Chapter 16

135 15 0
                                    


Chapter 16

 ULYSSESS


"ATE, kailangan na nating umalis dito." Nahinto ang pag-uusap namin ni Irv nang biglang sumulpot si Erin. Duguan pa rin ang buong katawan niya pero mukhang naghilom na ang kaniyang mga sugat hindi kagaya nang kanina. Mabilis akong tumayo at lumapit sa kaniya.

"Bakit? Si Esin, nasaan ang kambal mo?" tanong ko habang hinihintay kung may Esin bang susulpot na lang din bigla. "Teka!" Hinila niya ang isang braso ko at itinago ako sa likuran niya. Nagbabagang ang mga mata niya habang nakatitig kay Irv. Oo nga pala, nakalimutan kong sinaktan silang dalawa ni Irv.

"Hindi ka na ligtas ngayon dito, Ate." Kay Irv pa rin siya nakatingin habang nagsasalita. "Lalo na sa ungas na 'to." May diin ang bawat salita niya at namumula na rin ang kaniyang mga mata. Tiningnan ko si Irv. Kailangan kong malaman kung bakit niya nagawang saktan ang kambal.

"It wasn't me." Naunahan na niya akong magsalita. "May pinsala na sila nang dumating ako rito." Tiningnan niya ang kaniyang mga kamay na may bahid ng natuyong dugo at itinaas iyon sa harap namin. "Here's the proof na napatay ko na ang lapastangan." Humigpit naman ang kapit ni Erin sa braso ko.

"Why should I believe you, traitor?" Punong-puno ng galit at hinanakit ang boses ni Erin. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ang kaniyang palad. Bahagya niya akong nilingon. Umiling ako sa kaniya para balaang makinig muna kay Irv, pero inirapan lang niya ako. "Nagawa mo ngang ipagkanulo sa council si Kuya Zael noon, 'di ba? Malamang pati sa amin ay kaya mo rin iyong gawin." galit niyang asik.

"Look, Erin." Sabay iling ni Irv at nagtaas ng kaniyang mga palad. "Oo, inaamin ko ang nagawa kong iyon dati. But believe me, it wasn't me earlier. Isa iyong bampira na may kakayahang magbalat-kayo. Ginaya lang niya ang mukha ko." Itinuro pa niya ang sariling mukha. Tiningala ko naman si Erin. Magkasalubong ang mga kilay niya at nagdududa pa rin ang mga tingin niya sa aming kaharap.

"Nagsasabi ka ba ng totoo, Irv?" pagsingit ko. "Kasi kapag hindi, babawiin ko talaga iyong kapatawaran na ibinigay ko sa 'yo." Tiningnan ko siya nang seryoso. Nalukot naman ang mukha niya. "Hindi ako nagbibiro, Ivr." dagdag ko sa mapagbantang tono. Naiinis na napahilamos siya ng kaniyang mukha.

"Hindi nga ako 'yon, okay?" He frustratedly ran his fingers into his hair. "Look, Erin. Hindi ko kayo kayang saktan ni Esin. Para ko na kayong mga kapati—" Nahinto siya sa pagsasalita at sabay-sabay kaming napatingala sa taas kung nasaan ang kuwarto ko. May kung anong kumalabog doon.

"Don't." pigil nila sa akin. Hawak ni Irv ang kanan kong kamay habang si Erin naman ang sa kaliwa. "Erin, take her away, now!" Binitiwan ako ni Irv at itinulak kay Erin. Tumango lang naman ang huli at nagsisimula akong hilahin paalis.

"Teka, sumama ka na lang din sa amin, Irv." Ngumiti ang loko sa akin nang pilyo dahil sa sinabi ko. Sinimangutan ko siya. Akala niya naman may feelings pa ako sa kaniya. "Friendly concern lang 'yon, hoy! Huwag kang ano diyan!" Mas lumawak ang ngiti niya. "Tsk. Tara na nga, Erin." Ako na mismo ang humila kay Erin.

"See you later." pahabol pa ng loko na sinundan pa ng tawa. Ikinumpas ko na lang ang kamay bago ako nakaramdam ng pagkahilo. Huli kong naranasan ang ganitong pakiramdam ay noong kasama ko pa si Zael. Napabuntong hininga na lang ako. Kailan ko kaya makikita ulit ang pakialamerong bampira na iyon?

"Nasaan tayo?" tanong ko kay Erin nang sumulpot na lang kami sa isang madilim na paligid. Malamig ang atmospera at may naririnig pa akong mga ingay na hindi ko alam kung kanino nanggagaling. Parang ungol ng mga halimaw na nasasaktan o nagugutom.

The Barbaric VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon