Chapter 11
ULYSSESS
"HAHAHAHA! UTO-UTO KA PALA!" Napa-angat ako ng tingin sa dalawa nang humagalpak na naman sila ng tawa. Binato ko sila ng mga unan na nagkalat dito sa sahig. Kanina pa ako nabubwusit sa mga 'to. Tama bang gawin nilang biro na patay na si Zael? Kuntodo iyak pa naman ako at naglupasay pa sa sahig. At paulit-ulit pa talaga nilang sinasabi na uto-uto ako.
Naman! Si Zael na ang pinag-uusapan at mahal ko 'yon, eh. Nagpa-uto nga ako kay Irv ng apat na taon, kay Zael hindi ba 'yon puwedeng mangyari sa 'kin? At kahit biro nga lang ang sinabi nilang iyon kanina, ang sakit na sa dibdib. Parang triple pa nga ang nadarama kong lungkot kaysa do'n sa mga naging pasakit sa 'kin noon ni Irv.
Pero grabe ang pasasalamat ko dahil buhay pa ang pakialamerong bampira.
Gusto ko lang pumatay ngayon ng dalawang kalahi niya dahil pinaiyak nila ako nang husto. Gumanti sa 'kin ang mga walang'ya dahil do'n sa pagbudbod ko ng paminta sa isa sa kanila.Paano raw kung namatay ang isa sa kanila dahil sa akin? Siyempre hindi ako nagpahuli. Paano kung namatay din ako sa depression dahil sa biro nilang patay na si Zael? Amanos lang kami. Buwusit nga lang dahil hindi pa sila naka-recover sa nangyari. At ako pa talaga ang sinisisisi.
"Unlimited lang? Paulit-ulit na lang kayong dalawa, eh. Move on na mga par!" Napailing na lang ako. Kahit gustong-gusto ko silang martilyuhin dahil sa ginawa nilang kalokohan, hindi puwede dahil alam nila kung nasaan si Zael. Binlackmail nila ako na kapag sinaktan ko sila, goodbye Zael na raw ako. Kung hindi lang talaga para kay Zael, chinop-chop ko na silang dalawa nang pinong-pino.
"Maswerte ka lang talaga at hindi ka namin puwedeng saktan." nakasimangot na saad no'ng binudburan ko ng paminta kanina. Disadvantage daw kasi ang pagiging bampira nila dahil wala naman iyong kwenta pagdating sa 'kin. Hindi nila ako puwedeng saktan dahil inutusan sila ni Zael na bantayan ako kaya sila naririto. Kwits lang din kami sa lagay na 'to dahil hindi namin puwedeng saktan ang isa't-isa.
"Bakit kasi kailangan ka pa naming bantayan?" reklamo no'ng isa. I flipped my hair with confidence. Isa lang ang naiisip kong sagot para sa tanong na 'yon. Importante ako kay Zael kaya niya ako pinadalhan ng mga bodyguard. "You're just a filthy human! And you're not that interesting—maliban na lang sa may napakabango kang dugo." Pinaningkitan ko sila ng mga mata nang idiniwal nila ang mga dila sa 'kin ba para ba akong ice cream na gusto nilang dilaan.
"Eww! Stop that!" nandidiring saway ko sa kanila. Ang haba kasi ng mga dila nila at naglalaway pa. Nakita kong mag-anyong bampira si Zael noon pero hindi naman katulad ng mga 'to na parang mga tiktik. Gayunpaman, naging alerto ako. Kulay pula na ang mga mata nila at nakalabas na rin ang mga pangil. Humaba at tumulis din ang kanilang mga kuko.
Hindi ko mapigilang matakot at baka bigla na lang nila akong sunggaban at sakmalin. "Uh-uh! Remember your disadvantage!" paalala ko nang unti-unti silang kumikilos palapit sa 'kin. Bumalik sa dati ang kanilang mga anyo at sinimangutan ako.
"I'm so hungry, brother! I need blood!" Yumakap iyong isa na tingin ko'y ang bunso sa kanila. Inalo naman siya ng katabi. "How about having a quick drink of that filthy human?" Tiningnan nila ako at tinaasan ko sila ng kilay lalo na iyong isa na tingin ko'y ang mas matino sa kanilang dalawa. Subukan lang niyang konsentihin ang kagustuhan ng katabi niya at malilintikan talaga siya kay Zael.
"No, brother. Kuya Zael will kill us both if we hurt this human. You knew what he's capable of." Inirapan ako no'ng isa at diniwalan naman ako no'ng isa pa. Pinakitaan ko rin sila ng mga pangil. Talagang may balak silang kainin ako, ha. Ha! Subukan lang nila. Kaya ko ring maging bampira!

BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasiMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...