SIMULA

536K 10.6K 2.9K
                                    


The day he chose her
is the day that her fate was already sealed.

***


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

.
.

.

PHILIPPINES


"ALAM MO BANG PINAGPALA KA?"


Tumulis ang nguso ko. Ako, si Euletta Maria Pedrigal, pinagpala? Hindi nga? Ganda lang naman ang swerte ko, dahil sa nalahian ng Kastila ang angkang aking pinagmulan. Pero bukod sa matulis na ilong, makinis na balat, at balingkinitang pangangatawan ay wala nang swerte sa akin, bagkus ay puro na kamalasan.


"Maniwala ka, Ineng, ikaw ang pinakaswerteng nilalang sa bansang Pilipinas. Mararanasan mo ang kakaibang kapalaran na hindi makakamtan nino man."


"Ano naman pong kapalaran 'yan?"


"Hindi ko rin alam."


Napakamot ulo ako. "Hindi niyo pala alam, e. Pinaglololoko niyo lang yata talaga ako, Ka Gorio."


"Hindi, Ineng." Umiling ang matandang ermitanyo. "Nakatitiyak ako na ika'y pinagpala, subalit hindi ko lamang matawid sa aking isip kung paano at kung anong magandang kapalaran ang sa iyo'y paparating. Ngunit manalig ka na walang sino man ang makapipigil ng paparating na swerte sa iyong buhay. Iyo ang swerteng iyon, kahit pa may mga magtatangkang ito ay agawin sa 'yo."


"Kaloka," sambit ko.


"Ngunit huwag kang tuluyang magalak at magbunyi."


"Bakit ho? May kapalit ba ang magandang kapalarang iyan, Ka Gorio?"


Matagal bago nagsalita ang matanda. Pinakatitigan muna ako nito. "Oo. At magiging napakahirap nitong tanggapin para sa iyo."


"Kinikilabutan ho ako."


"Lahat ng magandang kapalaran ay may kapalit na kabiguan. Na hindi maaaring maging masaya ka lang, na hindi ka luluha ni minsan. Dahil pantay ang mundo. Hindi nito hahayaang sa palagi lang na ikaw ay nakalalamang."


Tumayo na ako. Ayaw ko nang marinig pa ang ibang hula niya. Kinikilabutan na talaga ako.


His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon