Chapter 37:

4.1K 95 5
                                    


Vanessa Pov 

"Cloud! Uuwi na ako!" 
Napipikon na ako sa lalaking to ah! Kahapon pa ay hindi niya ako pinapauwi. Dito nalang daw ako pang habang buhay sa condo niya. Aba! Kikiligin sana ako kung mahal ko itong mokong na ito. Pero--oh? 

"Cloud bakit hindi pa umuuwi si Dyle!" Tanong ko sa kaniya. Na miss ko na si Dyle. -______- 

"Hindi siya uuwi. Sinabihan ko na si mommy na dagdagan ang kaniyang trabaho doon." Napa face palm ako. Ba't ang sama nitong lalaking to? Sus pasalamat siya at may respeto ang sa matanda. 

"Nakuha muna naba ang gown?" Tumango ito. Napa buntong hininga ako. Kinakabahan ako para sa party na gaganapin mamaya, 

Tiningnan ko ng masama si Cloud dahil sa pag yakap niya sa aking bewang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya, pilit ko man siyang pag tulakan palayo ay mas magagalit ito at kinukulong ako sa silid niya. 

Nagtataka Siguro kayo at bakit Cloud nalang ang itinawag ko sa kaniya? Malamang ayaw niyang may kuya na itatawag ko sa kaniya dahil hindi naman kami mag kapatid. Mag asawa DAW kami! >____< 

"I saw her" 

"Huh?" 

"Ang anak ng mga montemayor." Napatingin ako bigla sa kaniya. Montemayor? Sila yong binabagsak ang kumpanya ni daddy. Hayop sila kung may galit man sila sa daddy ko hindi yong dinadamay nila ang kumpanya ng aking ama. Yon lang kumpanya na hinahawakan ni daddy noon! Bigay pa ito ni lolo. 

"Stop crying." Hinawakan ko ang pisnge ko. Umiyak pala ako. 

"Ganun ba sila ka sama? Sa pagka alam ko ay wala namang kaaway si daddy." 

"We don't know." 

"Maybe maraming gusto sa plano ng daddy mo. But still nawala rin ito dahil sa mayaman ang montemayor." Bwesit! Naawa tuloy ako kay daddy dahil tumawag siya kanina na halos wala ng buhay ang boses. Sabi pa niya ay kailangan daw nilang mailago ang kumpanya. 

~*~ 

Binat binat ko ang tube ngayon. Ano ba naman ito bakit ganito nalang ka labas ang dibdib ko. -_____- bahala na nga, hot naman ako. Bwahahahahaha 

"What the." ngumiti ako ng makita ko ang reaction ni Cloud. Ano ka ngayon nganga? Aba dapat lang sa suot ko pa naman ba halos kita lahat ng dibdib? Hindi naman ako ang pumili nito kundi si hyorin. Wala naman akong magawa dahil nandito na at nasukat ko narin naman ito nung pumunta ako sa shop. Papalitan ko sana ito pero sabi nung may ari ay hindi na pwedeng palitan. Kaya wala na akong magawa kundi ito nalang kukunin ko. Para tuloy akong kinasal nito. 

"What the heck are you wearing!" Binilatan ko lang ito at naglalakad na habang hinawakan ang ibaba ng gown para hindi ko maapakan. 

"Vanessa!" 

Hindi ako nakinig at tuloy tuloy lang sa paglakad. -____- daming napatingin saakin. Chicks ba ako? Nyaaaah sa dibdib sila napatingin. Hayop ang manyak pati babae ay nakatingin narin sa dibdib ko. (Photo, nasa profile ng Facebook ko) 

Kunti lang ang nilagay ko sa mukha na make-up hindi din naman ako sanay na maglalagay ng make-up sa mukha ko kasi makati. 

"Vanessa!" Wala na! Hawak niya na ang braso ko.

"You're not going to the party!" Kumunot ang noo ko. "Hoy pupunta ako! sayang ang gown." Pang-aasar ko. Sarap asarin ng lalaking to. "Tss. If I said no! No!" Akmang kukunin ko ang braso ko ng ang higpit ng pagka hawak niya dito. Animal to ah. 

"Ano ba! Sabing pupunta ako sa party ni mommy ko eh!" 

"What did you say?" Tinakpan ko bigla ang bibig ko. Oh sht! Napatingin ako sa mga mata niya. Ganun din siya at seryosong nakatitig saakin. 

