Kabanata XIII

76.6K 3.3K 187
                                    


“who are you”

“BAKIT HINDI KA BALIW?”

  Panaginip ba ito? Itong araw na ito, panaginip ba?

  “Ano sumagot ka!”

  Diretso ang titig niya sa akin at hindi ganito tumitig ang taong wala sa tamang pag-iisip. Sa klase ng mga mata niya, parang alam niya ang lahat-lahat. Parang mas marunong pa siya sa marunong.

  “You can talk, right? You can understand me, right? Answer me, dammit!”

  If he’s not really sick then alam niya pala lahat ng nangyari. Lahat ng mga sinasabi ko at ginagawa ko habang magkasama kami ay alam niya. At ano? Pinagtatawanan niya ba ang pagiging gullible ko? Malamang oo. Shit!

  Pero sino sa amin ang nagtake advantage sa kung sino? Pareho lang ba? I don’t think so. Babae ako at mas agrabyado naman ako. Isa pa, ako ang naloko so ako nga ang mas kawawa dito.

  I knew something was up, but damn me for not listening to my own instinct. Nagpakaloka ako sa pagmamahal ko sa lalaking ito na niloloko lang pala ako.

  Halos manginig ako habang pilit na sinasalubong ang nakakapaso niyang mga tingin. Nang mangilid ang mga luha sa mga mata ko ay tila napansin niya iyon. Halos manginig ako habang pilit na sinasalubong ang nakakapaso niyang mga tingin hanggang sa hindi ko na namalayang lumuluha na pala ako.

  “Bakit mo ako niloko? Anong kasalanan ko sa 'yo?”

  THE ARE THINGS THAT I CAN’T EXPLAIN RIGHT NOW, BUT I WANT YOU TO TRUST ME.

  What? Wait! Siya ba ang nagsalita?

  Narinig ko na may nagsalita. Malamig na boses. Pero hindi ko naman nakitang bumuka ang mga labi niya! Pero kung hindi siya, sino? Kami lang dalawa ang tao rito!

  Napatunganga ako sa kanya. “W-what are you?”

  Shit! Baka ako ang nababaliw sa aming dalawa? Baka ako ang may diperensiya? Shit. Shit!

  Nang hahakbang siyang muli palapit ay kusa nang umikot ang katawan ko papunta sa pinto. Para akong hinahabol ng sampung kabayo nang takbuhin ko ang papunta sa elevator. Pinindot ko ang button down pero agad na namatay ang ilaw ng elevator.

  “Ano ka ba? Bakit ngayon ka pa nasira?!” Mangiyak-ngiyak ako na patuloy sa pagpindot ng button down. Baka gumana naman ito ulit tutal never pa naman itong nasira. Tanging ngayon lang.

  Kailangan kong makaalis sa floor na ito. Masyadong naalog ang utak ko sa nalaman kong panloloko niya sa akin kaya kapag hindi pa ako nakalayo ay baka talagang ako na ang mabaliw nang tuluyan. Pero ayaw talagang magkailaw ng elevator. Kahit anong pindot ang gawin ko, wala talaga!

  “Please! Open for me!” Kulang na lang ay dasalan ko ang elevator para lang gumana.

  Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kasabay ng pagpatay-sindi ng ilaw sa hallway. Hindi ko alam kung bakit biglang nanayo ang mga balahibo ko sa batok gayong wala naman ditong multo.

  Walang multo, pero lalaking manloloko meron. At mas nakakatakot iyon!

  Ayaw pa ring gumana ng elevator pero nakabukas na ulit ang ilaw. Nong lumingon ako sa pinto ng VIP Room, nakatayo ron si Z— si Zelos Mondragon. Nakatingin siya sa akin at hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa isip niya.

  Pinindot ko ulit ang elevator button. Halos gulpihin ko na nga pero wala pa rin talaga. Hindi na ako pwedeng mag-stay rito dahil sa totoo lang hindi ko na alam kung paano magrereact sa nangyayari. Hindi ko alam pero pati mga balahibo ko sa braso ay nagtatayuan na. Kaya tinakbo ko na ang fire exit at walang pangingimi na bumabasa hagdan. Kiber na kung madilim.

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon