Kabanata IV

138K 5.1K 309
                                    

I FOUND myself in front of Helios condominium unit in Quezon City. Bihirang-bihira lang siya rito kaya halos hindi ko na maalala ang last time na dalaw ko rito.


  I was convincing myself that I'm just being nice for letting him talk to me for the last time. We'll just talk. Puno na ako. Ayoko na. Iyong relasyon namin, kahit magkaroon ng pagbabago, hindi ko na rin kaya pang ituloy.


  I love him still but I'm already tired. Pinasuko niya na ako.


  Sumalubong sa akin ang nakakabinging katahimikan at ang malamlam na liwanag mula sa nag-iisang ilaw sa loob. Alam ko ang pass code kaya nakapasok agad ako. Tanging lamp shade lang iyon na nakatayo sa tabi ng mahabang sofa.


  "Helios?" tawag ko.


  Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Malawak ang buong sala, kaunti lang ang gamit. Minsan na akong nakatungtong noon dito at ganoon pa rin ang ayos ng lahat ng gamit mula nang huli kong punta rito. Maayos na maayos, parang walang gumagalaw, dahil wala namang nakatira rito.


  Malinis na malinis ang paligid. Maski sapatos ay wala akong nakita sa shoe rack. Is he really here?


  Hinubad ko ang suot kong bag at inilagay iyon sa ibabaw ng leather sofa. Habang nakikiramdam sa paligid ay nakaramdam ako ng kakaibang init na nanunuot sa aking mga buto. Parang bigla na lang may mainit na hanging dumampi sa balat ko.


"Helios?" tawag ko ulit. "Nasaan ka? Nandito na ako." Nagsimula na akong matakot.


  Kinikilabutan ako sa mainit na paraan. What's happening? Saan galing 'tong pakiramdam na 'to? Parang may sumisingaw na init mula sa kung saan na inaabsorb ng aking katawan.


  Nang mapatingin ako sa terrace na bahagyang nakabukas ay nakita ko ang buwan, bilog na bilog ito.


Tonight's the first full moon of the year. At habang nakamasid ako sa maliwanag na buwan ay lalong tumindi ang pagbalot ng kilabot sa aking katauhan.


  May kumaluskos mula sa loob ng kuwarto. Mahinang kaluskos. Parang hinawing kurtina lang. Malakas ang pandinig ko kaya kahit napakahinang tunog ay hindi nakakaligtas sa akin.


  "Helios, are you there?" Lumapit ako sa pinto ng kuwarto.


  Nang ipihit ko ang doorknob ay umikot iyon. Hindi naka-lock. Itinulak ko ang pinto. Katulad sa sala ay madilim din sa loob ng kuwarto. Ngunit malamig dahil nakabukas ang A/C sa loob. Hinanap ko ang switch ng ilaw. Bago ko iyon mahawakan ay may kamay na pumigil sa kamay ko.


  "Helios?!"


  "Who the hell else?" mainit at magaspang ang buong boses na nagsalita mula sa likuran ko. "May inaasahan ka pa bang iba?"


  Bago ako humarap ay nakalipat na siya sa harapan ko. Alam ko, naramdaman ko siya. At ngayon ay damang-dama ko ang mainit at mabangong hininga niya na tumatama sa mukha ko. Nakatungo siya, nakatingin sa akin sa dilim.

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon