"WHAT?"
"I apologize, my lord. We went to Miss Ria's apartment but she was already gone. Her mother told us that there are men who came last night and they attempted to abduct Miss Ria, pero nakatakas siya."
My jaw clenched upon hearing Trevlor's report. Sino ang mga lalaking gustong kunin si Ria? Natunton na ba siya ng alagad ng mga kapatid niya?
"Do everything to find her," mariing utos ko.
"Will do, my lord." Pagkatapos ay nawala na sa linya si Trevlor.
Hindi pwedeng maunahan ako ng mga Pedrigal kay Ria. Ria's brothers are now vampires, too. At nagpaparami ng lahi ang mga ito. Kailangan ko na talaga siyang makuha at maitago ulit.
Kailangan ko siyang maprotektahan sa paraang hindi siya mahihirapan. Sa paraang kaya niya pa ring mabuhay nang normal.
"Ang aga-aga, Biernes-santo ka." Boses mula sa nakabukas na pinto ng study room.
Sa sobrang preoccupied ay hindi ko napansing nakapasok na sa kuwarto si Cross. Magulo ang buhok na lalaki at tumutulo ang pawis nito sa leeg patungo sa kulay puting T-shirt. Nakapamulsa ito sa suot na kulay gray na sweatpants.
"What are you doing here?"
"Checking on you, Uno." Tumawa ito. Sa tatlo ay ito ang pinaka happy-go-lucky pero pinakamatinding magtanim ng sama ng loob. "Tagal mong nawala. Hindi ba pwedeng miss kita?"
"I'm busy, Cross."
Tumulis ang nguso nito. "Ano ba yan? Wala man lang sweetness."
"You're bored."
"Oh, yeah." Naupo ito nang pade-kwatro sa center table na nasa kuwarto. "Yung dalawa may lovelife na."
Napangisi ako. "Inggit ka?"
"Of course not!" Sumimangot ang guwapo nitong mukha. "Ew!"
Napahalakhak ako. Kahit daang taon na si Cross, he's still the baby boy na kilala ko noon. Siya pa rin ang makulit na batang mahirap i-spell ang ugali.
"Magbakasyon ka muna, Cross. How much do you want?"
"As if hindi ko pa naikot ng ilang beses ang mundo. Try mong ibook ako ng flight sa ibang planeta naman, doon di pa ako nakakarating." Tumayo na siya ulit. "But seriously, I'm glad to see you, Uno."
"I'm glad to see you, too, Fourth."
Ngumiwi ito. "I said, I don't want to be called with my cursed name. Kayo lang ang nag-eenjoy sa ganyan e. Corny niyo."
"Fine, Cross."
"Hindi ako maiinggit kahit magtag-sampung lovelife pa sina Kaden at Lourd. As long that you're still single, I'm good. Wala ka namang lovelife, right?"
"You know I can only love one woman." Nag-iwas ako ng tingin sa nanunuring mga mata ni Cross.
"And that woman left you. Us." Mapait na ngumiti ito. "Forget about her, Uno. It's been years. Hundred years for fuck's sake. Kung nasaan man iyon ngayon, malamang na maligaya iyon, enjoying her freedom away from us."
"Magkape ka na muna," taboy ko sa kanya. "Hindi na naman maganda ang gising mo."
"As if natutulog talaga ako." Ngumisi si Cross. "Fine, alis na ako. Basta I'm happy to see you again... Dad." Lumabas na ito ng study room.
Dad.
It's been one hundred years since the last time he called me "dad". I stopped aging at the age of twenty-eight while they stopped at the age of twenty-seven. It will be weird for the grown-up triplets to call me dad because we all look almost the same age.
BINABASA MO ANG
His Queen
VampireThe day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na siya rin pala ang stalker mo, sugar daddy at secret boyfriend na itinatago sa mundo... At may mas nak...