"I'M STILL MAD AT YOU."
Nilingon ko si Cross. Nakasandal kaming pareho sa Ferrari ni Lourd. Nasa tapat kami ng ospital na pinagdalhan kay Trois. Si Lourd at Kaden lang ang pumasok sa loob, si Cross ay nagpaiwan para makasama ko rito sa labas.
"You left us."
"I'm still mad at myself, too, for doing that." Ngumiti ako nang mapait. "And I don't know if I can ever forgive myself."
"Uno told us the real reason." Humarap siya sa akin nang nakapamulsa.
"Real reason?" takang tanong ko.
"Sinabi na sa amin ni Uno ang totoo. You didn't really left us." Ngumiti si Cross, bagay na ngayon ko lang nakitang ginawa niya. At napakasarap sa pakiramdam na makita ang maganda niyang ngiti."Nang umalis ka sa mansiyon, bumalik ka sa pamilya mo. Iyon ang panahong pinagbabalakan ka na nang masama ng mga Pedrigals."
Yeah, I can still remember that. Pero pagkatapos ng kaganapang iyon ay wala na akong ibang matandaan.
"Hindi mo matanggap ang katotohanan. Hindi lang ang pagbabago sa kung ano, at ang tungkol sa aming tatlo, kundi higit lalo sa kaalamang hindi mo tunay na ama ang itinuring mong ama. Hindi mo kinaya ang lahat."
Nasapo ko ang aking ulo. Sa isip ko ay may mga iilang alaala ang sumisingit. Nakikita ko ang sarili ko na niyayakap nang mahigpit ni Helios habang pilit akong kumakawala sa kanya. Nasa harapan namin ang tatlong batang lalaki, mga nasa edad lima, mga umiiyak habang nakatingin sa amin.
"You been a good mom to us kahit pa hindi mo matanggap na hindi tayo normal. At kahit wala ka sa tamang katinuan, ginampanan mo ang tungkulin mo sa aming tatlo."
"A-ano?"
"Yes, you lost your sanity. That's the real reason kaya hindi mo maalala ang lahat-lahat."
Natigagal ako sa kanya.
"Naaalala ko kung paano ka tyagain ni Uno sa tuwing susumpungin ka. Bigla kang nagwawala, sinasaktan mo ang sarili mo, sinasaktan mo siya. He's always beside you, patiently taking care and loving you. Pero alam mo kung ano ang nakakatuwa? Kahit na nananakit ka, hindi mo kami sinaktan nina Kaden at Lourd kahit kailan. Kahit pa saksakan kami ng kulit noon."
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko habang nakikinig sa sinasabi ni Cross.
"Siguro kasi sa puso mo, alam mo na mga anak mo kami." Ngumiti siya at muling sumandal sa kotseng nasa likuran. "Pero wala ka pa rin sa katinuan. May mga pagkakataong tumatakas ka. Umaalis ka na hindi nalalaman ni Helios dahil inaasikaso niya kami. At dahil may kakayahan ka na noon, madali na sa 'yo ang umalis at makalayo nang mabilis. Bumabalik ka sa mga kapatid mo. Bumabalik ka sa kanila kahit sinasaktan ka nila, ikinukulong, kinukuhanan ng dugo... at sa paulit-ulit na pagtakas at pag-alis mo, hindi nagsawa si Uno na hanapin ka, sunduin ka at ibalik sa piling namin.
Noong nagkakaisip na kami, bigla kang nawala. Doon na nagsimulang hindi ka na namin nakita. Ang buong akala namin, sumuko ka na. Umalis ka na talaga. Pero lahat ng iyon, palabas lang pala. Sakripisyo lang ni Uno ang lahat para masiguradong gagaling ka, magiging masaya ka, at maranasan mo uling mabuhay ng normal tulad noon. I'm sorry if I learned to hate you without knowing the whole truth."
Nilapitan ko si Cross. "K-kahit ano pa ang totoo... wala kayong kasalanan para magsorry sa akin. Ako ang magulang niyo, ako ang nagkulang."
Ngumiti siya kahit may luha sa mga mata. "Can we start anew?"
Mula sa lobby ng ospital ay lumabas sina Lourd at Kaden. Nagtataka ang mga tingin nila sa amin. Nang makalapit sila ay niyakap ko sila isa-isa. Nagtataka man ay gumanti ng yakap sa akin ang dalawa. Sa huli ay pati si Cross ay nakiyakap na.
BINABASA MO ANG
His Queen
VampireThe day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na siya rin pala ang stalker mo, sugar daddy at secret boyfriend na itinatago sa mundo... At may mas nak...