Chapter 18:

4.5K 121 0
                                    


Ilang araw na ang nakalipas at masyado na kaming busy sa pag-aaral ni Dyle, nagkikita pa naman kami sa bahay ngalang. Hindi naman kasi magkaklase. College na si Dyle eh habang ako ay Grade12 palang. 

Napag-isipan ko na pupunta ako sa office ni kuya Cloud para naman masamahan niya ako sa kaniyang anak *sigh* hindi pa pala niya alam na anak din ako ni mommy Veronica, magkapatid kami sa ina ni Natasha. 

Maayos kaya ang pagtrato ni mommy Veronica kay Natasha? Baka naman gaya parin yon saakin noon? Hindi ako papayag kasi naman bata pa si Natasha at kailangan niya ng inang mag-aalaga sa kaniya. 

Nasa harapan na ako sa opisina. 

*Tok*tok*tok* 

"Pasok." Sabi nito sa loob. 

Napabuntong hininga muna ako bago pumapasok, sana naman papayagan niya ako. Gusto ko lang makita ang anak niya at makikila ito. 

"Good morning sir." Bati ko dito. Napatingin ito saakin, hindi ko alam pero nakita ko sa kaniyang mata na malungkot ito. 

"What are you doing here." Umupo ako sa harapan niya, nag tagpo ang aming mga mata, wala itong imik na parang hinihintay ang aking gustong iparating sa kaniya. 

"S-sir. Nabalitaan ko lang a-ano, may anak ka daw." Deritso ko, Sht. Sobrang kaba ko, bakit kasi napaka sungit ng mukha niya? Okay lang sana kung hindi diba para naman hindi ako mauutal! Pero hindi eh, nakatitig pa ito saakin. 

"Then?" 

"Gusto ko lang pong makita? Please po sir, Promise po hindi na ulit ako mangungulit sayo." Hind nalamang ako papasok ngayon hapon Kung sakaling papayagan ako ni sir Cloud. Sana naman payagan niya ako! Please

Sabik na sabik na ako na makita ang anak niya, kaninong mukha kaya ito. Kay mommy Veronica o kay kuya Cloud. Hmmmm? Hindi madrawing sa utak ko. 

"Ok." Nanlaki ang mga mata ko. 

O_____O 

"Kyaaaaah Talaga po?"tumango ito pero hindi nakaharap saakin kundi nakaharap ito sa upuan kanina at kinuha ang jacket niya. 

Gwapo naman siya, pula ang buhok matangos ang ilong makinis ang mukha. Gwapong gwapo parin, pero syempre mas gwapo si Dyle my labs. 

"Let's go?" Sabi nito. At hinila ang kamay ko palabas ng kaniyang opisina. Wait lang! Bakit hawak niya ang kamay ko? 

"Sir ang kamay ko." Babawiin ko na sana ito ngunit mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Sht. Baka naman makita ako ni Dyle dito at magagalit siya saakin at makikipag hiwalay. Noooo way! 

Sa loob lamang ng sasakyan niya binitawan ang kamay ko. Nakahinga rin ako ng maluwag Salamat naman at may klase ang studyante ngayon at walang nakakita saamin. Jusko malaking issue ito kapag nagkataon! 

***

Napatingin ako sa labas, nandito na kami? Iba naba ang kanilang bahay? Kasi hindi ito yong bahay kung saan kami nakatira noon. Iba talaga pag mayaman eh kahit saan titira sa mansion. 

"Stay" hindi nalamang ako nagsalita at nanatili saaking upuan. Nagulat nalamang ako ng bumukas ang pintuan, gentleman. 

Sobrang kaba ko na naglalakad sa hallway ng kanilang mansion, ang laki ng bahay na ito este mansion. 

"Nandito ba si mo--ate Veronica?" Tumingin ako dito, kita ko na umiling ito. Salamat naman at wala siya, baka kasi sabunutan ako nito kasi kasama ko ang asawa niya. 

"DADDY?" lumabas ang maliit na bata maikli ang buhok nito at maitim ang kaniyang buhok. 

"Daddy?" Umangat ang tingin niya saamin palipat lipat pa ito ng tingin saaming dalawa ni kuya Cloud..

Napaatras ako, anong ibig sabihin nito? Ano tong nakikita ko? 

Pinipigilan ko ang mga luha sa mata ko. Hindi ito pwede! 

The Possesive of Mr.Conway (Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon