"immortale"
"HOW OLD ARE YOU?"
Napakurap ako. I am now here in my new boarding house. Nakangiti sa akin ang babaeng kasama ko dito sa kuwarto pero parang may something sa tono niya na hindi ko gusto. Hindi siya mukhang friendly.
"Uhm... I'm twenty-six," sagot ko sa kanya.
"Oh!" eksaheradang sambit niya.
"M-may problema ka ba sa edad ko?"
Isang linggo pa lang kaming magkasama sa kuwartong ito. Tatlo kami rito. Malawak ang kuwarto at may tatlong single bed at tatlong closet, not bad para sa monthly na four-five. Libre na ang tubig don, at sa kuryente ay hati-hati kami. Naka-sub-meter lahat ng apat na kuwarto sa boarding house na ito. Tag-tatatlo rin ang bawat boarders sa kada kuwarto.
"What's your skin care?" Nakataas na ang kilay niya sa akin.
"Ha?"
Pumalatak siya. "'Sabi ko, anong ginagamit mo sa face mo?"
Wala sa loob na aking nakapa ang pisngi ko. "Safeguard?"
Napaismid siya. "Niloloko mo ba ako, Ria?"
"Hindi kita niloloko, Suzane." Suzane Alvarez ang pangalan niya. Kolehiyala. Hindi working student.
"Paanong mangyayaring ganyan kakinis ang mukha mo kung Safeguard lang ang ginagamit mo? Ni wala ka yatang pores sa mukha mo, ang kinis-kinis mo kahit hindi ka maputi. Bakit hindi ka man lang nagkaka-pimples gayong never pa kitang natulog nang matino!"
Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto namin. Pumasok mula ron ang isang balingkinitang babae. Si Tiana. Kasama namin dito sa kuwarto. Maganda siya, maliit na babae at kulot na kulot ang hanggang balikat na buhok. Katulad ni Suzane ay palaayos si Tiana.
"'Wag mo ngang takutin si Ri!" Saway niya kay Suzane bagamat nakangiti. "Anong magagawa mo kung nasa genes niya na ang natural na kagandahan."
Ismid ang sagot ni Suzane kay Tiana.
Kinindatan ako ni Tiana. "'Sensiya ka na diyan, Ri. Ganyan talaga 'yan si Susana, insekyora."
"It's Suzane! Duh!" Umikot ang bilog sa mga mata ni Suzane.
"Whatevs!" Bumungisngis si Tiana sa akin. "Palibhasa ang dami-daming nilalagay na kemikal sa mukha, 'yan tuloy, ang matured na ng balat kahit bente-sinco pa lang. Hindi kasi makontento e."
Padabog na iniwan kami ni Suzane sa kuwarto.
"Taga saan ka, Ri?"
"Taga Bulacan." Napatingin ako kay Tiana. Compared to Suzane, mas di hamak na friendly siya.
"Taga Gen Tri Cavite naman ako. I'm Tatiana Madlangbayan nga pala. Panganay sa lima."
Nginitian ko siya nang matipid.
"Ikaw? Pang ilan ka sa inyo?" Matabil ang babae.
"Isang anak at ulila..." sinabi ko na upang hindi na niya ako masyadong tanungin. Sumasakit kasi ang ulo ko kapag inuungkat ang tungkol sa pamilya ko. Ikinalulungkot ko rin kapag iyon ang topic dahil nga sa totoong ulila ako.
"Oh, sorry. Anong course mo, Ri?" Naupo sa tabi ko si Tiana. Hindi ako nagkamali, friendly nga siya. May pangamba tuloy na bumangon sa dibdib ko.
"HRM."
"Ay, wow! What year ka na? "
"Second pa lang this enrollment. Uhm, nagkasakit kasi ako pag-grad ko ng high school kaya matagal akong nakabalik sa eskwela."
BINABASA MO ANG
His Queen
VampireThe day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na siya rin pala ang stalker mo, sugar daddy at secret boyfriend na itinatago sa mundo... At may mas nak...