Chapter 6

165 9 0
                                    


   Chapter 6

ULYSSESS


HINDING-HINDI ako magpapalinlang sa mga ginagawa nitong si Zael. Malinaw sa 'kin na isa lang akong preserved food na kakainin niya sa tamang panahon. Kaya hindi niya ako makukuha sa mga sweet gestures na galawan niya.

Apat na taon akong naging tanga kay Irv. Ayaw ko naman na pati sa kaniya ay ganoon pa rin ako. Buhay ko ang nakasalalay dito at hindi biro ang nangyayari sa 'kin ngayon. Hiling ko nga na sana biro na lang ang lahat.

Pero kahit saang banda ko siraan si Zael, may naidulot din siyang mabuti sa akin. Inalisan man niya ako ng kalayaang magdesisyon sa buhay ko, pinalaya naman niya ako sa pagdurusa ko kay Irv.

Iyon nga lang, mahirap talagang paniwalaan ang mga pinaggagawa niya. Hindi ko nga siya matantya, eh. Isang minuto, bigla-bigla na lang siyang nagagalit. Maya't-maya ang pagbibigay niya sa 'kin ng mga banta, pero may kasunod na concern siya sa aking ipinapakita.

Hindi ko na alam kung saang banda ang makatotohanang ginagawa niya. Siguro, ganoon lang siya dahil may kailangan siya sa akin. May karapatan akong magreklamo, pero hanggang doon lang ako. Hindi ko puwedeng kalimutan na isa siyang pakialamerong bampira na hawak ang buhay ko.

Pero tuloy ang plano kong todasin siya. Medyo nag-aalangan pa 'ko pero kailangan kong subukan. Hindi puwedeng habambuhay na kasama ko siya. Pabor sa kaniya dahil bampira siya at hindi tumatanda. Eh ako, hindi naman puwedeng tumanda akong hindi na-enjoy ang aking kabataan.

Pasimple ko siyang tinitingnan habang maganang kumakain ng tanghalian namin. Adobo na naman ang ulam at siya rin ang nagluto. Dahil sa kaniya, ubos ang stocks ko ng mga karne sa ref. Ang isang buwan kong budget sa groceries ay kulang na rin.

"Staring is rude." Mabilis kong binalikan ang pagkain ko nang mapansin niya akong nakatingin. Nag-isip din ako ng kung anu-ano para safe ang thoughts ko sa kaniya.

Sa totoo lang, kinakaban ako dahil ngayon ko na makikita ang resulta ng first assassination ko about sa weaknesses niya. Sana maging successful.

Inuusig din naman ako ng aking konsensya pero hindi ako papadala. Nasimulan ko na kaya mas magandang ipagpatuloy ko na. There will be no next time kung hindi ko pa ngayon 'to gagawin.

Sorry not sorry, Zael, but I have to do this. Hindi ko hahayaang kontrolin mo ang buhay ko. This is my life and I have to take it back from you.

Nanginginig kong ininom ang baso ko ng tubig nang angatin din niya ang sariling baso para uminom. Bawat lagok niya ay nakaantabay ako.

Hindi iyon tubig na galing sa gripo kundi holy water na galing pang Divine Mercy sa Iligan City nang magpunta kami doon ni Irv last year. Pasekreto ko iyong isinalin kanina sa baso nang ihanda ko ang mesa.

Tumagaktak ang pawis ko sa noo nang naubos niyang inumin ang isang baso. Tinitigan ko siya nang walang kakurap-kurap kung ano'ng mangyayari sa kaniya. Pero hanggang sa matapos siyang kumain ay hindi pa rin siya nasasaktan o nasusunog.

Lihim akong napamura. Walang effect din sa kaniya ang holy water. Ano na'ng gagawin ko? Tiyak na mabubuking niya ako. Another punishment na naman ba ito?

Napalunok ako nang tumingin siya sa akin bago siya tumayo at dinala ang mga pinagkainan niya sa sink. Ipinagpatuloy ko naman ang pagkain at halos mabulunan na ako.

Mabilis kong ininom ang natitira pang tubig sa aking baso. Napatigil lang ako sa paglagok nang mapansin ko ang kakaibang lasa ng tubig. Nagtungo ang mga mata ko kay Zael na naghuhugas ng plato.

"Does it taste bad?" Nakangisi niyang tanong at dismayadong ibinaba ko ang baso sa mesa. "Swallow it down, Uly." utos niya nang akto kong iluluwal ang tubig na nasa bibig ko pa. Nagpaawa ako sa kaniya.

"Uh-uh, you can't fool me with that look." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Nagpumiglas ako. "This is good for you. The holy water can cleanse your stubbornness. Kaya lunukin mo 'yan!" Tinakpan niya ang bibig ko kaya diretso kong nalunok ang tubig.

Mangiyak-ngiyak ko siyang tiningnan nang bitawan na niya ako at binalikan ang paghuhugas niya ng plato. Hindi ko alam kung paano napunta sa akin ang baso niya at ako tuloy ang nakainom sa holy water.

"I did some tricks to stop the time for five seconds and switched our glasses." sagot niya sa tanong ko. Napalabi akong parang bata. So kaya rin niyang pahintuin ang oras. Iba na talaga kapag bampirang kagaya niya.

"P-paano mo nalaman ang plano ko?" Hindi ko mapigilang mahiya sa kapalpakan ko. Nando'n na sana iyong pagkakataon pero sa kaniya naman kumampi ang tadhana.

"Advance kasi ako mag-isip." Kinindatan niya ako habang nagpupunas ng mga kamay niya. Mas lalo naman akong napanguso. Isa rin pala siya sa mga advance kung mag-isip.

"Pero...may epekto rin ba sa 'yo ang holy water kung sakaling ikaw nga ang nakainom no'n kanina?" hindi ko napigilang itanong bago pa siya lumabas dito sa kusina. Hindi naman siguro siya invincible.

"No." Seryoso niya akong tiningnan at parang lumamig ang temperatura ng paligid. "If you think you can kill me with a silver stake, no you can't. I have no problem with silvers."

Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng mesa. Napalunok ako. "I can go to church as well. Hindi rin ako natatakot sa mga krus at nasusunog sa holy water." Pagak pa siyang tumawa habang ako nangangatog na ang mga tuhod sa labis na takot.

"So, y-you're invincible." nauutal na sabi ko. Gusto kong tumayo at lumayo sa kaniya, pero para nang napako ang mga paa ko.
Pati pwet ko hindi ko na rin maialsa sa upuan. Yumuko na lang ako.

"No, I'm not invincible, Uly." I flinched when he raised a hand and lift up my chin to face him. "Yes, I'm no ordinary vampire, but I do have some weakness." Pinaglaruan ng mga daliri niya ang nangangatal kong mga labi.

"A-ano 'yon?" Halos hindi na 'ko makahinga pero nagawa ko pang magtanong. Nagbabasakali akong sabihin niya para nang sa gano'n ay alam ko na kung paano ko siya tatapusin.

Binigyan niya ako ng isang nakakakilabot na ngisi bago yumuko palapit sa kanan kong tenga at bumulong. "Sorry, but it doesn't exist anymore." Nararamdaman ko ang pagkiskis ng mga pangil niya sa leeg ko. "So forget about killing me, baby."  

The Barbaric VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon