Kabanata XXVII Part II

93.2K 3.1K 422
                                    

XXVII Part II

BUMUKAS ang pinto at marahas na hangin ang biglang pumasok mula rito. Sa isang kisap-mata, nasa harapan ko na ulit si Liana. The wife of one of my older brothers.

"You should die."

"Hinahanap na ako ni Helios sa mga oras na ito," matapang kong wika. "Ano kayang gagawin niya sa 'yo kapag nandito na siya?"

Humalakhak siya. "Iko-comfort niya siguro ako, tapos iko-comfort ko rin siya habang nagluluksa siya sa bangkay mo."

Naningkit ang mga mata ko.

"Magpi-pretend ako na napatay ka ng isa sa mga kapatid mo. Tapos sasabihin ko na nakonsensiya ako kaya naisipan ko nang tumiwalag. Tumakas ako kay Donovan at dapat ililigtas sana kita kaso nahuli nila ako. Na sinaktan nila ako at balak na ring patayin dahil sa pagta-traidor ko. Syempre no choice na si Helios kundi kupkupin ako since wala na akong mapupuntahan, and for sure, nanganganib na ang buhay ko sa mga Pedrigals."

"At akala mo hahayaan ka ng kuya ko na basta na lang mapunta sa mga Vox?!"

"Wala naman siyang laban kahit isa sa mga Vox, e. Alam mo namang umaasa lang ang inutil mong kuya sa dugo mo para lumakas siya. Iyong natitira mo ngang dugo sa kampo e ginagawa nong vitamins araw-araw."

"Pathetic," gigil na sambit ko.

"Sinabi mo pa. Kaya nga nong makilala ko si Helios, nagbago ang pananaw ko sa buhay. Gusto kong tumiwalag sa mga Pedrigals. Gusto kong sumama sa kanya, pero hindi pwede dahil baliw na baliw siya sa 'yo."

"Sorry," I said sarcastically.

Umismid siya. "Ang tagal kitang hinanap, Ria. Ang tagal na kitang gustong dispatsahin."

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang malaking babae na mukhang lalaki. Makinis ang balat, halatang isang bampira na may mahabang buhay. Malaki ang katawan nito, puro tattoo na kita sa suot na labas ang manggas na damit. At ang suot nitong pantalon ay hapi na hapit, hinuhulma ang naglalakihang mga muscles. "My queen..."

Inis na lumingon si Liana rito. "What is it, Hagua?"

Yumukod ang tinawag na Hagua. "May nakitang kotse na nasa dulo likod ng mansiyon."

"Ano? Kanino naman iyon?!"

"Isang lalaki ang nakita namin sa loob. Nasa mga kamay na siya ngayon ng mga alagad niyo."

Nagpanic agad ako nang maisip ang posibilidad.

"Mortal?"

"Yes, my queen."

Lalong tumindi ang hinala ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo nang maalala ko ang bracelet na suot-suot ko ngayon. Gumana ito malamang nang tangayin ako ni Lucia paalis sa mansiyon ng mga Vox. Tanging sa mansiyon lang naman ni Helios hindi gumagana ang bracelet na ito.

"Anong sadya ng lalaki?" inis na tanong ni Liana.

Tumingin sa akin ang matalim na mga mata ni Hagua. "Mukhang ang bihag niyo ang kanyang sadya."

"Punyeta!" Padabog na lumabas si Liana ng pinto. "Sumunod ka sa akin, Hagua!"

"Saan ka pupunta, Lia!" takot na sigaw ko. "Bumalik ka rito! Tatakas ako kaya wag mo akong iwan!"

Lumingon siya sa akin at ngumisi. "Hindi ka makakatakas kahit magtangka ka pa!"

"Lia! Wag mo siyang sasaktan! Lia!!!"

Pilit akong kumakawala sa pagkakagapos ngunit nanghihina lang ako lalo kapag humihigpit ang pilak sa akin. Nagsisisigaw ako para tawagin si Lia, wala akong pakialam kahit magkandapaos-paos ako. Hindi ako huminto hanggang sa bumalik siya.

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon