Kabanata X

84.9K 3.4K 153
                                    

“the fall of the queen”

“MAY PROBLEMA KA BA?” I tried kissing him pero parang wala siya sa mood. Though gumaganti siya ng halik, pero hindi lumalalim.

  Hindi ako sanay!

  Nasanay kasi ako na kapag malapit ako sa kanya, kusa niya ng aabutin ang mga labi ko. Sa umpisa, dikit-dikit lang, 'tapos biglang lalalim. Parang ang tagal na hindi kami nagkita. Parang normal kami. Parang normal siyang boyfriend na sabik sa akin. Nawili ako, I must admit. Kaya nakakapanibago siya mula kahapon. Parang ang layo niya.

  Nakakainis mangapa kung may problema ba kasi hindi naman siya nagsasalita. Hindi ko rin alam kung sa mga oras na ito ay nagkakaintindihan kami.

  Kahit naman kasi hindi talaga kami nakakapag-usap, ramdam ko naman na nagkakaunawaan kami. Maliban ngayon. Kasing lamig ng palad niya ang mga tingin niya. Tinititigan ko siya sa magaganda niyang mga mata ngunit blangko. Wala talagang init. Wala siya sa mood.

  Nagkwento na lang ako, bagay na bihira kong gawin. Kung anu-ano na lang iyong sinasabi ko, pati mga adventure ko sa mga dating pasyente, inopen ko sa kanya. Gusto ko lang na wala kaming dead air lalo ngayong parang wala sa akin ang atensyon niya.

  Pinainom ko siya ng gamot saka ako naglinis ng kanyang kuwarto. Nasa kama lang siya sa buong oras na kumikilos ako.

  “Z, baba muna ako para dalhin itong mga maruruming damit.”

  Nasa pinto na ako ng bumalik ako. Hinagkan ko siya sa ulo saka ako umalis.

  Bumaba lang ako saglit, pagbalik ko nagkagulatan na kami ni Dr. Gregorio Vasquez na kalalabas lang sa kuwarto ni Z. Ngayon ko lang siya naratnan na dinalaw si Z. Ano kayang sadya niya?

  “Good morning, Doc,” bati ko sa sixty-five years old na doktor. Kakatwa na mailap ang mga mata niya ngayon.

  Tango lang ang sagot niya sa akin saka siya nagtungo sa elevator. Nakasunod ako ng tingin sa kanya habang nagtataka. Parang iwas si Doc ngayon, siguro’y marami siyang problema.

  “Ri, tawag ka ni Dr. Vasquez,” ani Jenina.

  “Bakit daw?”

  “Urgent. Di sinabi kung bakit.”

  Hinalikan ko sa pisngi si Z bago ako nagpaalam na aalis muna ulit. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang patungo sa opisina ni Dr. Vasquez. Naabutan ko siya sa swivel chair niya na tila malalim ang iniisip. Tumikhim ako para lang mapansin niya. “Have a seat. Please.”

  “Doc, pinatawag niyo raw ako sabi ni Jenina.”

  “Uh, yes.” Umayos siya ng upo at ngumiti sa akin. “How’s your patient?”

  Tumikwas ang kilay ko. “Uhm, okay naman siya. May mga reports ako kung gusto niyo pong makita.”

  “Saka na lang.” May kinuha siyang sobre at inabot sa akin.

  “Ano po iyan?” Inabot ko ang sobre dahil ayaw ko namang mangalay si Doc.

  “Your bonus.”

  Nang buksan ko ang sobre ay marami lilibuhin ang laman niyon. Kailan pa nauso ang ganito rito sa institution?

  “ Alam mo namang VIP ang pasyente mo. Sige na, tanggapin mo na 'yan, hija. At saka napansin ko na hindi ka na nag-o-off.”

  Doon biglang kumalabog ang dibdib ko.

  “I suggest you take a rest, hija. Ipapabantay ko na lang muna si Mr. Mondragon sa—”

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon