VOX'S MANSION, PROVINCE OF DALISAY
Ria will be fine. After tonight, she will lose all her memories and start a new life again. Everything is already planned before this happened.
I already expected this to happened. Kaya nakahanda na ang bagong identity niya sa panibago niyang buhay. Pati ang magiging mga magulang niya, kapatid at bahay na titirahan, lahat nakahanda na. Even her new name, Ariana Melendrez is waiting for her. Ang pag-iisipan ko na lang ngayon ay kung paano ko ipapasok ang sarili ko sa bago niyang buhay.
Napapikit ako nang mariin kasabay ng pagtapak ng mga paa ko sa malambot na bermuda grass. I still have all night to think about it.
"I'm home..." Dumilat ako at inaninag ang paligid kahit na puro dilim ang nasa aking harapan.
Walang buwan, walang bituin, at walang sindi ang mga ilaw sa paligid ng malawak na hardin. Bihira talagang magkaroon ng bukas na ilaw sa labas ng mansiyong ito, pero balewala lang iyon sa akin. Hindi problema ang walang liwanag dahil kaya kong makakita kahit sa lugar na pinakamadilim.
I heaved a sigh as I walk towards the old but well maintained mansion. I'm home again. Home in my kingdom without my queen. Napangiti ako nang mapait. Makikita ko na ulit ang tatlo.
It's been four years nang huli akong umuwi. I've been busy with my winery in Italy, and of course I've been very busy with my Ria.
Wala namang kaso kahit kailan ako umuwi rito. Walang ibang nakatira sa malawak na private land na kinatitirikan ng mansiyon na ito maliban sa tatlo. Walang uusyoso sa akin kahit pa daang taon akong hindi makita rito. Iyon nga lang ay magtataka na ang mga nakatira rito ko kung madadagdagan pa ang taon na hindi ako uuwi sa kanila. At hindi sila pwedeng maghinala sa kung ano talaga ang pinagkakaabalahan ko kapag hindi nila ako nakikita.
We are four in this house. Me, Kaden, Lourd, and Cross.
"You're back." Mula sa lumang grand fountain na yari sa batong hinugis na anghel ay lumitaw ang isang matangkad na lalaki. May hawak itong champagne glass.
It's Kaden.
"How's the winery?" Nakapamulsa siya at nakasandal sa gilid ng natutuyong fountain.
Kahit hindi ko pa siya nakikita kanina ay alam kong nandiyan siya. Walang nakakaligtas sa pandama ko. Nakakulay itim siyang polo na gaya ng sa akin. Magulo ang buhok niya at walang kangiti-ngiti ang mga labing basa ng iniinom na alak. He's 6'1 just like his twins.
Sa aming apat, ako ang pinakamatangkad sa height na 6'5 pero hindi nalalayo ang pangangatawan at itsura sa isat-isa. Kahit sa mga edad, walang magsasabi kung sino ang mas matanda at mas bata. We all look like we're on our mid twenties.
Actually, lahat kaming mga lalaki na nakatira sa mansiyon na ito ay mukhang magkakapatid lang na hindi nalalayo ang edad sa isat-isa. Pero hindi iyon ang totoo. Dahil ang totoo ay sila lang ang magkakapatid.
"Doing good, Sec." We call him Sec while they call me Uno. Si Lourd ay si Third, at si Cross ay si Fourth, pero hindi masaya si Cross na tawagin siya sa ganoong bansag. We hated our cursed names. Pero iyon lang ang nagpapaalala ng aming nakatakdang kabilugan ng buwan.
"Halos sabay lang tayong dumating, Uno. Galing akong Manila."
Tumango ako. Napansin ko na hawak niya pa sa kaliwang kamay niya susi ng sasakyang ginamit niya. "How's everything?" I asked.
"Same old." Nakasunod siya sa akin papunta sa pinto ng mansiyon.
"How's Lourd?" Siya ang pinakamatino sa tatlo kaya siya ang madalas na tinatanong ko.
"Lourd is busy with his long-time ex-girlfriend."
"I'm not surprised to hear that." Lourd will always be Lourd, hindi nakakalimot. Ilang dekada na pero hindi pa rin ito nakakamove sa ex nito and I couldn't blame him. I know the feeling. I really do understand what he's going through.
Huminto kami sa gitna ng malaking sala na napapalibutan ng malalaking antigong banga. The whole place would be perfect for a horror movie kung lalagyan lang ng sapot ang paligid-ligid. This is an old mansion na daang taon na mula ng bilhin ko. Kasama kong binili ang buong hacienda kung saan nag-iisang bahay lang ang nakatayo— my mansion. Pinili ko talaga ang lugar na ito na located sa isang malayong probinsiya.
"Walang problema sa mansiyon mo at mga negosyo, Uno. Nagpagawa na ako ng bagong mga dokumento na namatay ka na, at naipamana mo na ang lahat ng ari-arin mo sa 'yong mga anak."
"Good."
Ganoon naman parati tuwing lilipas ang mga dekada, kailangang plantsahin ang mga bagay na ginugusot ng panahon.
"May mga bagong board of directors din ang mga kompanya mo sa Makati at Quezon City. Maayos na napalabas ng tao natin na may mga bumili ng stocks."
"Much better kung ibinenta mo na lang ang mga kompanyang iyan at bumili ng mga bago dahil baka may magtaka na sa paulit-ulit na nangyayari. We can't afford to be revealed, Sec."
"Wala pa naman nakakahalata dahil ang ibang board of directors noon ng mga kompanya mo ay mga matatanda na at karamihan ay patay na. But don't worry, I'll do that in the next decades. For now, okay pa naman."
"All right. I trust you on that."
"Thank you, Uno."
"How about Cross?"
Napabuga siya ng hangin. "Busy messing with me."
Napailing ako. "Wala ngang bago."
"Sa 'yo, meron ba?"
Nang lingunin ko si Kaden ay matiim ang titig sa akin ng kulay berde niyang mga mata.
"Of course none." Nilampasan ko na siya pero ramdam ko pa rin ang paghabol niya ng titig sa akin.
I can not tell them about the real reason kaya madalas akong nawawala sa mga nakaraang taon. I can not tell them about Ria. Not yet.
"Where are you going, Uno?"
"In the secret basement." Tumuloy na ako sa likuran ng mansiyon. Nakikita ko sa isip ko ang pag-iling ni Kaden.
Sa likuran ng mansiyon ay may dambuhalang lumang fountain na biyak ang pinaka-estatwa. Sa katawan ng estatwa na ito ay may secret doorknob para bumukas ang sahig at lumitaw ang isang makitid na hagdan patungo sa basement ng mansiyon. Sa ilalim niyon ay may malawak na lugar at mga kuwarto. May entertaiment room na kompleto sa modernong gamit, may bedroom din kung saan ako lang ang madalas mag-stay. At syempre, merong kuwarto sa loob na gawa sa bakal, may rehas at may kandado. Doon namin ikinukulong ang aming sarili para sa kanya-kanya naming kabilugan ng buwan, ang kanya-kanya naming gabi na hindi namin kontrolado.
Pagkarating sa pangatlong pinto, the bed room, ay nakaramdam ako ng antok na bihira lang mangyari. Hindi ko ugaling matulog, maliban na lang kapag nandito ako. This is my place, my home. Pagpasok ko ay unang sumalubong sa akin ang malaking kuwadradong lumang frame kung saan naroon ang painting ng isang babae.
I painted this ninety years ago. It was Maria Euletta Pedrigal. My queen.
JF
BINABASA MO ANG
His Queen
VampireThe day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na siya rin pala ang stalker mo, sugar daddy at secret boyfriend na itinatago sa mundo... At may mas nak...