Kabanata XVIII

76.8K 3.6K 265
                                    

“undead”

“LET HER GO.”

Napabitaw sa akin si Z nang biglang sumugod sa amin si Trois.

“Who the fuck are you?”

“Ikaw ang sino!” Gigil na dinuro ni Trois si Z. “Anong kailangan mo kay Ria?”

“Sandali lang, Trois,” awat ko. Hinarap ko si Z. “Mabuti at nandito ka. I’ve been meaning to talk to you.”

“Ria…” alma ni Trois.

“Sandali lang, Trois,” paalam ko sa kanya.

Nakakunot ang noo ni Z habang nakatingin siya sa akin. Kapansin-pansin ang pamumula ng makinis niyang balat sa sinag ng araw. Bahagya ring pawisan ang gilid ng kanyang sentio patungo sa pisngi. Okay lang ba siya?

Ano bang pakialam ko kung okay siya o hindi? Niloko niya ako kaya hindi ako dapat makaramdam ng kahit anong simpatya sa kanya.

“Ria, dito lang ako.” Si Trois. Masama ang tingin nito kay Z.

“Mag-uusap lang kami.” Sinenyasan ko si Z na sumunod sa akin sa di kalayuan. Nauna na akong maglakad at ramdam ko na nakasunod siya sa akin.

Nang huminto ako at lumingon ay blangko ang mga mata niya habang nakapamulsa siya sa suot na fitted denim jeans. Hindi ko maiwasang hindi mapigil ang aking paghinga sa ayos niya. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganito.

Kung guwapo na siya sa sweat pants and shirts, mas lalo ngayong naka itim siyang polo na nakatuck in sa suot niyang jeans. He’s sexy and I must give him that. He also looked so expensive. Parang mas bagay pa siyang modelo kaysa sa mga lalaking nakikita ko sa billboards. Sa tangkad, kinis at sa ganda ng katawan niya, bagay talaga sa kanya ang kahit anong isuot niya. 

Pasimple kong sinulyapan si Trois na nasa ilang dipa ang layo mula sa amin ni Z. Yes, Trois is a good looking man, but he’s not as good looking as Zelos Mondragon. Iba ang lalaking kaharap ko, ibang-iba siya. Siguro dahil obviously ay hindi siya purong Filipino. Halata kay Z na ibang lahi siya kahit pa hindi naman siya ganoon ka-mestizo.

“So?”

Napalunok ako nang magsalita siya. Nakataas ang gilid ng kanyang bibig at nakaarko ang isa sa makakapal niyang kilay habang nakatingin siya sa akin.

“You have something to discuss with me, right?” muli’y sabi niya sa boses na makalaglag matris.

Napangiwi ako sa term na aking ginamit. Matris talaga? Kung ano-ano talaga ang natutunan ko kapag nagbibiruan sila Jenina sa ospital.

“So what is it?”

Inis ko siyang tiningala. “Pwede ba wag kang atat!”

Inalis niya ang mga kamay sa loob ng kanyang bulsa at pinagkrus naman ngayon sa tapat ng kanyang dibdib pahalukipkip. At parang bahagyang ngumisi ang kanyang mapulang mga labi. Lalo tuloy siyang naging hot sa paningin ko kaya lalo lang akong nainis. Hindi naman kasi ako dapat humanga sa kanya, niloko niya nga ako, di ba?

Namewang ako at pilit na tinataboy ang mga thoughts na dumidistract sa akin. “Gusto ko lang makausap ka.”

“We’re talking now.”

“Wag mo akong pilosopohin!” gigil kong sikmat sa kanya. “Wag kang umarteng cool diyan na parang wala kang ginawang kalokohan sa akin!”

Nanahimik ang herodes. Sana naguilty.

“Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay at nagpaconfine ka sa mental samantalang hindi ka naman totoong baliw. I mean wala ka nang pag-asang gumaling dahil nga sa yung kabaliwan mo, to the highest level na. Walang matinong tao kasi ang gagawa ng ginawa mo sa totoo lang.”

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon