Chapter 25
ULYSSESS
"SIGURARO ka ba talagang isa iyan sa mga sangkap para sa lunas ni Esin?" nagdududa kong tanong ulit kay Erin. Hindi ko kasi nakita iyong scroll na ibinigay ni Renelda kay Irv na listahan ng mga hahanapin namin dito para sa lunas. Napakamot ako ng aking ulo. Bakit ko ba hindi natanong sa kanila? Wala tuloy akong ideya tungkol sa mga sangkap na hahanapin namin dito 'tapos nagkahiwa-hiwalay pa kami.
"Oo nga, Ate. No'ng nawalan ka kasi ng malay ay ipinakita sa amin ni Irv ang laman no'ng scroll. Ikaw lang ang hindi dahil tulog ka." Inikutan ko siya ng mga mata. Paano ko nga ba malalaman, eh nawalan nga ako ng uliran dahil sa lapastangang alagad ni Morgana.
"Oo na, naniniwala na ako sa 'yo dahil nakita mo ang laman no' ng scroll at ako hindi." may himig na inis na pagsuko ko. Makulit pa naman siya kaya ayaw ko nang makipagdebate pa sa kaniya. "So, ilang sangkap ba ang kailangan nating hanapin para sa lunas?"
"Tatlo lang naman. Tatlong klase ng mga halamang mahirap daw hagilapin dito. Ang swerte lang natin ngayon dahil una nating nahanap ang pinakamahirap mahagilap sa tatlong sangkap at ito iyon." sabay taas niya sa damong kumikinang ang mga ugat.
"Yeah, right. Thanks to me." May pagmamayabang na sabi ko. Ako kaya ang nakahanap diyan. Hindi nga ako makapaniwala na ang pesteng damong pinagbuntungan ko ng aking inis ay isa pala sa mga sangkap na hahanapin namin. What a nice turn of events. It was very unexpected.
"Pagkakataon lang kaya iyon, Ate. Wala ka namang ginawa-aray ko!" Piningot ko ang isang tenga niya. "What? Totoo naman, ah. Nagkataon lang naman na ang pangangamote mo kanina ay nauwi sa pagkahanap natin sa halamang ito. Hindi naman masyadong big deal dahil wala kang ginawang ka-effort-effort. Swerte tawag do'n. "
"Fine, whatever." pagsuko ko na lang at itinaas ko pa ang mga palad. Wala akong laban sa kadaldalan ng batang ito. "Oh siya, ano ba'ng tawag dito?" Inagaw ko sa kaniya ang naturang halaman at binusisi. Nakakamangha talaga ang kumikinang nitong mga ugat. Parang katulad lang no'ng debaterya at plastic na halamang nandoon sa apartment ko dati.
"Sa pagkakatanda ko do'n sa scroll, Dariam ang tawag diyan. Isang halamang may mga ugat na kumikinang. Tingnan mo nang mabuti iyang parang tubig o likidong dumadaloy sa mga ugat niya. Iyan ang gagamitin natin para sa lunas ni Esin." paliwanag niya.
"Parang katulad lang siya no'ng alak niyo na parang may pinulbos na mga diamante." Marahan kong pinasadahan ang ilang ugat nito ng aking daliri. Iniwasan kong makalikha ng kahit maliit lang na sugat para hindi masira. "Dariam, ang gandang pangalan." Kung titingnan ito sa unang tingin, parang carabao grass lang ang mga dahon nito, kaya nga tinawag kong damo at binunot ko nang walang awa kanina.
"Mabuti na lang at sinwerte tayong makita iyan dito." nangingiti niyang sabi at tumataas-baba pa ang mga kilay niya.
"Kaya nga magpasalamat ka sa akin dahil ako ang nakahanap nito. Kanina may pasabi-sabi ka pang ang galing-galing ko at bilib na bilib ka sa akin 'tapos ngayon hindi na? Tss."
Inirapan ko siya. Hindi pa talaga niya na-appreciate ang nagawa ko kahit pa mas malaking parte ang nagawa ng swerte o pagkakataon kaysa sa akin. Kung hindi ko naman pinagdiskitahan ang damong ito, ewan ko lang kung mahahanap namin kaagad ito dito.
"Hahaha, ang cute mong asarin, Ate! Mas isip bata ka pa pala kaysa sa akin, eh." tawa-tawa pa niya akong itinuro. Pinalo ko siya sa dibdib niya.
"Buwusit kang bata ka! Pinaglalaruan mo lang pala ang ego ko." Naiinis na tumayo ako at tinalikuran siya. May punto rin naman itong si Erin. Ewan ko ba kung bakit ang childish ko na yata simula nang dumating ako rito sa mundo nila. O matagal na akong ganito, hindi ko lang napansin." Hay. So, ano na? Saan na tayo ngayon? Saan natin hahanapin sina Irv?" pagbabago ko ng paksa at muli siyang nilingon.
BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasiMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...