Kabanata XXVII

79.9K 3K 235
                                    

"his greatest possession"

NANGHIHINA ako nang magising. Sa pagmulat ng aking mga mata ay una kong nakita ang karayom na nakaturok sa aking braso. Maraming blood bag sa paligid, mga dugong tiyak kong sa akin nanggaling. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking nakahood ng itim.

"S-sino ka?"

"I'm from the Pedrigals covent," flat na sabi nito. Kinuha nito isa-isa ang blood bags at inilagay sa itim na maleta. "You should rest, Madam. Kukuhanan ka ulit ng dugo mamaya."

"What?" Inalis niya ang karayom sa bras ko. "Anong gagawin niya sa dugo ko?! At sinong may utos sa 'yo?!"

"Our queen. Ang mga dugo mo ay dadalhin sa konseho ng Pedrigals. Maraming mapapalakas na bampira ang dugo na galing sa inyo."

"S-sinong queen ang tinutukoy mo, bampira?!"

Pinilit kong bumangon para lang muling mahiga sa gitna ng kama. Hindi ako makaalis dahil nakagapos ang mga pulso at mga paa ko sa bawat kanto ng higaan. Sinubukan kong hilahin ang aking sarili mula sa mga gapos pero nasasaktan lang ako.

"Hindi ka uubra sa mga 'yan, babae."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng matinis na boses ng babae. Isang matapang na mukha ang aking nakita. Kulot na kulot ang mahaba nitong buhok, nakalabas ang cleavage ng mayayamang dibdib sa suot na fitted red long dress. And the woman possess a strange unearthly beauty. Kumikinang ang makinis nitong balat sa kaputian. Nasa twenties naglalaro ang edad nito based sa itsura. Sino nga ba ang babaeng ito? Familiar siya sa akin.

"My queen, aalis na po ako," paalam sa kanya ng nakaitim na hood.

"Go. Dalhin mo na sa asawa ko ang dugo ng babaeng ito. Pero wag na wag mo munang sasabihin kung nasaan kami. Do you understand?"

Tumango ang nakahood. "Yes, my queen." Pagkatapos ay tila hangin na itong nawala.

Nilingon ako ng babaeng maputla. "Those chains are made of silver. Real and pure silver." Itinuro ng mahahaba niyang daliri ang mga gapos ko.

Ang kulay ng kuko niya ay pula. Kasing tingkad ng pagkapula ng mga labi niya at suot na hapit na hapit na damit. At habang tinititigan ko siya ay isang bagay ang aking natiyak—hindi siya tao.

"Sino ka?"

"You must heard about me."

"Sorry but no." Kahit kilala ko na kung sino siya. She must be Lucia's mom. Magkamukha ang dalawa at parang magka-edad lang. Yes, they are young because they are vampires.

Namilog ang mga mata ng babae. "No? That's impossible. Malamang pinag-uusapan ako sa mansion ni Helios—"

"Hindi."

"Sure ka?"

Tumango ako.

Nanalim ang mga mata nito at bahagyang naging kulay pula. 'Sabi ko na, hindi nga siya tao. Isa siyang bampira. At mukhang siya ang nanay ni Lucia. Kaya siya familiar dahil magkamukhang-magkamukha silang mag-ina. Sa itsura niya, parang isang taon lang ang agwat ng edad niya kay Lucia.

"Kahit ba si Helios ay hindi ako namention man lang sa 'yo?"

"Hindi nga." Hindi naman talaga siya nabanggit ni Helios kahit na kailan.

"Sabagay, paano niya ako maiisip e nagbalik ka na. Nagbalik ka para manggulo!"

"Excuse me!" Inis na sinalubong ko ang mga tingin niya. "Pakawalan mo nga ako dito! At sino ka ba? Bakit mo ako pina-kidnap?!"

Lumapit siya sa akin at namewang. Dinuro niya ako. "Matapang ka rin pala talagang bampira ka. E kung sabuyan kaya kita ng holy water diyan!"

"E di sabuyan mo! Hindi naman ako tatablan non!" Nagsisimba ako sa Antipolo kapag may time ako noon. At never naman akong nasunog sa holy water kapag nagwiwisik na ang pari. Siguro silang mga newly turned vampires lang ang tinatablan ng ganoon since mga masasama talaga sila. Samantalang ako at ang mag-aama ko ay naging bampira lang dahil sa curse. Iyon nga lang, nanghihina pa rin kami kapag madidikit sa purong pilak.

"Ang tapang mo, ah! Palibhasa kasi alam mong kailangan ka ng lahat kaya napakayabang mo, Euria!"

"Pakawalan mo sabi ako rito! Kapag nakawala ako rito, ikaw ang sasabuyan ko ng tubig kanal!"

"Kung makakawala ka riyan." Padabog na tinalikuran niya ako.

Saglit pa lang na nakakalabas si Liana ay si Lucia naman ang pumasok. "Hi! Okay ka lang?"

Hindi ko siya pinansin. Kahit pa tinulungan niya ako, tinulungan din naman niya ang nanay niya para kidnapin ako. Hindi ko alam kung kanino talaga kumakampi.

"Just dropped by here to tell you na nagkakagulo na ang mag-aama mo sa mansiyon kakahanap sa 'yo."

Napalingon ako bigla kay Lucia.

"Si Helios mahilo-hilo na kung saan ka hahanapin. Lahat ng mga tauhan ng Vox, naka-alert na. You know, marami rin silang tauhan. Mas marami pa sa amin. Mga bumaliktad na bampira na ayaw sa pamumuno ni Amang Donovan, at iyong iba, recruit lang. Mga tinulungan nila iyong karamihan. Nakatago nga lang ang mga ito sa ibat-ibang parte ng mundo, pero isang signal lang ng hari nila, lahat ang mga iyon, aalerto." She sat on the side of the bed. "Lalo pa ngayong nawawala ang reyna ng hari nila."

My eyes felt hot.

"Papatay at handang mamatay si Helios para sa 'yo, Ria. Ganoon ka niya kamahal."

I blinked. "He's immortal how can he die?"

"I don't know." Humalakhak siya. "Pero oo nga, 'no? Siguro by putting silver bullet in his heart? Maybe he'll do suicide. You know, he loves you that much."

"Lucia, hindi ko na alam kung kanino ka ba talaga kampi."

"Wala naman akong kinakampihan. Wala akong pakialam sa kahit saang kampo man 'yan. Ginagawa ko lang ang gusto ko, Ria. At dinala rin kita para marealized mo kung anong buhay talaga ang gusto mo."

"W-what do you mean?"

"Gusto kong malaman kung hanggang saan ka. Kung tatanggapin mo ba nang buo ang kapalaran mo at mapapatawad mo si Helios kung sakaling malalaman mo na ang totoo, o kung mag-i-stay ka sa pamumuhay bilang tao at mas nanaisin mong kalimutan na lang ang lahat-lahat. Pero bruha ka, ni wala kang mapili sa choices!"

"Ikaw ang lumagay sa lugar ko kung magagawa mong pumili agad! Hindi madali ang pinagdadaanan ko, Lucia—"

"Ria, napakagulo ng utak mo. Mas magulo ka pa sa akin. I've tried tricking you, pero wala. Nagsayang lang ako ng pagod sa 'yo. Maybe Mom is right. Okay na siguro kung mamatay ka na lang."

"Papatayin niyo ako?!"

"It depends on my mom. She'll decide your fate."

"Sa tingin mo papayag si Helios na patayin ako ng nanay mong sira ulo?!"

Ngumisi siya sa akin. "May magagawa pa ba siya kung patay ka ng babalik sa mansion?"

"Bago pa mangyari iyon, dadating na si Helios para iligtas ako!"

"E di good for you."

"Dadating siya... Ikaw na ang may sabing hinahanap niya na ako. Kaya darating siya."

"Oo nga pala. Siguro nga maabutan ka pa nun."

"Mahal na mahal ako ni Helios. Hindi siya papayag na may manyaring masama sa akin."

"Ok." Nagkibit siya ng balikat. "I gotta go. Iko-comfort ko pa si Kaden."

Sa isang iglap, wala na agad si Lucia. Parang kidlat lang siya na lumabas sa malaking bintanang nakabukas. Napaiyak ako ng ako na lang ulit mag-isa.

JF

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon