Nagtungo kami sa malawak na Hardin. Napanga-nga nalamang ako, sobrang ganda ang lugar na ito. May upuan sa gitna at halos bulaklak na iyong makita na ibat ibang kulay. Napapikit ako sa mabangong hangin na dumampi sa katawan ko, nakakagaan naman ng loob ang lugar na ito.
"Ikaw ba ang girlfriend ni sir Cloud?" Napadilat ako sa tanong nito, ako?
"Ako? Nako hindi po" tanggi ko dito, totoo naman at hindi ako kasintahan ni kuya Cloud.
"Parang kamukha mo kasi ang litrato na nasa condo ni sir. Nagtungo kami doon ng naglinis kami, at halos litrato ng batang babae ang nakita ko at naka wedding gown pa ito." Napalunok ako sa sinasabi ni manang. Kung ganon ay hindi pa niya ito tinapon? Yon siguro na ikinakasal kaming dalawa, 14 years old ako at 21 years pa siya.
"Kaya naisipan ko na ikaw yon, pareho talaga kayo ma'am" ngumiti ako ng mapakla. Ang daldal ni manang ano? ^___^
"Ay hehehe. Nga pala manang maayos ba ang lagay dito ni Natasha?" Pag-iiba ko ng usapan. Baka naman kasi buhay ko na ang pag-uusapan namin at madulas pa ako.
"Hindi iha." Napatitig ako dito ng seryoso, hinawi ko ang buhok ko na humarang sa mukha ko. Ang hangin naman ata dito masyado!
"Po?"
"Hindi ito trinato ni Veronica na anak niya, naawa ako sa bata kasi wala itong ibang magawa kundi umiyak at tinanong kung masama ba daw siya."
"Si sir Cloud ay parang masama ang loob kay Veronica na halos isusumpa na niya ito. Hindi alam ni Cloud na ganun ang pagtrato ng kaniyang anak kapag si ma'am Veronica na ang nandito sa mansion. Wala kasing nagbalak na magsumbong kay sir dahil lahat kami ay takot na masisanti."
Napakuyom ang kamao ko!
Napaka sama niya!
Paano niya nagawa ito sa kaniyang anak? Bakit paba siya nag pabuntis kung pareho lang saakin noon ang pagtrato niya kay Natasha ngayon. -____-
"Wala ka bang napapansin kay Veronica manang?" Tanong ko dito. Baka naman diba may tinatago ito?
"Wala naman iha. Ang akin lang naman ay pag trato niya sa kaniyang anak ng mabuti. Lahat ng bata ay kailangan ng ina, dahil unang hinahanap ng mga bata ang kanilang ina." Napatango-tango ako, totoo naman dahil gaya ko nun paman ay hinahanap hanap ko na si mommy Veronica, gusto ko siya nun kahit paman ay hindi maganda ang kaniyang pagtrato saakin.
"Tama po kayo," sang-ayon ko dito.
"Balik tayo sainyong dalawa ni sir cloud, Bagay na bagay kayo iha. Kayo ba ay may relasyong dalawa?"
Eh? Si manang kasasabi ko kalang kanina na hindi ko siya boyfriend eh! Si manang talaga.
"Hindi po talaga, wala kaming relasyon. Tsaka may anak napo siya " pagsasabi ko dito ng totoo,
"Ay oo nga pala ano? Pero bagay kayo eh. Hahaha Oh sige na at papasok na tayo parang kanina kapa hinihintay ni sir."
Tumayo kaming dalawa, napatingin muna ako sa paligid. Sobrang ganda talaga ng lugar na ito, Oo nga pala at mahilig si kuya Cloud ng halaman.
Huminto ako sa pintuan at nilingon ko si manang na huminto din ito saaking likuran.
"Manang wag mo sanang sasabihin kay Veronica na nandito ako, selosa po kasi yon"
"Ay iha.. napaka selosa talaga ng babaeng yon, at Oo iha hinding Hindi sasabihin sa kaniya."
Ngumiti ako sa kaniya at tuluyan ng pumasok sa sala. Tiningnan ko sila, ay? Naglalaro nga sila pero hindi parin nagbabago ang reaction ni kuya Cloud.
"Hi kuya Cloud" bati ko sa kaniya at lumapit kung saan sila nakaupo.
"Hi baby Natasha" humalik ako sa pisnge nito, kita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig saakin si kuya Cloud kaya nilingon ko ito.
"May dumi po ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kaniya, ngunit nanatili ang kaniyang mata sa mukha ko. Nailang tuloy ako. "Come with me."
Napalingon ako sa gilid
"Baby come to---Ikaw yong kausap ko." Malamig ang boses nito kaya na tuod ako. Huh? Bakit naman?"Paki bantay si Natasha" sabi niya sa katulong na nasa gilid lamang na nakatingin saamin.
BINABASA MO ANG
The Possesive of Mr.Conway (Season2)
FanfictionTHAT 14 YEARS OLD IS MY WIFE (Season1) THE POSSESSIVE MR.CONWAY (Season2)