Chapter 9
ULYSSESS
NAKAKAIYAK ang resulta ng pagiging negatibo kong mag-isip. Hindi naman talaga maiiwasang makapag-isip ako nang ganoon, pero mali pa rin ako na pinag-isipan ko nang masama si Zael. Maling-mali ako na dahil lang hindi naging diamante o kulay bughaw ang luha niya ay inisip ko na kaagad na hindi niya ako mahal.
Maaaring may dahilan kung bakit nagkaganoon. Hinusgahan ko kaagad siya. Alam ko sa puso ko na mahal niya ako at hindi ko iyon ibabase lamang sa mga luha niya. Napatunayan na niya iyon—kinailangan nga naming magkalayo para lang sa kaligtasan ko. He loves me and I should never doubt him.
Pinunasan ko ang mga luha ko at bumangon. Matapos ang pag-e-emo ko sa harapan nila kanina, ngayon lang ako tinablan ng hiya. Ano na lang kaya ang iisipin nila na nagawa kong pagdudahan ang pagmamahal ng kanilang kaibigan sa akin? Nakakahiya. Hindi dapat ako umaktong ganoon. At heto ako ngayon, hindi ko alam kung paano sila haharapin. Pero kailangan kong lumabas ng kuwarto dahil ngayon na ang alis namin patungo sa gubat ng Harlanja. Kailangan na naming kumilos para sa lunas ni Esin.
Umibis ako ng kama at napadaing ako nang may maapakang matulis ang aking kaliwang paa. Tumungo ako para tingnan kung ano. Bumilis ang tibok ng puso ko nang pulutin ko ang isang makinang at mala-butil na bagay. It was a blue diamond. Tinitigan ko iyon nang husto at minsan pa akong kumurap para patunayang tama ang nakikita ko. It's really a blue diamond. "Zael..." bigkas ko sa pangalan niya dahil ang mga mata niyang bughaw ang kaagad na naiisip ko.
Nilingon ko ang antigong vanity table sa tabi ng aking kama kung saan nakapatong ang mga diamanteng galing sa mga luha nila Renelda at Reala. Kumuha ako ng isa at itinabi iyon sa bughaw na diamante. Hindi maaaring kay Renelda o kay Reala 'to. White diamonds ang sa kanila 'tapos ito ay bughaw. Posible kayang...kay Zael ito at nanggaling do'n sa luha niya nang umiyak siya noong muli kaming nagkita? Muli akong napaupo sa kama at hinaplos ang diamante sa aking palad. Kung sa kaniya ito—ibig sabihin lang no'n—mahal niya ako. Napaluha ako sa galak.
"Zael, I'm so sorry at pinagdudahan kita." Kumirot ang dibdib ko. Ang sama ko para husgahan siya nang ganoon. "I'm so sorry, baby." Kinuyom ko ang butil ng diamante at itinapat iyon sa puso ko. My heart was filled with happiness and his love. Mahal niya ako. I knew it. "I'll keep this." Ibinalik ko ang diamanteng nanggaling sa kambal at muli akong tumayo para hanapan ng mapaglagyan ang bughaw na diamante. Dumapa muna ako sa sahig at sinilip ang ilalim ng kama at baka meron pang iba. Nang wala akong nakita, tiningnan ko rin ang kubre kama at ilalim ng mga unan. And there...I saw two other blue diamonds. Nakasiksik iyon sa pinakagilid.
"Oh my..." mahina kong bulalas. Hindi lang isa ang nakita ko kundi tatlo. Ibig sabihin nito, "I love you" . "Aww, I love you too, baby." kinikilig kong usal at mukhang tangang nakangiti sa tatlong bughaw na diamante habang nakaupo sa kama ko. Saka lang ako nag-angat ng tingin nang sunod-sunod na katok sa labas ng pinto ang aking narinig. "Come in!" sigaw ko sa kung sino mang nasa labas. Bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Renelda. Kaagad akong ngumiti sa kaniya. "Renelda, look!" Tumayo ako at sinalubong siya para ipakita sa kaniya ang mga nasa palad ko.
"Oh my! Where did you get all of these?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya. Inilagay ko sa palad niya ang mga diamante at sinuri naman niya ang mga iyon. "Mga bughaw na diamante! Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nito, Sessy?" Sunod-sunod ang naging pagtango kahit nasa mga diamante pa rin ang kaniyang mga mata. "Kay Kuya Zael ba ito nanggaling?" Sabay lingon niya sa akin with widened eyes. "Sabi mo kasi nakita mo siyang umiyak." Tumango lang ako ns may masaya at malapad na ngiti sa aking mga labi. "Kyaaah! Mahal ka talaga niya!" tili niya at nauwi kami sa isang mahigpit na yakapan at parang mga batang naglulundagan sa sobrang tuwa.
BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasyMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...