"giving in"I WOKE UP ALONE IN AN UNFAMILIAR ROOM.
In an unfamiliar bed. Hindi ko alam kung nasaan ako pero magaan ang aking pakiramdam sa kung saang lugar man ako ngayon naroroon. But, wait! Nasaan nga ba ako?
Umalis ako sa kama at tiningnan ang paligid. The bed was big, and so was the room. The designs were vintage. Makinis at makintab ang kulay brown na sahig, at solid woods ang mga gamit na obviously ay antiques. Kahit ang mga lampshades, curtains, frames and the king size bed na hinigaan ko ay antigo. Even the designs of the foam, pillows and mattress. At kung wala lang malaking flat screen TV sa dingding na tantiya ko ay nasa 105 inches ay iisipin ko na talagang bumalik ako sa nakalipas.
Pero bakit ba ako nandito? Kaninong kuwarto ito?
At bakit parang nanggaling na ako noon dito? Unfamiliar place yet felt familiar.
Inalala ko ang huling nangyari bago ako napunta rito. Nang maisip ko si Z ay agad kong tinungo ang pinto. Siya ang huling kasama ko kagabi bago ako nawalan ng malay-tao. Siya ang nagdala sa akin dito. Pipihitin ko na ang kulay bronze na doorknob ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Glad you're awake now."
Mabilis akong napalingon sa malaking bintana na nakabukas na ngayon. Hinahangin pa ang kurtina dahil sa hangin na nagmumula sa labas. Nakatayo sa harapan ko si Z at nakapamulsa sa suot niyang pantalon na kulay puti. Ang suot niyang pang-itaas ay puting polo na hindi naka-tuck in at hindi rin nakabutones ang tatlong butones sa gawing dibdib.
"You're in my room. I hope you don't mind that I brought you here."
"Bakit mo ako dinala rito?"
"First, welcome to my home, Ria. It's so nice to see you here." Again.
"Ha?"
"How's your sleep? Hindi na kita ginising dahil gusto kong makapagpahinga ka nang mabuti. Na mabawi mo ang lahat ng lakas mo."
Sa grandfather clock na isang sulok ng kuwarto ay nalaman kong alas otso palang ng umaga. Hindi pa tirik ang init sa labas pero maliwanag na ang araw. In fact, lumalagos ang liwanag niyon mula sa nakabukas na bintana papunta kay Z. Para siyang nasa isang photoshoot dahil nagmistulang background niya ang liwanag.
Sa ilaw ng araw ay mas kitang-kita ang makinis niyang balat ngunit maputla. But it's okay. His pale skin just made him look more devilishly handsome. At ang presko-presko, ang bango-bango niyang tingnan.
Parang gusto ko siyang yakapin at singhutin, but I will not do that. Bigla niya akong dinala rito ng walang pasabi at kung hindi ako nagkakamali ay pinatulog niya pa ako kagabi.
"Sabi mo may pag-uusapan tayo kaya pumayag ako na sumama sa 'yo. Bigla mo na lang akong dinala rito, Z, hindi ako natutuwa. Akala ko aalis lang tayo at babalik din ako kay T—"
"Hindi ka na babalik sa kanya."
"And who are you to decide for me?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"You're my woman, and you should be by my side and not with the side of other man." Humakbang siya palapit sa akin.
His woman.
That sounded possessive. Dapat mainis ako pero hindi.
Habang papalapit si Z sa akin ay naliligalig ako. Nang dumating siya kagabi sa condo ni Trois ay akala ko panaginip lang na buhay siya. Parang puputok ang puso ko sa saya. Kahit pala niloko niya ako, hindi pa rin nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Natabunan lang iyon ng galit, pero nandoon pa rin. Ganun pala magmahal, nakakabobo talaga.
BINABASA MO ANG
His Queen
VampireThe day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na siya rin pala ang stalker mo, sugar daddy at secret boyfriend na itinatago sa mundo... At may mas nak...