Epilogo

84K 2.2K 527
                                    

Thank you for supporting this story until the end!

Hope to see you too in my other Daybreak Series (they're free to read here on WP) And they also have uncut book version too! For the Daybreak Series Collection, you may also purchase them in National Book Stores and anvilpublishing acct in Lazada and Shopee.

♔END ♕

"MY QUEEN..."


I heard the most sexy voice utter my name. Marahan akong dumilat. Nasa tabi ko ang pinakamagandang lalaking nakita ko sa buong buhay ko. Ang pinagmanahan ng mga anak ko. Ang swerte na sinasabi ni Ka Gorio.


Ngayon ko lang na-realized na talagang swerte ako. Biruin mo iyon? Nabuhay ako nang matagal. Naranasan kong mabuhay sa katauhan at buhay ng ibat-ibang tao. Ang dami kong natapos na course. At sa kabila ng mga hamon ng buhay bampira, swerte pa rin ako. Sinuwerte pa rin. Kasama ko ngayon ang lalaking mahal ko, at mabubuo na ang aming pamilya kasama ng mga anak namin.


"When we get back to the mansion, gusto kong ayusin mo ang bahay sa paraang gusto mo. It's yours. The mansion is yours. Ang tagal kong pinangarap na makasama sa mansion sa bawat bukang liwayway at dapit-hapon."


"I will. I will always be with you." Sumiksik ako sa malapat at matigas na dibdib ni Helios. Dinama ko ang pagtibok ng puso niya. Yumakap naman siya sa bewang ko sa loob ng sinusukuban naming kumot. Wala kaming masyadong pag-uusap kanina, basta nagkakaintindihan kami.


Alam naming marami pa kaming kakaharaping pagsubok. Nandiyan pa ang mga kuya ko na never say die pa rin sa goal ng mga ito na magparami ng lahing-bampira, nandiyan pa rin si Liana na pag may pagkakataon ay eeksena at eeksena pa rin, pero balewala na silang lahat sa amin. Magkasama na kami ni Helios ngayon. Kasama pa ng mga anak namin. And together, we are stronger.


Walang makakabuwag sa pamilyang Vox!


Tiningala ko siya. Gandang-ganda na naman sa akin ang mga tinginan ng lalaking 'to. Hay, masasanay rin ako. Charot!


"Anong iniisip ng reyna ko?"


Napahagikhik ako. Hindi niya na kasi nababasa ang isip ko kaya palagi ng praning ang lolo niyo.


"Tumatawa ka?"


"Bawal ba?" Pinisil ko ang matangos niyang ilong. "May kasalanan ka pa nga pala sa akin."


"Huh? Ano?" Nag-panic siya agad. Cute!


"Tagal mong sumagot kanina!" sumbat ko sa kanya. "Hindi kaya ako humihinga habang hinihintay ang sagot mo. Paano kung natuluyan ako, ha?!"


Napangisi siya. "Hindi mangyayari iyon. You're a vampire, remember?"


Inirapan ko siya pero lalo naman ako nagsumiksik. This time, sa leeg naman niya.


Yumuko siya at hinalikan ako sa noo. "My heart is yours for centuries..."


His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon