Kabanata XIX
"the mystery""WHERE IS HE?" Napakalamig ng boses.
"I'm Ria. Kaibigan ako ng may ari ng cell phone na 'to. Tumawag ako sa 'yo kasi ikaw ang pinakauna sa call logs niya. Uhm..." Tumingin ako kay Trois. "Nandito kami ngayon sa Cainta Municipal Hospital. Hinimatay siya kanina sa sobrang init..." Tumulo na naman ang mga luha ko na kanina pa walang patid. "I'm sorry..." sigok ko. "Dinala namin siya rito sa ospital pero... pero w-wala na siya—"
"I'll be there in a bit." Pagkatapos ay namatay na ang call.
Tulalang napatitig ako sa cell phone. Ganoon lang iyon? Bakit parang ang kalmado niya? Bakit hindi siya nabigla man lang? At anong in a bit? Gaano ba kalapit ang kinaroroonan niya sa lugar na ito?
Limang minuto.
Limang minuto ang lumipas na nakatanghod lang ako sa pinto ng morge. Hindi ko kayang pumasok dahil hindi ko kayang makita si Z na may takip na puting kumot. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya kasi tama siya sa sinabi niya kaninang mahal ko pa siya... na mahal ko siya.
Galit ako sa kanya kasi niloko niya ako. Pero mas galit ako sa sarili ko dahil nagpaloko ako sa kanya. Galit na galit ako sa sarili ko dahil mahal ko siya. Dahil nahulog ako sa kanya.
"Ria, pagdating ng kamag-anak niya, umuwi na tayo."
Hindi ko pinansin si Trois. Masyado akong lubog sa paghihinagpis para pansinin ang sinasabi niya.
"Mukhang pagod ka na at kailangan na ng pahinga. It's been a long day. Ang daming nangyari. You need to rest, Ria. Wag mo na siyang isipin dahil may mag-aasikaso naman sa kanya rito."
Pantay ang paghinga ko, ngunit bigla itong bumilis. Napalingon ako sa dulo ng hallway at mula ron ay nakita ko ang isang matangkad na lalaking nakatayo. Napakaguwapo nito at katulad ni Z, meron itong kulay berdeng mga mata. Humakbang ito palapit sa amin ni Trois.
"I-ikaw ba ang kamag-anak niya?" nauutal na tanong ko sa guwapong lalaki. Hindi ko alam kung bakit pati ang dugo ko ay bumilis ang daloy dahil lang sa nakita ko siya.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon pero parang gusto kong yakapin ang lalaking ito. I am not physically attracted to this man, sadyang nagu-guwapuhan lang ako at nagagaanan ng loob sa kanya.
Tumango ang magandang lalaki na katulad ko ay titig na titig din sa akin. Kamukhang-kamukha niya si Z mula sa hugis ng mukha, kulay ng mata, tangos ng ilong at korte ng natural na mamula-mulang labi. Siguro ay kapatid siya ni Z. Nakatatanda o nakababata, I don't know. They both look young. Parang nasa twenty-six to twenty-seven naglalaro ang age.
"You are Ria." Hindi iyon tanong. Basta sinabi niya iyon habang walang kakurap-kurap na nakatitig sa mukha ko.
"Ako nga." Nakwento kaya ako sa kanya ni Z? Para kasing kilala niya ako based sa pagbanggit niya sa aking pangalan.
"Where is he?" pagkuway tanong niya at umiwas ng tingin sa akin.
"Nasa loob na ng morge."
Tumango lang siya at namulsa sa suot na jeans. Katulad din ni Z, mahilig sa itim na polo ang lalaking ito.
Naramdaman ko ang paghawak ni Trois sa kamay ko. "Pwede na siguro tayong umuwi, Ri."
"Ayoko pa, Trois—"
"I'll take it from here."
Sabay kaming napatingin ni Trois sa lalaki ng magsalita ito. Hindi ito sa amin nakatingin. Nang pumasok ito sa loob ng morge ay hinila na ako ni Trois paalis.
"Kinakabahan ako, Trois. Hindi ko maipaliwanag pero kinakabahan ako kaya ayoko pa siyang iwan!" Pinagpag ko ang pagkakahawak niya sa akin.
Kumurap ang lahat ng ilaw sa ospital. Nagkatinginan kami ni Trois. Hindi niya na ako napigilan ng manakbo ako pabalik sa morge. This time ay pumasok na ako sa pinto.
BINABASA MO ANG
His Queen
VampireThe day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na siya rin pala ang stalker mo, sugar daddy at secret boyfriend na itinatago sa mundo... At may mas nak...