Chapter 17
ULYSSESS
"ZAEL!" Napalikwas ako ng bangon. "Z-zael..." Napahikbi na ako nang wala na akong Zael na makita sa tabi ko. Ang alam ko, natulog akong katabi siya. Ngayon wala na siya, iniwan na naman niya ako. Pero pinunasan ko ang aking mga luha. Alam kong babalikan niya ako. Nangako siya sa akin.
Saktong pagkaalis ko ng kama ay siya namang pagbukas ng pinto. Sunod-sunod na pumasok si Erin at Irv at may kasunod pa silang dalawang magagandang babae na pawang puti ang mga kasuotan. Nagliliwanag ang kanilang balat na tila ba dala iyon ng nag-uumapaw nilang kagandahan. Gusto ko sanang manghingi ng shades dahil nasisilaw ako sa kanila.
"Ate! You made me worried to death!" bulalas ni Erin at dali-daling yumakap sa akin. Itinulak ko siya dahil hindi na ako makahinga. Pero muli ko siyang hinila nang maalala ko ang ginawa niya. Lintik lang ang walang ganti! "Arayrayrayrayray ko! Ate, tama na po!" Pinagpipingot ko ang mga tenga niya at pinilipit nang paulit-ulit ang kaniyang tagiliran.
"I made you worried to death, huh? Eh, iniwan mo nga ako, loko ka!" Hinila ko pa siya at idiniin ang mukha niya sa kama. Kumuha ako ng isang unan at pinaghahampas iyon sa kaniya. "Tawag ako nang tawag sa 'yo kanina pero ni anino mo walang dumating! Nawalan pa ako ng boses dahil sa 'yo! Paano kung nahulog ako do'n sa hagdan at namatay, ha?"
"Ang oa mo naman, Ate!" Nahulog siya sa sahig kaya nagawa niyang makatakas sa akin. Nagtago rin kaagad siya sa likuran no'ng dalawang babaeng mala-dyosa sa ganda. "Hindi ka naman namatay, eh. Katunayan nga ay nandito ka lang pala at nagpapaka-sleeping beauty. Sorry na, huwag ka nang magalit sa akin." Nag-pout siya at sumiksik do'n sa isang babae na kaagad naman siyang siniko at sinamaan pa ng tingin.
"It was him, right?" Napalingon ako kay Irv at nagkasalubong ang mga kilay ko. Si Zael ba ang tinutukoy niya? "His scent is all over you, Ulyssess. Nagpakita siya sa 'yo, 'di ba?" Mahina lang akong tumango at yumuko dahil nagkita nga kami, hindi naman iyon nagtagal. Nakakahabag lang ng damdamin na kailangan naming magkahiwalay dahil lang sa kaligtasan ko. Alam ko na kung sino siya, pero bakit ang laki yata ng problema ng iba at naging sagabal sila sa pagmamahalan namin. Ano ba'ng meron sa akin?
"Kaya pala naaamoy ko sa 'yo si Kuya, Zael." ani Erin na hindi pa rin magawang lumapit sa akin. Pulang-pula rin ang mga tenga niya at nakukulangan pa ako sa nakikita. Parang gusto ko pang papulahin ang maputla niyang mukha. "Uy, grabe siya! Kung hindi kita iniwan, hindi kayo magkikita ni Kuya Zael. Isipin mo nga 'yan, Ate." Sabagay may point din naman siya, kaya sige, tama na iyang ginawa ko sa kaniya kanina. Pagbigyan natin.
"Ahem. Baka gusto niyo kaming ipakilala sa kaniya?" anang isa sa dalawang babae. Nakangiti silang dalawa sa akin nang matamis. Babae lang din ako at may inggit. Sana may ganda rin ako na kagaya nila. Ngiti pa nga lang nila, nakakabighani na. Posible kayang mga witch ang dalawang 'to? Mukha pa lang kasi halatang hindi sila ordinaryo.
"I'm getting nothing, sister." sabi no'ng isa. May hawig sila sa isa't-isa at narinig ko pa ang salitang 'sister' kaya walang duda, magkapatid sila. Hind ko lang sigurado kung kambal sila o hindi. Medyo singkit ang mga mata ng isa at bilugan naman ang isang may kulay brunette na buhok. Itim naman ang isa na may nunal na nasa ilong. Pareho silang may kissable and heart shaped lips at kitang-kita ang magandang kurba ng kanilang mga katawan. Just wow!
"You can't read her mind, babe?" tanong ni Erin do'n sa isa na nagawa siyang sikuhin kanina. Tinaasan siya nito ng isang kilay. Napatitig ako sa kanilang dalawa. Binabasa ba nila ang mga iniisip ko? "Maybe it's because of that." Tinuro ni Erin ang leeg ko kaya napahawak ako sa suot kong kwentas na amulet.
BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasiMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...