"I m-mean m.mommy ko n-narin s.siya" 

"How?" Anak ng pating! Bakit may how pa! 

"W.wala lang." 

Kinaladkad niya ako bigla. Nako naman at baka hindi kami maka punta. Gusto kung kumain ng masarap sa party. Isa pa ay hindi naman ako aawayin ni mommy dahil maraming tao. Ops? Wala akong gift. Bahala na nga! 

"Saan ba tayo pupunta" hindi siya nakinig at ang kaniyang mga mata ay seryosong nakatitig lang sa daan. 

"Suotin mo ito." Tinitigan ko lang ang jacket na binigay saakin. -____- ano bang gusto ng lalaking ito! 

Kinuha ko nalang ito dahil ang sama ng kaniyang titig. Walangya kang matanda ka! 

~*~ 

Huwaw ang ganda ng mansyon ng pagka design. Akala ko sa hotel gaganapin ang party yon pala ay sa mansyon nila Cloud. 

Bakit color blue ang sa loob? Ang sakit sa mata ha. 

Bawat sulok ay may hugis puso pero kulay asul ngalang. Malaki ang mansion nila kaya madaming lamesa ang nakalapag nito. Ang upuan rin ay may desinyo, para talaga siyang mag dedebu! 

"Hi ladies and gentlemen" napatingin ako sa harapan. Oh? Ano naman ang problema ng emcee na ito? Bakit kulay itim ang kaniyang gown? Napaka ganda pa ng design nito dahil walang tela sa likuran. Bali ang kaniyang likuran ang nabalot ng tela ngunit ang likuran nito ay sa bewang lang ay meron. Naka mask pa ito, hindi lang mata ang kaniyang hindi makikita kundi lahat ng mukha niya. 

"Who is she." 

Inalayan ako sa pagka upo ni Cloud. Nasa harapan kami baka daw ay hindi ko makita si Veronica, sus baka hindi niya makita si Veronica dinadamay pa ako nito. 

Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya. Eh sa hindi ko kilala yang babae na nasa harapan naming lahat eh! Kinakabahan tuloy ako na para bang may masamang mangyayari ngayon, nako naman sana wala. Bwesit ang bilis ng tibok ng puso ko. 

"Are you okay?" Tanong niya saakin sabay hawak sa kamay ko na naka patong sa hita ko. Tumango ako sa kaniya at tinuon ang tingin sa harapan. 

"What we're waiting for. Let us welcome the birthday girl, Vanessa Smith" nag palakpakan ang lahat, ako lang ata ang hindi at seryosong nakatitig sa babaeng naka maskara. Ang kaniyang mga mata ay may magkapareho ngunit hindi ko alam kung sino. 

"Who are you" ito agad ang tanong ni Veronica pagkababa niya ng hagdanan. Wait. Hindi niya kilala ang babaeng nasa kaniyang harapan? Pero paano? 

Napatingin ako sa suot ni Veronica, kulay blue ang gown nito na halos makikita na ang lahat. Pareho sila ng gown ng emcee na walang tela ngunit mas lala ang kaniya. Walang tela ang likuran niya, luwa ang dibdib at walang takip ang tyan (Imagination only) well sanay naman siya diyan. 

"Masyado kang nag mamadali." Sabi ng emcee. Nako naman ano ba ang kailangan ng emcee na yan at parang ang maldita niya. 

"I am not. Wala kasi akong na tatandaan na mag maskara ang emcee." Oo nga naman. -____- 

Biglang tumahimik ang lahat, nakatuon lang ang tingin ng lahat sa harapan na para bang nanood ito ng television. "Cloud baka mag aaway sila." 

"We don't care." -__- nakakatulong siya promise! 

Niyakap ko nalang ang sarili ko. Ang lamig naman! Kahit naka jacket ako na napaka kapal ng tela ay ramdam ko parin ang lamig. 

"Pwede ba? Umalis ka kung sino ka man. Wag mong hintayin na kaladkarin ng security guard dito!" 

"Really? Okay lang saakin kung security guard, wag lang pulis. Oh I'm sorry, btw ms.Veronica. You look pretty tonight." Pang aasar nitong sabi. Kita ko kung paano niyukom ang kamao ni Veronica, war naba? 

"Leave!"

The Possesive of Mr.Conway (Season2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon