“Suspicious Boyfriend”SO WHAT KUNG SA CHAT KO LANG SIYA NAKILALA?
Kung hindi ko pa siya gaanong kakilala? Basta mahal ko siya. Wala na akong pamilya kaya nang makilala ko siya, siya na ang pinakamamahal ko sa mundong ito. Siya lang ang meron ako. Siya lang.
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nagpabulag ako sa kaya niyang ibigay. Kahit walang kwenta 'tong relasyon namin, nagtiyaga pa rin ako. Kahit para akong tau-tauhan lang sa laro na gusto niya, pumayag pa rin ako. Dahil mahal ko siya. Pero pwede rin palang mapuno ang nagmamahal. Pwede rin palang sumuko kasi pagod na.
“Parang wala yata sa mood ang Binibining Pilipinas natin, ah?” puna sa akin ni Suzane. As usual, she was using her sarcastic tone on me.
Hindi ko alam kung bakit inis na inis siya sa akin gayong wala naman akong ginagawang masama sa kanya. In fact, wala nga akong pakialam sa kanya.
“May problema ka ba, Ri?” tanong sa akin ni Tiana.
Si Tiana naman ay palaging worried sa akin na para bang concerned talaga. Hindi ko alam kung baka sadyang mabait lang talaga siyang tao.
“Wala, masakit lang ang ulo ko,” mahinang sagot ko.
“Sus! Masakit daw ulo!” Naupo si Suzane sa kama na katabi ng kama ko. “Ilang linggo na ang lumipas, hindi na ulit nagpakita dito ang jowa mong foreigner. Break na ba kayo? Siya ang reason kaya sambakol ang mukha mo, nuh?”
Hindi ko siya pinasin.
“Break na nga kayo. Jowa mo 'tapos hindi nagpapakita sa 'yo? Break na nga talaga!”
“Suzane, 'wag ka ngang jump into conclusion agad. Malay mo kung di mo lang nati-tyempuhan na dinadalaw si Ria ng BF niya rito. Baka nga hatid-sundo pa siya non sa PUP, e.”
“Hoy, Tiana! Marunong ka pa sa akin, halos sabay kaming umalis at dumating palagi ni Ria dito sa boarding house!”
“Wag ka ngang nega, palibhasa wala kang BF na kasing guwapo ng BF ni Ria!”
“Aanhin mo ang guwapo, kung lolokohin ka lang naman!”
Irap ang isinagot ni Tiana kay Suzane.
“'Yung mga chaka nga, ang gagaling mambabae at mangaliwa, what more iyong mga biniyayaan ng mukha, di ba? Sasayangin ba nila ang opportunity?”
“You’re so negative!”
“I’m just stating a fact.” Padabog na lumabas ng kuwarto si Suzane.
Binalingan ulit ako ni Tiana. “'Wag mo na ngang pansinin iyang si Suzane, inggit lang 'yan. If I know, inggit na inggit 'yan sa BF mo. Kasi naman, gurl, ang guwapo talaga ng BF mo.”
Maliit na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.
“Palibhasa 'yan si Suzane, hindi na nga guwapo ang BF, manloloko pa. May pinaghuhugutan si ate mo gurl!” Saka humagikhik ang babae.
♚♚♚
LULAN ng Grab car ay tulala ako. Ilang days nang hindi nagpaparamdam ni Helios. Sumuko na ba talaga siya noong sinabi kong ayaw ko na? Ganoon na lang ba niya ako isinuko? Hindi niya ba pinanghinayangan man lang ang mga milyones na naubos niya sa akin?
Simple lang naman kasi ang gusto ko e. Kung talagang importante ako sa kanya, madali na lang na pagbigyan niya ako para hindi matapos ang relasyong ito. Gusto ko lang malaman kung sino siya talaga. Kung saan siya nakatira, kung anong trabaho niya at saan siya nagtatrabaho, at gusto ko ring papasukin niya ako sa mundong kinikilusan niya. Iparamdam naman niya sana sa akin na hindi ako kailangang palaging nakatago. May mali ba sa gusto ko?
BINABASA MO ANG
His Queen
VampireThe day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa mental hospital, na wala kang alam na siya rin pala ang stalker mo, sugar daddy at secret boyfriend na itinatago sa mundo... At may mas nak...