Chapter 12

163 11 0
                                    


Chapter 12


ULYSSESS


"ITAGO niyo nga ang mga 'yan!" mariing utos ko kina Erin at Esin. Nakalabas na naman kasi ang mga pangil nila at handang-handa nang sakmalin itong isa mga bitbit ko. "Behave kayo, ha? Hindi niyo ito puwedeng galawin."


Mabilis akong nagtungo sa kusina dahil gutom na naman sila. Naglalaway silang dalawa habang sinusundan ng tingin ang bitbit kong supot ng mga groceries. Linggo ngayon at kararating ko lang galing sa pamamalengke.

Mahigit isang linggo na rin silang nandito sa poder ko. At hindi talaga ako nagkamali ng hinala, ako nga ang nagbabantay sa kanila imbes na sila ang gumagawa no'n para sa 'kin.

I had no choice. Hindi ko sila puwedeng itaboy kahit pa delikado ang dugo sa kanila. Pero hindi ko talaga 'yon puwedeng gawin dahil nalaman kong kapatid pala nila si Zael.

Bukod do'n, ramdam ko na ngayon na nasa panganib nga ang buhay ko. Kailangan ko sila sa seguridad ko kahit pa nagdududa ako sa pagiging bodyguard kuno nila. Mukha ngang mas mauuna pa silang mamamatay kaysa sa akin, eh.

Kinupkop ko na rin sila dahil bukod sa wala talaga akong choice, ayaw ko namang hayaan sila sa labas na pagala-gala lang. Ang sabi pa nila, tumira raw sila sa bahay ng mga babaeng nahumaling sa kanilang kaguwapuhan. Totoo namang guwapo sila pero ang yabang din.

Pinaligaya lang daw nila ang mga babae gabi-gabi at libre na sila ng supply ng dugo mula sa mga ito. Hindi ko alam kung nagsasabi ba sila ng totoo, pero nandiri talaga ako nang sinabi nila kung ano'ng klaseng mga babae ang sinasabi nila.

Mabuti na lang talaga at hindi sila natatablan ng ano mang sakit o virus dahil sa pagiging bampira nila. At sana naman may dugo pa sa katawan ang mga babaeng 'yon. Kaya hindi ko na hahayaang mamuhay pa sila nang gano'n.

Isa pa, nalaman kong mas matanda pa ako sa kanila sa edad nilang bente-dos anyos. Akala ko mga daang taon na sila, iyon pala may mga gatas pa sa mga labi. Kaya hindi ko talaga dapat sila pabayaan. Kaya heto, Bantay Bata 163 ang peg ko.

"Penge ako, Ate!" Inilayo ko ang supot ng binili kong karneng manok at baboy mula kay Erin na sumunod pala sa 'kin dito sa kusina. 'Ate' na rin ang tawag nilang dalawa sa 'kin at nalaman ko ring inampon sila ni Zael simula no'ng baby pa lamang sila. Mas lalo tuloy akong na-in love sa kaniya sa ginawa niyang pagkupkop sa mga batang ito.

"Hindi puwede, Erin. Kakakain mo lang kanina. Hep-hep!" Pinilpil ko ang mga kamay niyang kasalukuyan nang tinatangal ang pagkakabuhol ng supot. "Huwag matigas ang ulo, Erin! Do'n ka nga muna sa kambal mo." Iminuwestra ko ang kamay doon sa sala. "Sige na, doon ka na." Itinaboy ko siya palabas at nakalaylay ang mga balikat na sumunod naman siya.

"Hay." Naawa naman ako habang nakayuko siyang naglalakad. Sa kanilang dalawa ni Esin, siya ang pinakamakulit at pinakamalakas kumain. Ang stock ko nga ng mga karne para sa isang linggo ay isang araw lang nila kung ubusin.

Ang sabi nila, hindi sila pinahihintulutan ni Zael na uminom ng dugo ng tao. Puwede sa hayop pero kadalasang karne raw ang kinakain nila. At kagaya ni Zael, kumakain din sila ng pagkain ng mga tao. Iyon nga lang, simula nang dumating sila dito noong isang taon, namihasa na silang puro karne ang kinakain.

Hindi ko lang sigurado kung anong klaseng 'karne' ang sinasabi nila dahil nga sa sinabi nilang libre silang nakakainom ng dugo sa mga binanggit nilang mga babae sa 'kin. Sana naman ibang 'karne' ang tinutukoy nila.

The Barbaric VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon