Kabanata XIV

83.2K 3.6K 161
                                    


“unknown monsters”

“THAT BITCH IS NO LONGER HERE,” nakasimangot na sabi ng babaeng nakafitted red backless dress na nakaupo sa passenger seat ng Bugatting nakaparada sa madilim na bahagi ng kalsada. Napakakinis nito, maputla at parang hindi tao sa ganda. She’s Liana.

  Ang tagal nilang hinanap si Euria. Ilang taon din. At sa bawat pagkakataong matatagpuan na nila ito ay nakakatakas ito. Nakaka-frustrate ang paulit-ulit na nangyayari. Dekada nang nakakatakas ang babaeng iyon at hindi nila mahuli-huli.

  “Mayabang ka lang, Euria dahil may pumuprotekta sa 'yo. Ano bang meron sa 'yo at hindi ka niya magawang bitawan? Anong meron sa 'yo?!” Hinihingal na sumandal siya sa sandalan ng passenger seat.

  Mula sa pader ng Monpert Mental Institution na tanaw mula sa sinasakyan nila Liana ay nagbabaan ang mga nakaitim na lalaking nakahood. Kapansin-pansin ang pagkislap sa dilim ng kung anumang nasa bibig ng mga ito.      

  Ang isa sa mga nakahood ay lumapit sa nakaparadang pulang Bugatti para ipaalam na wala na sa loob ng gusali ang hinahanap at inaabangan ng mga ito.

  “I know that! Huli na naman tayo!” gigil na sambit ni Liana matapos murahin ang umalis na nakahood na itim. “Mga walang silbi talaga ang mga lintek! Palagi na lang huli ang report kaya huli rin tayong nakakarating! Mga bwiset!”

  “Baka nagkalat na naman ang mga iyon sa loob?” nagsalita ang isa pang babae sa loob ng Bugatti. Katabi ito ni Liana, ito si Lucia. Maputla rin. Kamukha ng nauna. Maluwag na maiksing bestida ang suot.

   “No. Sinabihan ko sila na wag papatay. Wala silang ginalaw sa loob ng mental na 'yan. We can’t afford to be revealed. Muntik na tayo the last time, and it won’t happen again.”

  Tumango si Lucia. Nakahinga nang maluwag.

  “Wag kang mag-alala, Lucia, makikita rin natin ang babaeng iyon. At kapag nadala natin siya kay Donovan, katapusan na ng hanapan. Matatahimik na tayo. At sana lang matapos makuha ni Donovan ang lahat ng dugo ng babaeng iyon ay patayin niya na ito. Ayoko na mabuhay pa ang babaeng iyon. Tinik siya sa lalamunan ko.”

  “I hope so,” anas ni Lucia. Pinanatili nitong pormal at matapang ang mukha. “Don’t worry about that woman, hindi man natin siya naabutan dito, for sure ay uuwi na iyon ng Cainta, Rizal. Babalik na iyon sa nanay-nanayan niya.”

  “Sana nga dahil nag-aabang na ron ngayon ang mga alagad ni Donovan.”

  Ang mga alagad ding tinutukoy nito ang dahilan ng kamatayan ng mga nagbo-board na estudyante sa boarding house noon na malapit sa PUP. Iisa ang dahilan ng mga ito ngayon, pero katulad noon, hindi naabutan ng mga ito ang pakay kaya ang pinagdiskitahan na lang ay ang mga kaawa-awang boarders.

  “May ipapagawa ako sa 'yo, Lucia.”

  “What is it, Mama?” Kakatwa na tinatawag nitong ina ang katabi gayong kung titingnan ay parehong batang-bata ang dalawa.

  Hindi normal ang dalawa. Hindi sila katulad ng ibang namumuhay sa mundo. They are superior from all of them. Nananalaytay kasi sa ugat nila ang imortalidad.

  Ang dalawang babae ay mga newly turned vampires. They are from the pack of Pedrigals. Hindi sila titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto.

  “Can you spy again in the Vox Mansion, Lucia?”

  Makikitang natigilan si Lucia, ngunit hindi nagpahalata. “Of course, Mama. Madali lang naman akong nakakalabas-masok doon. You know how much Lourd likes me. Kahit ayaw ng mga kakambal niya sa akin, walang magagawa ang mga iyon dahil si Lourd mismo ang nagpapapasok sa akin sa teritoryo nila.”

“Very good, daugther. Gawin mo ang lahat para makasagap ka ng impormasyon. Gusto kong malaman kung saan na naman dadalhin ni Helios si Euria kapag nakatakas na naman ang babaeng iyon ngayon.”

♚♚♚


ANONG MERON?!

Ano talaga ang nangyayari? Pagkalabas ko ng institution ay bumalik agad ako sa Cainta to see my mother. Siya ang gusto kong makausap at makasama sa ngayon na naguguluhan ako. Pero hindi si Mama ang nadatnan ko sa bahay kundi mga lalaking nakaitim. All in black suits. May mga sasakyang kulay itim din sa kalsada.

Hindi ako makagalaw sa pagkabigla.

“She’s not here,” narinig kong sabi ng sa isa mga lalaki. Naka all black americana at itim na shades. Kahit nasa kalayuan pa ako ay rinig na rinig ko sila.

“She’ll be here any moment from now. We just have to wait.”

Sino ang mga ito? At ako ba ang hinihintay nilang dumating?

“We have to get her. Hindi tayo dapat maunahan na naman ng mga sundalo ni Helios. Kamatayan ang makakamit natin kapag pumalpak na naman tayo.”

Nanatili akong nakatanga sa kalsada. Isang kotse ang huminto sa tagiliran ko at agad bumukas ang pinto ng passenger side nito.

“Ria!

“Trois?”

“Get in!” sigaw niya.

Napalingon muna ako sa aking likuran at muling tumingin kay Trois.

“Halika na, Ria!”

Napalunok ako at mabilis na sumakay sa passenger side ng kotse ni Trois. Pagkasakay na pagkasakay ko ay humarurot na agad ang sasakyan.

“Dadalawin sana kita nang makita ko iyong mga lalaking iyon. Kanina pa sila a inyo at hindi maganda ang kutob ko sa kanila. I don’t know, but parang hindi sila normal na mga tao.”

“Ha? Anong sinasabi mo?”

  “I saw what they did to your neighbors, Ria. Yung dalawa sa nakaitim na lalaki, hinypnotize iyong mga tao sa kalapit niyong bahay. Basta nakita ko. Nasa malayo ako pero kitang-kita ko ang ginawa nila. Parang nawala sa sarili iyong mga kapitbahay niyo, nagsi-alisan sila, nagkulong sa mga bahay nila.”

  Pawisan si Trois sa driver’s seat kahit napakalamig naman ng loob ng sasakyan niya. Tatanungin ko palang sana siya kung ano ang problema nang mapansing patingin-tingin siya sa rearview mirror. Nang aking sundan ang kanyang tingin ay napanganga ako. May humahabol sa amin!

“Trois!” takot na sigaw ko.

“Shit! The saw you!”

Hindi kotse ang humahabol sa amin kundi mga tao! Tatlong lalaking nakaitim na napakabibilis tumakbo! At ilang sandali lang ay nasa harapan na namin ang isa sa mga ito.

“Kapit, Ria!” Pero huli na ang biglaang preno ni Trois dahil sa bilis ng pangyayari ay nasagasaan niya ang tao sa harapan namin.

“Diyos ko, Trois!”

Namumutla siya nang buhayin niya muli ang makina. Kinabig niya ang manibela at muling pinatakbo ang kotse.

“Trois, nakabangga tayo hindi tayo pwede basta umalis dito!” Pero hindi niya ako pinakinggan. Mabilis na ulit ang andar ng kotse. “Trois, ano ba!”

Butil-butil ang pawis niya habang mahigpit ang kapit sa manibela. Nakatodo ang speed ng kotse.

“Trois, ano ba?! Nakapatay ka—”

Gigil siyang lumingon sa akin. “Hindi ko siya napatay, Ria!”

Natulala ako sa kaseryosohan ng mga mata niya.

“He’s not dead, okay?! At sinong tao ang kayang tumakbo nang ganoon kabilis?!”

“A-anong pinagsasasabi mo…”

“Ria, hindi iyon tao! Hindi sila tao!” Gigil na hinampas niya ang manibela. “Hindi tao ang mga humahabol sa 'yo kundi mga halimaw! Mga halimaw sila at gusto ka nilang kunin!”

JF

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon