"Euria Escalante"
Sta. Mesa, Manila,
2014
Baby, I've sent you ten million pesos in your bank account. You may leave all your things in that boarding house and just buy new ones. Go shopping and have fun. I love you.
Ten million? Masyado yatang maliit.
Napailing ako at ibinulsa muli ang aking cell phone na iisang numero lang ang nakasaved. My boyfriend's number. My mysterious boyfriend.
Yes he's mysterious. Dahil wala naman akong alam tungkol sa kanya kundi ang pangalan niya. Ilang taon na nga ba kami? Tatlo na? Oo tatlo na. At ilang beses niya na ba akong binigyan ng pera? Hindi ko na mabilang pa.
Sinubukan ko na ang maghanap ng trabaho pero walang tumatanggap sa akin. Hindi ko alam kung bakit wala. Parang nagkakaisa ang lahat ng kompanya at mga restaurant sa bansa na wag akong tanggapin. Kaya ito, no choice ako kundi sundin ang boyfriend ko na siya na muna ang magpaaral sa akin. Monthy niya akong pinapadalhan ng pera sa aking account. Mababa na siguro ang twenty million pesos a month. And now, ten million. Pang enjoy ko lang siguro 'to dahil alam niyang na-stressed ako rito sa aalisan kong boarding house.
Funny dahil ang dami kong pera sa account ko, mas gusto ko pa ring magrent sa boarding house. Hindi ko lang kasi kayang waldasin ang pera niya dahil sa totoo lang, hindi naman iyon ang habol ko. Wala na akong pamilya, ulila na. May selective amnesia ako at ang mahalaga sa akin ay pagmamahal at hindi mga materyal.
Muling nagbeep ang phone ko.
'CAN'T WAIT TO SEE YOU AGAIN.
I blinked. Hawak ko palang ulit ang phone, hindi ko pa nabubuksan, pero bakit alam ko na ang message sa loob? Bakit parang nabasa ko na? O parang narinig ko? Narinig ko mismo sa loob ng isip ko!
Binuksan ko ang phone at tiningnan ang message niya sa akin. It was the same sa narinig ko. Yes, narinig ko. Oo nakakalito, magulo, pero sigurado ako na narinig ko ang mga salitang iyon at hindi basta nabasa lang. Shit! Ito na naman ako, napa-praning na naman.
Pero sigurado ako na narinig ko talaga iyon. Narinig ko mismo ang boses niya. Parang nandito lang siya sa tabi ko nang marinig ko iyon. Weird, yes. Madalas nangyayari ang ganito, hindi ko lang masyadong pinagtutuunan ng pansin kasi baka nagha-hallucinate lang ako sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.
Napatingin ako sa paligid. Malinis na malinis ang aalisan kong kuwarto. At walang ibang tao rito maliban sa akin. Ako lang ang naririto. I shrugged off the uneasy feeling. Maybe I was just imagining things and being paranoid because of what happened here. Dapat talaga umalis na ako rito para maka-move on na ako sa nangyari sa lugar na ito.
Ang dalawang boardmates ko sa kuwarto na ito ay hinalay, pinatay. Ang mga taong naging kaibigan ko sa maiksing panahon, mga patay na at hanggang ngayon ay hindi nakakamit ang hustisya. Wala kasing lead tungkol sa nangyari sa kanila. Basta isang gabi pag-uwi ko, wala na sila. They are already dead. Halos mabaliw ako sa nadatnan kong itsura ng mga patay. At kung sino ang may gawa? Wala silang iniwang lead o ebidensiya na magtuturo sa kanila. Even the CCTVs were not working that night. Parang sinadya.
I heaved a weary sigh. I really need to get out of here. Ayoko nang maalala pa ang mga nangyari dito. Walang magagandang alaala rito. Wala. Pero muli akong natigilan sa pagliligpit ng gamit ko dahil sa presensiyang dumating. Naramdaman ko na meron na akong kasama rito. Ramdam na ramdam ko.
"Sino ka?"
Napalingon ako sa paligid. Alam kong may mga matang nakamasid sa akin. At hindi nga ako nagkamali. Dahil sa sumunod na paglingon ko ay isang matangkad na lalaki ang sumalubong sa akin.
BINABASA MO ANG
His Queen
VampireThe day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na siya rin pala ang stalker mo, sugar daddy at secret boyfriend na itinatago sa mundo... At may mas nak...