Kabanata V

130K 4.4K 509
                                    

"Maria Santiago"

Monpert Mental Institution, Antipolo,
2016

"WHO'S HE?"

Lumabas papunta sa garden ang matangkad na lalaking naka-unipormeng puti, uniporme ng mental facility na ito. Obviously, that man is a patient here. A new patient.

Kelan kaya iyon dumating? Bakit ngayon ko lang napansin?

Bumungisngis sa akin si Denise, co-nurse ko. "Guwapo, 'no?"

"Hmn, oo," sagot ko sa kanya. Kaya ko nga napansin kasi nga, guwapo.

Hindi lang basta guwapo, kundi super guwapo. Kahit saang anggulo ko tingnan, sure ako na hindi siya Pilipino. Parang gray na medyo green 'yung mata niya, saka iyong ilong niya, matangos na pulido. Makakapal ang pilik-mata at kilay niya, parang Bumbay na Caucasian na medyo Italian.

Sayang lang kasi pasyente pala siya. Pasyente ng mental hospital na ito kung saan ako nagta-trabaho. Dito sa Monpert Mental Hospital, Antipolo.

"Riri, okay ka lang?"

Napakurap ako at muling napabaling kay Denise.

Nakangisi sa akin ang babae. "Masyado mo naman yatang dinamdam iyong bagong pasyente porket guwapo."

"Hindi, ah," tanggi ko.

"Sus! 'Wag mo na akong linlangin, uy. 'Wag kang mag-alala, kahit kami nila Jenina ay may crush don," ang tinutukoy ni Denise ay mga co-nurses namin dito.

"Bakit siya nandito?" wala sa loob na tanong ko. I admit, interesado nga ako sa bagong pasyente. Siguro dahil guwapo siya? Pero kailan pa ba ako nahilig sa guwapo?

"Ewan. Curious din kami." Nagkibit ng balikat si Denise. "Hindi pa namin alam ang reason, syempre hindi naman kami pwedeng basta makialam sa files ni Doc Greg."

Magli-limang buwan pa lang ako sa institusyon na ito, dito ako dinala ng mga paa ko pagkatapos kong makapasa sa board exam. Maganda naman ang pasahod kaya nag-go ako. So far, I'm enjoying my work here. Malapit lang sa place ko since I'm living with my mom in Cainta Rizal.

Muli kong sinulyapan iyong lalaking ubod ng guwapo. Nakatayo ito sa gitna ng garden. Hindi nakabawas sa dating nito ang unipormeng puting pajama at puting sweater. Catwalk na lang ang kulang, pwede na itong rumampa.

"Pogi niya talaga, nuh!" siniko ako ni Denise.

Nakamata lang ako roon sa lalaki. Wala itong kaekspre-ekspresyon, parang walang pakialam sa paligid kahit pa napapalibutan ito ng ibang pasyente. Meron pang isang lalaking pasyente na nagbe-bending sa harapan nito, pero wapakels si Pogi.

Pero bakit nga kaya siya napunta rito?

♚♚♚

"OT ka na naman ba ngayon?"

Napaangat ang paningin ko mula sa files na aking binabasa. 9 pm nang gabi ng silipin ako sa quarters ni Denise. Ako na lang ang nandito, kakaalis lang ng iba kong kasama.

"Anong pangalan niya?" tanong ni Denise sa akin, inginunguso niya ang hawak kong folder.

Nag-init ang mukha ko. Nahuli ako ng bruha!

Lumapit siya sa akin, nakahalukipkip at naglalaro ang pilyang ngiti sa mga labi niya. Petite si Denise, 5'5 ang height, maputi, may bangs, cute na babae.

"So, Riri, bakit mo pinapakialam 'yang files? Kay pogi yan, 'no? So ano nga ang pangalan niya."

"Zelos."

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon