Chapter 24

116 9 2
                                        


Chapter 24

ULYSSESS



KADILIMAN. Iyon kaagad ang sumalubong sa akin pagkatapos ng nakakasilaw na liwanag na nakita ko kanina. Kahit hindi pa rin maalis sa isip ko ang dalawang naggagandahang babae na nakita ko—na hinala ko ay sina Yuca at Ruca—dahil sila lang naman ang naiwan pagkatapos kong pumasok sa portal, isinantabi ko na muna iyon dahil wala akong makita sa aking kinaroroonan ngayon. Sobrang dilim ng paligid ko.

"G-guys?" pagtawag ko sa aking mga kasamahan. "Where are you? I'm over here—" Hindi na ako nag-abalang magsalita pa ulit dahil nag-e-echo ang boses ko. Baka ano pa'ng mga halimaw ang makuha ko ng pansin dito dahil sa pag-iingay ko. "Shit. Nasaan na ba sila." kabadong bulong ko. Hindi ko maiwasang matakot dahil wala akong alam sa lugar na ito.

Marahan akong kumilos at naglakad-lakad kahit wala akong makita. Pakapa-kapa ako sa aking paligid para maiwasan ko ang mabangga sa kahit ano kung sakali man. "Just calm down, Uly. Calm down, okay?" pangungumbinsi ko sa aking sarili kahit halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba. "Ah—shit!" Kaagad akong napaupo nang may matapakan ako 'tapos gumalaw pa iyon. "Shit! Ano' yon!" natataranta ko nang hiyaw. Kung ahas man iyon, sana ahas na lang huwag lang iba.

May nakapa akong bato mula sa kinalulugmukan ko at mabilis ko iyong binuhat. Nang maramdaman kong patungo sa kinaroroonan ko ang kilos ng kung ano ma'ng palapit sa akin, kaagad ko iyong pinukpok kahit hindi ko alam kung matatamaan ko ba. May narinig akong bumagsak kasunod ng isang daing.

"Fuck!" Nabunutan ako ng tinik nang marinig ko ang pagmumura na iyon. Hindi ko alam kung sino 'to pero malaki ang pasasalamat ko. "Damn you, human!" Napaigik ako nang may marahas na humalbot sa aking braso. "You almost killed me!"

"G-glizen? Ikaw ba iyan?" Kinapa ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Salamat naman at nagkita tayo!" Alam kong kanina pa kami nagkakilala at ramdam kong ayaw niya sa akin pero natutuwa ako na nakasagupa ko siya ngayon dito. "Nasaan ang iba?" tanong ko sa kaniya at kumapit nang husto sa kaniyang kamay.

"Tss. Get off!" Marahas niyang binitawan ang braso kong nakahawak sa kaniya at itinulak pa ako. Nagulat ako at mas lalong natakot hindi lang dahil sa paligid kong wala akong nakikita kundi sa tono na rin ng pananalita niya.

"T-teka, huwag mo akong iiwan!" Kaagad akong tumayo nang maramdaman kong naglalakad siya palayo sa akin.

"Tss. Just follow me you foolish human." supladong aya niya sa akin. Kahit hindi ko gusto ang itinawag niya sa akin, binalewala ko na lang. Sinusundan ko na lang ang direksyon ng paglalakad niya.

"Hintay naman, oh! I can't see a thing here, you know!" reklamo ko dahil kung ano-ano na ang humampas at sumalubong sa aking mukha at katawan. Kung ano-ano na rin ang naapakan ko at salamat na lang sa wonder boots na bigay sa akin ni Renelda dahil hindi naman ako nakaramdam ng sakit kahit paekis-ekis ang naging lakad ko.

"It's not my problem that you can't see a thing, foolish human." ani Glizen.

Aba't! So, hindi ko rin dapat problemahin na isa siyang bampira? Ang sarap naman niyang hambalusin diyan. Siya na lang kaya ang nasa posisyon ko ngayon, tingnan ko lang kung hindi siya magrereklamo dito!

"Can't you get any faster? You're slowing me down." reklamo niya more like utos na niya iyon sa akin. Kahit gusto ko siyang sumbatan ay nanahimik na lang ako. Binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa mabunggo ako sa isang matigas na bagay.

"Aray naman!" Kaagad kong hinawakan ang ilong kong napuruhan. "Shit. Flat na nga itong ilong ko, dinagdagan pa."

"What a foolish human." Napaangat ako ng mukha dahil alam ko na kung kanino ako bumangga. Sa likod lang naman ni Glizen. Hindi ko napigilang hampasin siya.

"Kasalanan ko ba kung nakaharang ka diyan gayong alam mo nang wala akong makita!" bulyaw ko sa kaniya. "At bakit ka ba kasi tumigil, ha?"

"Tss." Iyan lang ang sagot niya. Inis akong napakagat ng pang-ibabang labi ko. Suplado iyong si Zael pero iba ang level ng kasungitan ng isang 'to.

"Hoy, ano na!" tanong ko sa kaniya nang hindi na siya nagsalita. Napasinghap ako nang bigla na lang niya akong hinawakan at kasunod kong nararamdaman ang paghila sa akin ng isang malakas na enerhiya. Pero parang may narinig pa akong sumigaw ng pangalan ko bago ako natangay ng nakakahilong sensasyon na gumapos sa aking katawan. Nang matumba ako ay nasa bisig na ako ni Irv napadpad.

"What the!" nasabi ko na lang at napahawak sa ulo ko dahil sa nararamdaman kong pagkahilo. I'm familiar with this feeling. Nag-sink sa utak ko kung bakit ako nagkaganito. Nag-teleport ba kami?

The Barbaric VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon