Kabanata XII

82.1K 3.7K 578
                                    


"betrayal"

VAMPIRE BEAUTY?

  Napangiwi ako. Kapag nalaman nila Jenina ang ganoong bansag ay baka ganun na ang itukso ng mga iyon sa akin. Madalas na nga akong sabihan na may sa bampira nga raw ako. Kesyo  sobrang kinis ko, wala akong anumang imperfections at hindi ako nagkaka-eyebags, pimples o kahit na katiting na blemishes ay wala, kahit pa wala ako ni isang skin care na ginagawa. Kung malalaman lang rin nila na bihira akong mapagod, gutumin at tamaan ng antok ay baka maghinala na talaga sila na ako nga ay isang bampira.

  Pero bakit ba hindi ko naiisip iyon minsan? Baka nga may lahi kaming bampira?

  Kasi bakit malakas ang pandinig ko? Bakit napakalinaw ng mga mata ko? At bakit minsan ay pakiramdam ko, napakabilis ng mga kilos ko. Nakakapraning lang talagang isipin kaya hindi ko masyadong pinag-iisip. Kalokohan naman kasi talagang isipin kong naiiba ako sa lahat. Siguro talagang pinagpala lang ang genes na namana ko sa father's side. Dahil wala naman akong namana kay Mama maliban sa morenang balat niya. But, speaking of my father's side, malas ko lang kasi wala ng natirang kahit anong photos si Papa sa amin. Nasunugan daw kasi kami noon sabi ni Mama. Walang natira ni isa sa gamit ni Papa. At wala rin daw malapit na kamag-anak si Papa para mahingan ng pictures nito. Kaya never ko pa talagang nakita si Papa kahit sa pictures man lang.

  Naiiling na pumasok ako sa locker room. Finally I'm back. Wala akong dalang mga gamit dahil biglaan ang pagpapabalik sa akin dito sa institution, pero mabuti at may iniwan akong travelling bag na may malilinis na uniforms dito at pajamas. Nagbihis agad ako.

  Patapos na ako sa pag-aayos nang dumating si Jenina. "Hi, Riri! Nurse na pinagpala sa off!"

  Nakangising nilapitan ko siya. "Kumusta no'ng wala ako?"

  Lumabi siya at umiling. "Ganun pa rin."

  "Hindi niyo ba talaga nakikita si Z?"

  "Never, girl. Maski nga iyong nurse niya, waley rin. Itanong mo pa kina Denise." Sumunod ako sa kanya palabas. "Sama ko sa itaas. Papahangin lang. Napakainit dito, gusto kong maambunan ng aircon."

  "Sige na, tara." Nauna na ako sa kanya. Mabilis ang mga lakad ko dahil excited ako na makita ulit si Z. Kaya nong nasa itaas na kami ay walang abog na itinulak ko agad ang pinto.

  Nasa gilid siya ng kama nakaupo nong pumasok ako sa kuwarto. Kulay kremang cotton PJs ang suot niya, magulo ang kanyang buhok at walang sapin ang kanyang mga paa.

  "Namiss mo rin ba ako?"

  "Muntanga o," narinig kong comment ni Jenina habang nakatingala sa aircon na nasa kisame.

  Nilapitan ko si Z at hinaplos ang buhok niya. "Kumusta?"

  Tanggap ko na mukha akong tanga pero so what? Importante pa ba iyon? Mas importante naman na makakasama ko ang taong nagpapaligaya sa akin kaysa sa kung ano pa man.

  Sa kanya lang talaga ako masaya.

  "Hinintay mo ba ang pagbabalik ko?"

  "Huy!" Biglang sabi ni Jenina. "'Nga pala! Nagreport ka naman ba muna kay Doc?"

  "Naglog in na ako, sapat na iyon," sagot ko habang ang buong atensyon ay nakay Z. Hinahaplos ko ang makinis at perpektong mukha niya. Wala naman siyang imik habang ginagawa ko iyon.

  Pumalatak na naman si Jenina. "Hmp. Kating-kati!"

  Inis akong lumingon. "Bunganga mo naman! Maeskandalo pa si Z sa 'yo!"

  "Sus!" Umikot ang bilog sa mga mata ni Jenina. "Pero nakakainis, ah. Ang unfair lang kasi nong wala ka, hindi kami makaakyat dito. As in, bawal."

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon