"MOMMY!"
Napangiwi ako nang mapatingin sa amin ang mga tao. Naririto ako ngayon sa bagong tayo kong flower shop. Isa sa sampung branches ng Bloomerangs Flower Shop. Si Cross ang nakaisip ng pangalan ng shop.
Ito, nagsisimula na nga pala ang normal na buhay na tinutukoy ni Helios... ang pagpapalaya niya sa akin, kasama ang limpak-limpak na pera na allowance ko habang nabubuhay ako sa mundo.
At oo, katagalan ay naging okay na kami ng mga anak ko. Lalo ang bunso ko.
Pagpasok na pagpasok ni Cross ng pinto ng shop ay sa akin siya dumeretso. Ngiting-ngiti siya, napakaguwapo sa suot na black V-neck shirt and fitted pants. Parang rarampa lang sa catwalk. At parang hindi siya natulog sa akin kagabi dahil nandidito na naman siya.
"Ang guwapo naman..." Malinaw kong narinig sa mga estudyanteng namimili ng bulaklak sa gilid.
Pati ang mga crew ko rito sa shop na first time lang makita si Cross ay halos mamilipit para lang siya'y masilip.
"Boyfriend ba 'yan ni Miss Ri? Ang guwapo! Parang artista!"
"Bagay sila. Ang ganda rin ni Miss Ri! Parang hindi sila tao sa sobra nilang perpekto!"
Pati ang mga tauhan ko na busy sa pagdedesign ng mga orders na bulaklak ay mga nakiusyoso na. Hindi ko sila masisi dahil talagang hindi madaling palampasin at deadmahin ang sino man sa tatlong magkakambal. Kanino pa ba magmamana ang tatlo? E di doon sa tatay nilang saksakan ng guwapo—pero sa huli, iniwan lang ako.
Kilig na kilig ang mga nakatingin sa amin. "Ang cute ng tawagan! Mommy and daddy! Baka may plan na silang magpakasal. Ang ku-cute siguro ng magiging mga anak nil—"
Nang makalapit sa akin si Cross ay bigla siyang nagmano. Ang lahat ay sandaling napatanga.
"Baka biruan lang nila iyon," dinig kong bulong ni Gina, isa sa mga tauhan ko.
"Mommy, sabi ko na nandito ka sa branch mo rito." Ngiting-ngiti pa rin si Cross. "Kumusta ang business? Ayos ba?"
"Okay naman. Panglimang buwan na..." akong iniwan ng tatay mo.
"Oo nga. At mukhang going strong, ah? Magdagdag na ulit tayo ng branches. Mga sampu siguro."
"Hindi iyon ang kailangan ko."
"Ha?"
"Nasaan ang mga kapatid mo? Gusto ko kayong makausap na tatlo." Gusto ko silang makausap dahil suko na ako at sila lang ang alam kong matutulungan ako.
LIMANG MINUTO.
Limang minuto lang ay nandito na sa shop ko sina Lourd at Kaden. Tinawag sila ni Cross gamit ang isip. Isa sa mga advantage ng pagiging vampire ay tipid sa load, gas and sweat.
BINABASA MO ANG
His Queen
VampiriThe day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na siya rin pala ang stalker mo, sugar daddy at secret boyfriend na itinatago sa mundo... At may mas nak...