PROLOGUE

643 22 2
                                    

PROLOGUE

Isang peke na ngiti ang ibinigay ko kay Irv—ang boyfriend kong apat na taon na akong niloloko. Apat na taon ko nang alam pero hindi ko siya maiwan-iwan.

"Take care of yourself, okay? I'll be back as soon as possible." aniya at hinalikan ako sa noo.
Tumango na lang ako at pinigilang huwag maiyak. Alam ko naman kung saan talaga ang punta niya—doon sa babae niya. Sa babaeng tunay niyang minamahal.

"S-sige, ingat ka doon. Don't forget your meals." sabi ko at niyakap siya nang mahigpit. Niyakap niya rin ako pabalik pero alam kung napipilitan lamang siya. Magaling siyang magpanggap na mahal niya ako.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi na lang niya ako iwanan tutal hindi naman niya ako mahal. Pero mas hindi ko alam kung bakit natatagalan ko pa ang katangahang ito kahit sobrang sakit-sakit na. Siguro nga dahil sa mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal na umabot hanggang sukdulan.

"I'll better be going. Bye." Kumalas na siya sa yakap ko.
"S-sige, ingat sa byahe." Kumaway na lang ako sa kaniya nang makapasok na siya sa loob ng kaniyang kotse. Ngumiti siya sa 'kin bago niya pinaandar ang makina at nagsimulang magmaneho paalis.

Alam ko kung para saan ang ngiting iyon. Masaya siya dahil magkikita na naman sila. Mapait na lang akong napangiti habang sinusundan ng tingin ang kotse niyang papalayo.

Saka lang ako pumasok sa loob ng inuupahan kong apartment matapos ang ilang minuto. Nang nasa sala na ako, nagulat ako nang makita ang isang lalaking prenteng nakaupo sa kahoy na sofa.

Dahil nakasuot siya ng sombrero, hindi ko makita ang buong mukha niya. Ang tangos ng kaniyang ilong at ang labi niyang may ngisi lang ang tangi kong nakikita. Puro itim ang suot niya at kakaiba ang kaniyang aura.

Nakakatakot siya!

"S-sino ka?" kinakabahan kong tanong. "P-paano ka nakapasok dito?"

Gusto kong batukan ang sarili sa naging tanong ko. Iniwan kong bukas ang main door kaya malamang nakapasok siya rito sa loob.

Umatras ako nang tumayo siya at naglakad patungo sa akin. Kasabay nang mabilis na tibok ng aking dibdib ang mabilis ding pagtalikod ko para tumakbo patungo sa pinto. Pero nagulat ako nang nasa harapan ko na siya at nakaharang sa pintoan.

"P-papaanong," hindi ko na natapos ang sasabihin nang mabilis niya akong hinigit at niyapos. Nakanganga at nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingala sa kaniya. Nanginig ang buo kong katawan nang makita ko ang kaniyang mga pulang mata.

Bam...bampira ba siya?

"I can finally taste every inch of you." sabi nito sa malamig at baritonong tinig.

Hindi ako makapagsalita at binalot ng takot ang aking sistema. Nakita ko kung paano lumabas ang mga matutulis niyang pangil. Tama ang iniisip ko.

Bampira nga siya!

"P-please, h-huwag..." tanging nasabi ko nang inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking leeg. Ramdam ko ang pagkiskis ng ilong niya sa aking balat. Inaamoy niya ako at kasunod no'n ay ang paglapat ng kaniyang dila roon. Napaiyak ako sa labis na takot.

Ito na ba ang katapusan ko? Sa kamay ng isang bampira na hindi ko aakalaing totoo palang nabubuhay rito sa mundo?

"P-please," I pleaded and begged.

Akala ko bibitawan na niya ako pero ipinakita lang niya sa 'kin ulit ang kaniyang mga pangil na animoy handa na niya akong sakmalin para ubusin ang aking dugo.

"Let me have a quick drink of you, baby." sabi niya na halos pabulong na bago ko naramdaman ang pagbaon ng dalawa niyang matutulis na pangil. Ang sumunod na nangyari ay ang paglabo ng aking mga paningin...



--

A/N: I want to try something new which is for vampires. Sana mabigyan ko ng justice.

The Barbaric VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon