"the losing game"
NAISAHAN NA NAMAN AKO NG TINAMAAN NG MAGALING!Nakalock ang pinto nang subukan ko iyong buksan. Inis na bumalik ako sa kama. Nilibang niya na naman ako tapos pagising ko, wala na naman siya. Iniwan na naman ako ni Helios na nag-iisa dito sa kuwarto. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta.
Si Lucia kaya nasaan? Hihingi ako ng tulong sa kanya para makaalis dito. Nakalock talaga ang pinto mula sa labas kaya kahit anong pilit ko, hindi ko iyon mabuksan. Matitibay ang mga gamit dito sa kuwartong ito at kahit yata ubusin ko ang lakas ko kakapihit ng seradura ay mabubuksan ang pinto. Susuko na sana ako nang mapatingin ako sa nakabukas na bintana. Inililipad-lipad pa ang malaking kurtina dahil sa hangin na nagmumula sa labas.
Napangiti ako sa naisip. "Nakalock ang pinto? Then sa bintana ako dadaan."
Nilapitan ko ang bintana at chineck ang taas ng lugar ko. Masyadong mataas. Nasa second floor lang ako ng mansiyon pero daig ko pa ang nasa third floor sa taas ng ceiling sa ibaba. Ah, bahala na. Kailangan kong gumawa ng paraan para makaalis dito. Mahirap na dahil baka magbago pa ang isip ni Helios at burahin niya na naman ang alaala ko.
Sumampa ako sa pasimano at kumapit sa kulay bronze na grill sa gilid. Malalaki ang awang ng grills dahil makaluma ang style. Kakasya ako kung patagilid akong lulusot dito kaya iyon agad ang aking sinubukan and voila! Nakalabas ako ng kuwarto!
Nanginig ang mga tuhod ko nang nasa kapiradong semento na lang ako nakatapak. May design kasi ang gilid ng bintana na manipis na guhit na patulay papunta sa kabila. "Diyos ko po! Hindi ko alam na malulain pala ako!"
Hindi ko magawang pumikit dahil baka sumala lang ang paa ko at doon ako pulutin ni Helios sa ibaba na lasog-lasog ang mga buto.
Teka, may bampira bang nagkakapilay?
"Kaya ko 'to!" Huminga ako nang malalim saka tinalon ang sumunod na bintana. Kumapit agad ako sa grills niyon at pumasok sa loob. Hopefully bukas ang pinto ng kuwartong ito para makalabas ako.
Old style din ang kuwartong napasok ko. The room were painted gray with a touch of black. The room was very masculine in its decor. Amoy insenso. Amoy pabango ng lalaki. Siguro kuwarto ito ng isa sa triplets.
Malungkot akong napangiti sa isiping isa sa triplets ang may ari ng kuwartong ito. Hindi ko lang kung sino kina Kaden, Lourd at Cross. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman habang pinagmamasdan ang paligid, kahit ako lang ang nandito ngayon, bumibigat ang puso ko.
Hindi agad ako nakakilos nang mapatingin sa picture frame na nakapatong sa wood table na nasa tabi ng pinto. May kalakihan ang frame, luma pero alaga sa linis dahil wala maski isang alikabok na nakakapit dito. Wala sa loob na dinampot ko iyon at tinitigan dahil hindi na gaanong maaninag ang mga tao sa picture. Parang box obscura camera type pa ang ginamit dito at daang taon na ang nagdaan ng kinuha ito. Papasang oldest surviving photo ang nasa frame na ito.
Picture ng tatlong batang lalaki ang naaaninag ko. Siguro nasa edad limang taong gulang. Victorian style ang suot nilang damit. Para silang mga manika sa ayos nila, at lahat sila ay ubod ng cute kahit mga hindi nakangiti. Bata palang ay ang tatangos na ng ilong, at kahit malabo ang picture ay nakikita ko kung gaano kahahaba at kakakapal ang mga pilik-mata nila.
Ito ba ang mga batang iniwan ko noon dahil sa galit? Hindi ako makapaniwala na kakayanin kong iwan ang mga inosenteng anghel na ito na wala namang kasalanan sa akin.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko habang nakatingin sa frame. Sana pwede ko pa silang yakapin at kargahin. Saka pwede ko pa silang ipaghele at lambingin. Sa itsura nila ngayong malalaki na sila, parang napahirap na nilang abutin. Kahit sino ay manliliit at mahihiya nang lapitan sila lalo ang isang katulad ko na walang kwentang ina.
BINABASA MO ANG
His Queen
VampirosThe day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na siya rin pala ang stalker mo, sugar daddy at secret boyfriend na itinatago sa mundo... At may mas nak...