Kabanata XI

89.7K 3.4K 341
                                    


“inhumanly beautiful”

MGA LALAKI, makapagpapansin lang, kung anu-anong gimik ang ginagawa.

Alam na alam ko ang mga galawang ganyan ng mga 'yan kahit wala akong karanasan. Marami na akong nakitang kakilala na umiyak dahil sa mga walanghiyang lalaki.

   Iba lang talaga si Z. He’s an exemption. Z is innocent and mysterious. Namimiss ko na si Z. Ano na kayang ginagawa niya? Nagtataka ba siya na hindi niya ako nakikita at iba ang nag-aalaga ngayon sa kanya?

  Sumakay ako ng tricycle papasok sa Greenland. Inihanda ko na ang susi ko dahil wala si Mama. Malamang hindi pa siya nakakauwi dahil malayo ang pupuntahan nila ng kaibigan niya. Nag-text pa nga siya ulit sa akin nong isang gabi dahil may bago na naman daw silang pupuntahan. Papasyal sila kaya hindi talaga siya makakauwi. Napabuntong-hininga ako habang nagbabayad sa driver ng sinakyan kong tricycle.

  Gutom na ako dahil tanghalian na, at kagabi pa ako huling nakakain nang matino. Hindi ako nakabili ng stocks dahil sa pagmamadali kong umiwas sa lalaking nakabangga ko, kaya wala akong kakainin ngayon.

  “Oo. Baka mamaya andiyan na ako.” May nagsalita mula sa loob.

  Nahinto ako sa paglalagay ng susi sa keyhole. May tao sa loob ng bahay?

  “Oo nga. Ano bang pasalubong? E kung gusto niyo, diretso na tayo sa Galleria para doon na tayo kumain. Oo naman. Mabait namang bata si Ria, hindi naman siya magagalit kung malalaman niyang aalis na naman ako.”

  Si Mama! Agad kong pinihit ang doorknob. Naabutan ko si Mama. Kahit paano’y lumuwag ang dibdib ko. May kasama naman pala ako. Kung suswertehin, makakapagbonding pa kami.

  “Ma, nandito na po ako.” Ibinaba ko ang bag ko sa sofa. “Akala ko po may lakad kayo?”

  Nahinto si Mama sa pakikipagusap sa phone ng pumasok ako sa bahay. Mabilis siyang nagpaalam sa kausap niya para harapin ako. Hindi ako makapagdecide kung nakangiti ba siya o nakangiwi. “Bakit umuwi ka, anak?”

“Anak” ang sarap talagang marinig ng ganoong tawag. Hindi ko alam kung bakit parang sabik na sabik akong matawag na “anak”. Mabuti at meron akong ina na inuuwian. Maswerte ako.

  “Force leave, Ma,” nakangiting sagot ko. “Bonding raw tayo.”

  Umiwas siya ng tingin at dinampot ang basahang nasa mesa. “Kuwan, may lakad ako mamaya…”

  “Po? Akala ko naman hindi ka natuloy kaya andito ka, Ma.” Nalumbay ako. Akala ko pa naman makakapagbonding na kami. Balak ko pa namang ikwento sa kanya si Z. Hindi pa ako nakakapagkwento kay Mama kahit kailan ng tungkol sa isang lalaki kaya medyo kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.

  “Tuloy iyon, Anak. Hayan nga at kausap ko kanina, di ba? E kumain ka na ba?”

  Nilapitan ko siya at hinagkan sa pisngi. “Hindi pa nga, Ma. Pero 'di pa naman ako ganon kagutom. Kayo po ba, kumain na?”

  “Kailan ka ba nakaramdam ng gutom?” halos pabulong na sabi niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

  “Ano, Ma?” Narinig ko naman siya kahit gaano kahina ang boses niya, nagtanong pa rin ako kahit ganon.

  Siguro nagtatampo si Mama kasi lahat ng inihahanda niya sa akin ay hindi ko nauubos. Siguro akala niya, hindi ko siya naappreciate. Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likuran. Tama nga siguro itong leave na ito para makabawi naman ako kay Mama.

  Kinalas niya ang mga braso ko sa kanyang bewang. “Siya sige, ipaghahanda kita ng makakain.” Kinuha niya ang pitaka niya sa mesa saka siya madaling lumabas ng pinto.

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon