Chapter 19

132 12 1
                                    


   Chapter 7

ULYSSESS


COINCIDENCE nga lang ba talaga na magkapareho kami ng pangalan no'ng babaeng witch? Magkapareho ng tunog at pagbasa ang aming mga pangalan bukod lang sa spelling. Letter Y na lang ang kulang ng sa akin para masabing magkapareho talaga. Alam ko ang babaw nitong pinag-iisip ko lalo pa't hindi lang naman ako ang may ganitong pangalan. Hindi lang ako ang Ulyssess sa mundo.

"Hey?" Napapitlag ako at nagbalik sa kasulukuyan dahil kay Reala. Umupo siya sa tapat ko. Inalis ko ang malaking unan na ipinatong ko sa aking kandungan. "Iniisip mo pa rin ba iyong babaeng witch sa alamat ng Amore?" Simpleng tango lang ang iginawad ko sa kaniya. Hindi ko lang kasi talaga mapigilang mapaisip. Para kasing may koneksyon ako do'n sa kuwento. Ewan ko ba—ang weird lang ng pakiramdam ko.

"Kumusta na si Esin?" pag-iiba ko ng paksa. Simula nang dumating ako rito, hindi ko pa siya nakikita. Nami-miss ko na rin ang isang 'yon kahit kahapon pa nangyari ang lahat. "Puwede ko ba siyang makita?" Nahahabag ako sa ekspresyong ipinakita ni Reala. Mabigat ang awra niya at parang nag-aalinlangan siyang sagutin ang tanong ko. "Bakit...may nangyari ba kay Esin?" Marahas siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Umarangkada ang kakaibang kaba sa dibdib ko. "Is something wrong?"

"His condition is getting worse." simula niya at bumaha na ang matinding pag-aalala sa sistema ko para kay Esin. "Hindi nga nagtagumpay na madukot ng lapastangan ang puso niya, pero nakapag-iwan pa rin ng lason ang walang'ya. Ang lason na iyon ang unti-unting sumisira sa puso ni Esin. Hi-hindi namin iyon napansin kaagad ni Renelda kahapon nang gamutin namin siya. At ngayon, pahina na siya nang pahina dahil nahihirapan siyang huminga dulot ng lason."

Napatakip ako ng aking bibig. Bumigat ang pakiramdam ko. Umiling ako nang ilang beses. "No, he's not going to die, right?" maluha-luha ko nang tanong. Umiling naman siya—hindi ko lang alam kung oo ba o hindi ang ibig sabihin no'n. I took a deep breath. "Malulunasan pa siya, 'di ba?" Tumayo ako at nagpalakad-lakad ng pabalik-balik. "There must be a way to cure him. Please tell me na may magagawa pa tayo para iligtas siya." Muli akong naupo at hinawakan ang mga kamay ni Reala. Nakayuko siya at tahimik na umiiyak. Hindi ako slow para hindi ko makitang siya ang mate ni Esin. Si Erin naman at si Renelda. "Reala, you won't let him die, do you?"

Umiling siya. "I...I can't lose him, Sessy. He's my mate." And so I was right. Pero mali itong ipinapakita niya sa akin ngayon. "Napanghinaan nga ako ng loob dahil hindi ko siya nagawang gamutin. I only made his condition worse. I'm such a failure!" Sunod-sunod ang naging pagpatak ng mga luha niya. "I couldn't even save my mate. I'm freaking useless—!"

"Shut up!" bulyaw ko sa kaniya at natigilan siya. "Huwag ka ngang mag-isip ng ganiyan. Dapat magpakatatag ka para sa kaniya. You love him, right?" She nodded. "That's it! Then fight for him! Do everything that could save him!" Hinawakan ko ang mukha niya. "Naaalala mo 'yong kuwento nila Yulyssess? Ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan, 'di ba? Kaya kahit sa huli, ang pag-ibig pa rin nila ang nanaig, naging makabuluhan at walang hanggan. Gano'n din ang gawin mo para kay Esin." Ibinaba ko ang mga kamay at mahigpit kong hinawakan ang mga palad niya. "Dahil ako kahit ano pa'ng mangyari, hinding-hindi ko susukuan si Zael. Gano'n dapat kapag nagmamahal."

Ngumiti siya at paulit-ulit na tumango. "You're right." Tinulungan ko siyang punasan ang mga luha niya. "Love always finds a way. Hindi ko dapat siya sukuan dahil alam kong lumalaban din siya para sa akin." Hinila niya ako patayo kaya nagpatianod na lang din ako. "Let's go to his room." yaya niya at tumango ako. Sumunod ako sa kaniya palabas ng aking kuwarto habang magkahawak pa rin ang aming mga kamay. Nagtungo kami sa ikalawang palapag nitong mansion nila. It's a mansion full of antiques. At ang tema ng buong kabahayan ay pang-witch talaga.
Creepy ang dating ng atmospera rito, pero keri ko naman dahil mabubuti ang mga naninirahan.

The Barbaric VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon