"This Man"
"BAKIT?"
Nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin. Iyong lamig at init ng katawan niya ay may hatid na nakakangilong pakiramdam sa sistema ko. Kahit ang walang emosyon niyang mga mata ay nagdadala sa akin ng bolta-boltaheng kuryente.
"B-bitiwan mo ako..." Tinangka ko iyong alisin, kusa rin naman siyang bumitaw. Napatitig ako sa perpektong mukha ng lalaking nakaupo sa kama.
Bakit ganito? Bakit parang binabasa niya ang buong pagkatao ko sa pamamagitan lang ng simpleng titig niya?
"M-may kailangan ka ba?"
Wala siyang kibo. Hindi naman kasi nagsasalita dahil nga may kapansanan siya.
Pero bakit wala akong makitang kainosentehan sa mga mata niya katulad ng sa ibang mga pasyenteng nahawakan ko?
Bakit iba ang nakikita ko sa kulay berde niyang mga mata? Bakit imbes na kawalan ng kaalaman ay kasiguraduhan at karunungan ang nakikita ko sa kanya? Na para bang walang bagay na hindi niya alam o hindi niya malalaman. Lumunok ako at kinalma ang aking sarili.
"Z, kailangan ko ng umalis," paalam ko sa kanya. "Z, masyado mong inuubos ang lakas ko. First night pa lang nating dalawa. Sobra ka!"
Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya dahil alam ko namang wala akong mapapalang ganon. Wala siyang emosyon.
Mabilis akong lumayo at walang-lingong lumabas ng pinto. Napasandal ako sa pader pagkalabas ko ng kuwarto niya. Nakakabingi ang kabog ng dibdib ko ay hindi ko maintindihan kung bakit ganito.
Napapailing na nagsimula akong maglakad.
Hindi ko alam kung bakit "Z" ang naitawag ko sa kanya. Siguro iyon na muna ang itatawag ko sa kanya, iyon na ang petname ko sa kanya. Okay naman. Cute pero masculine pa rin. Siyang siya talaga.
Pero bakit niya ako pinigilan kanina? Ah, ewan!
Wish ko lang mawala muna siya sa alaala ko. Paano ako matutulog nito kung tuwing pipikit ako, nakikita ko ang mukha niya? Baka hindi na ako magising sa sobrang ligalig ngayon ng puso ko.
♚♚♚
"PUGE, ANO PANGALAN MO?"
"Oy, asawa ko 'yan!"
Dalawang may edad na babaeng pasyente ang nasa harapan ni Zelos Mondragon dito sa malawak na hardin ng Monpert Institution. Maraming pasyente sa paligid pero itong dalawang ito ang talagang ayaw tantanan si Zelos.
Nakatayo ang lalaki sa tabi ng fountain at walang kaemo-emosyon ang mukha habang tila siya specimen na sinisipat nang maigi nila Manang Belen at Manang Aleta.
Galit na itinulak ni Manang Aleta si Manang Belen. "Anong asawa? Anak ko 'yan e!"
Nanulak din naman si Manang Belen. "Sige anak ko pala asawa mo!"
"Baliw, baka asawa mo anak ko! Ha-ha-ha!"
Nagparty-party na ang dalawang ginang, pero walang paki si Zelos Mondragon sa dalawa.
Tinabihan ako ni Jenina sa bench na inuupuan ko. "Tao ba talaga 'yan? Parang fake. Sobrang guwapo e."
"Foreigner kasi," ani Denise na nasa kabilang tabi ko naman.
"Di rin, e. Moreno naman siya, e... parang ano, Kastilang lalaking manika. Basta! Oo nga, foreigner nga."
Inabot ni Denise si Jenina at pabirong hinampas. "Foreigner naman talaga, luka-luka 'to! Pinahihirapan mo pa sarili mo!"
BINABASA MO ANG
His Queen
VampireThe day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na siya rin pala ang stalker mo, sugar daddy at secret boyfriend na itinatago sa mundo... At may mas nak...