Kabanata XX

67.3K 3.4K 153
                                    

"made for you"



"BUHAY KA."

Nang kumalas ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya ay tulala pa rin siya. Ang mga mata niyang luntian ay hindi makapaniwala na nakatunghay sa aking mukha.

Inabot ko ang pisngi niya at hinaplos. "Buhay ka..."

"You're not mad at me?" pati tono niya ay hindi makapaniwala.

Napahikbi ako habang nakatingala sa kanya. "Bakit ako magagalit na buhay ka?"

Hindi siya makapagsalita. Nakaawang ang kanyang mga labi habang pinapanood niya ang pagtulo ng mga luha ko sa pisngi.

"A-akala ko patay ka na... a-akala ko hindi na kita makikita... takot na takot ako kasi akala ko totoo..." sumisigok na wika ko. "Hindi mo alam kung paano mo ako tinakot... Kung hindi ka buhay, magagalit ako sa 'yo..."

Unti-unti ay napangiti si Z. Hinuli niya ang pulso ko at dinala ang palad ko sa kanyang mga labi at hinalik-halikan ito. "I'm sorry for making you worried."

Nakatayo siya sa harapan ko habang ang isang braso ko ay nakasampay sa kanyang balikat. Ang isa niyang kamay ay nasa gilid ng aking bewang. Hindi ko alintana ang posisyon naming dalawa kahit sobrang lapit namin sa isa-isa. I miss him. Hindi ko kayang i-deny ang grabeng pagkamiss ko sa kanya.

"Hush..." alo niya sa akin dahil wala pa rin akong tigil sa pag-iyak.

"Pinag-alala mo talaga ako... kung alam mo lang kung gaano ako nag-alala sa 'yo. Nadagdagan na ang kasalanan mo sa akin dahil sa pag-aalala ko sa 'yo. Hinding-hindi ka na makakabawi sa mga atraso mo sa akin."

Mahina siyang tumawa. "Kailangan palang mamatay ako para mag-alala ka sa akin."

Niyakap ko siya nang mahigpit. Sumubsob ako sa kanyang matigas dibdib. I listened to his heartbeat. Ayokong bitawan siya dahil baka imagination ko lang pala ito at matauhan ako bigla na wala pala talaga siya sa harapan ko.

"Baka mayupi na ako niyan," biro niya pero nakayakap na rin siya sa akin.

"Galit pa rin ako sa 'yo kaya wala kang karapatang magreklamo diyan." Lalo ko siyang niyakap. Lalo ko pang hinigpitan.

Lalo ring humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko at ang mainit niyang paghinga sa aking punong tainga. "I'm really sorry, Ria..."

"Puro ka sorry. Hindi mababayaran ng sorry mo ang pag-aalala ko sa 'yo."

"I love you," masuyong wika niya.

Mapait akong napangiti.

"You don't believe me, do you?"

"Ewan ko... hindi ko alam..." hikbi ko habang nakasubsob pa rin sa kanya.

Itinataas niya ang baba ko para tingnan ang aking mga mata. "Look at me, baby."

Pinanlisikan ko siya ng mata. "Nakakainis ka."

"You love me," he grinned.

"Makapal ang mukha mo." Ramdam ko ang pagapang ng init sa pisngi ko kaya muli akong sumubsob sa dibdib niya para magtago. Yakap na yakap pa rin ako sa kanya.

"I love you." Hinalikan niya ulit ako sa ulo. "I love you and nothing can stop me from loving you. Not even death."

Napatingala ako sa kanya. "Do you really mean it?"

Ngumiti siya at idinikit ang noo sa akin. "Can I ask for a little favor?"

"Ano?"

"I just really need to do something..." paos na wika niya habang ang mga mata ay sa labi ko nakatitig. "Please let me do it."

I swallowed in anticipation.

"Ria, I really have to do this or else I'm going to die tonight." He pressed his lips to mine and nearly knocked all wind from my lungs.

Nahalikan ko na ang labi ni Z noon sa ospital. Ilang beses na. Pero hindi matutumbasan ng ilang beses na iyon ang ngayon. Ngayon hindi niya kailangang magpanggap na wala sa sarili. Hinahalikan niya ako na parang ito na ang huling araw niya sa mundo. His kisses was spectacular, and when he stopped, pakiramdam ko ako naman ang mamamatay.

Idiniin niya ang sarili sa akin. His palms cupping my face. "I love you..."

"So that's how you kiss..." I said, catching my breath.

Ngumisi siya at hinalikan ulit ako nang mabilis. "Naipon iyong gigil."

"I love your Tagalog." Bumungisngis ako.

"I hope you love me as much as you love it."

Sobra kitang mahal...

Ngumiti si Z na akala mo nabasa ang nasa isip ko. "Ang hirap magpigil sa mental hospital noon. I wanted to kiss you right, but I couldn't. I can't lose my beautiful nurse."

"You have a lot of explaining to do. Pero mas gusto ko munang malaman ay iyong kanina. Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka nawala?" tanong ko na hindi pa rin bumibitaw.

"Someone took me out of the morgue."

"Iyong lalaking kamukha mo na may berde ring mga mata?"

Nangunot ang noo ni Z. "You saw him?"

"I met him."

"W-what? You met him?"

Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit biglang nabalisa si Z. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

"D-did you guys talk?"

Tumango ulit ako. "Pero hindi ko natanong kung anong pangalan niya at kung kaano-ano mo siya. Sobrang bilis lang kasi nung dumating siya, pagkapaliwanag ko sa nangyari sa 'yo ay pumasok na siya sa loob ng morge."

"So he really saw you..." parang wala sa sarili niyang sambit.

"May problema ba kung nakita niya ako, Z?"

"Let's not talk about him, Ria." He kissed my forehead. "Can we just talk about us? I missed you."

Itinulak ko siya nang marahan. "Pag-uusapan natin 'yan, Z. Pero gusto ko ring malaman ang nangyari sa 'yo kanina. At marami pa akong ibang tanong na sana sagutin mo nang totoo kung talagang mahal mo ako."

"Fine."

"A-anong fine?"

"Come with me and I will tell you everything you want to know."

Napatitig ako sa mga mata niya. Mahal ko siya pero dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Sa huli ay namalayan ko na lang ang aking sarili na tumatango.

"You're coming with me?"

"Oo..."

Z's lips curved into a naughty grin. "Thank you," he said.

That's the last thing I heard before I lost my consciousness.

JF

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon