakababa na sila ng tuluyan sa hagdanan at dumeritso ito sa kusina. Hindi na ulit nagtanong ang dalaga kay Amanda dahil natigilan ito sa pagtatanong niya kanina. 'Sino daddy talaga'
Binitawan ni Amanda ang kamay ni Vanessa at lumapit ito kay Ezekiel.
"Kausap mo ng maayos ang anak mo," bulong nito ngunit rinig na rinig ito ni Vanessa, ngumiti siya sa dalawa. Hindi niya akalain na dadating ang si Amanda sa kanilang buhay, hindi niya akalain na may ina-inahan siya ang totoo niya kasing ina ay napaka sungit. Ang gusto niya ay makukuha niya, mga taong nagmamahal sa kaniya ay sinasaktan niya.
"Vanessa," napatingin ito sa kaniyang ama ng tinawag niya ang kaniyang pangalan, ngumiti ng matipid ang kaniyang ama na si Ezekiel at tumango hudyat na mag-uusap na silang dalawa.
Napaupo sila sa gilid ng pool,
"Anak---Daddy sorry po, nabigla lang kasi ako kahapon." Pinutol niya ang sasabihin ng kaniyang ama.
"Okay lang yon. Ang gusto ko lang naman ay iwasan mo si Cloud, pero pinapayagan na kitang lumalapit sa kaniya. Ang akin lamang ay natatakot ako at baka mahuhulog ka kay Cloud." Napatingin sa kaniya ang dalaga."Kung mahuhulog man ako ay malaking kasalanan yon, si Dyle ang boyfriend ko tapos siya yong mahal ko? Hinding hindi mangyayari 'yon daddy."
"Sana nga, dahil nangako ka kay irish anak. Hindi naman kita pinipigilan po yang puso na iyan ay hindi sayo. Nangako ka sa kaniyang diba? At sana hindi ko siya bibiguin." Napatigil si Vanessa, Oo nga pala at nangako ito kay irish na aalagaan niya ang kaniyang puso at mamahalin si Dyle ng higit po, napayuko ito.
"Hindi mo ba iyon maipapangako anak? Dahil ba---No dad. Natatakot lang ako kapag malaman ito ng dyle." Kumunot ang noo ni Ezekiel, Hindi pala alam ni Dyle na wala na si Irish.
"Paano kung malaman ni Dyle na wala na si irish? Na ang pusong nasa akin ngayon ay sa ex girlfriend niya na mahal na mahal niya noon." Seryosong sabi ni Vanessa, nanlaki ang mata ni Ezekiel. "Ano? Paanong...Hindi mo sinabi sa kaniya?" Tumango ito,
"Anak, inaasahan niya na buhay pa ang ex niya, na nasa mabuting kalagayan ito. Vanessa anak sabihin mo sa kaniya." -Ezekiel
"Sasabihin ko naman daddy pero kinakabahan ako eh, ayaw ko naman na saakin siya Magagalit..." Hinawakan ni Ezekiel ang dalawang kamay mi Vanessa.
"Hindi siya Magagalit kapag malaman niya ang totoo ang importante ay nag sasabi ka ng totoo anak, mahal ka niya." Tumulo ang mga luha ni Vanessa, hindi niya kayang sabihin ito kay Dyle. Nagsisimula nanaman siyang maglihim sa kaniyang boyfriend.
"D-dad... Hindi ko mahal si Dyle noon, *sob* si Kuya cl--cloud ang mahal ko. Pero ngayon si Dyle na at hindi na si Cloud, Pero napipilitan ako na palitan ang puso ko noon dahil mali eh.. Maling mali dad, *sob* hindi to akin eh, itong puso ko ay hindi saakin kundi kay irish na ex-gilrfriend niya na mahal na mahal siya, pero nanatili si kuya Cloud sa utak ko. Pero ang tinitibok ng puso ko ay si Dyle, Daddy. Nahihirapan ako."
Napahagulhol ang dalaga, litong lito na siya oo mahal niya si Dyle pero hindi niya alam kung bakit ba niya palaging iniisip si Cloud bago palang ito ng umuwi sila galing sa Pilipinas. Noong nasa amerika sila ay palaging nasa isip at sa pusa niya ay Dyle lamang,
"Wag mo na kasing isipin si Cloud okay? Makipag kaibigan ka sa kaniyang para naman mawala siya sa isipan mo at makapanti ka, May anak na si Cloud anak, sa ina mo."
Umangat ang tingin ng dalaga.
"Anak?"
"Oo, Anak nilang dalawa ni Cloud vanessa. Are you happy na may kapatid ka sa ina?" Tanong nito, malaki ang ngiti ni vanessa habang nakatingin ito sa mukha ng kaniyang ama.
"Happy na happy. May kapatid na ako, Yeheeey"
BINABASA MO ANG
The Possesive of Mr.Conway (Season2)
FanfictionTHAT 14 YEARS OLD IS MY WIFE (Season1) THE POSSESSIVE MR.CONWAY (Season2)