Chapter 4
ULYSSESS
NAGSISI ako kung bakit hindi ko pa noon hiniwalayan si Irv. Kung ginawa ko na 'yon dati, hindi na ako masasaktan nang ganito. Hindi ko na masasaksihan ngayon ng harapan ang kataksilan niya.
Habang tinitingnan ko sila ng babae niya na payapang natutulog at yakap ang isa't-isa, para akong sinasaksak ng napakaraming kutsilyo sa dibdib. Hindi ko na maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi lang din sila natutulog kundi may ginawa pang milagro dahil hubo't hubad sila sa ilalim ng manipis na kumot. Nasa paanan ko pa ang mga damit na pinaghubaran nila.
Nagtakip ako ng bibig para mapigilan ko ang paglabas ng aking mga hikbi. Ayaw kong magising sila dahil ako na ang nahihiya para sa kanilang dalawa. Isa pa, malaking palaisipan sa kanila kung paano ako nakapasok sa condo na ito.
Zael brought me here. Huling araw na 'to ng isang linggong palugit niya sa akin at hindi naman ako kumilos para kausapin si Irv, kaya siya na ang gumawa.
Hindi ko naman aakalain na dito sa condo ng babae ni Irv niya ako dadalhin. At hindi ko rin inaasahan na ito ang madadatnan ko rito. Hindi ko alam kung ano ang ire-react.
What I'm seeing right now is too much. And I don't deserve this. Umasa pa naman ako na ako pa rin ang pipiliin ni Irv, pero sa nakikita ko ngayon, ako ang naiwan at talunan.
I'm so stupid. Bakit hinayaan kong humantong pa ako sa ganitong kalagayan? Sana noon pa ako sumuko kay Irv. Kasi tingin ko, ako pa ang naging hadlang sa pagmamahalan nila.
Marahan akong tumalikod at naglakad patungo sa pinto nitong kwarto. Nasa labas si Zael at naghihintay sa 'kin. He gave me one hour to bid my goodbye to Irv, pero paano ko iyon gagawin kung nagpapakasarap ng tulog ang mga walang'ya.
"Hey, who the hell are you?" Natigil ako sa pagpihit ng knob nang marinig ko ang boses ni Irv. Kasunod no'n ay ang pagbukas ng ilaw dito sa loob. "Babe, wake up!"
"W-why?" rinig kong sagot naman ng babae na may kasama pang ungol. "What's wrong—Oh my God! Who is she?" pagpa-panic nito nang makita na ako.
Nanatili akong nakatalikod sa kanila habang mahigpit ang kapit ko sa knob. Patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha ko at hindi ko sila kayang harapin na dalawa.
Kumawala ang kanina pang pinipigilan kong hikbi, tuluyan na akong humagulgol. Nagtaas-baba ang mga balikat ko at parang gusto ko na lang na mamatay sa oras na 'to. The pain is unbearable.
"U-ulyssess?" mahinang tawag sa 'kin ni Irv at rinig kong kumilos siya pababa ng kama. "Is...that you?" Bago pa niya ako malapitan ay dali-dali ko nang binuksan ang pinto at tumakbo palabas.
"Ulyssess!" tawag ni Irv at humabol sa 'kin. Nabunggo ko naman si Zael at dumiretso akong yumakap sa kaniya.
"U-umalis na tayo rito, parang awa mo na!" pakiusap ko sa kaniya. Hindi ko na napansin na nahilo ako basta nasa kama na ako ng kuwarto ko sa apartment at yakap-yakap niya.
Sumusobsob ako sa dibdib niya at wala na akong pakialam kung isang bampira siya na pinagtatangkaan ang buhay ko. Mabuti pa nga siguro kung patayin na lang niya ako para matapos na ang paghihirap ko.
Hindi siya nagsasalita at panay naman ang pag-iyak ko. Halos hindi na rin ako makahinga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko. Kung meron man akong ipinagpapasalamat ko sa kaniya, iyon ang mga kamay niyang humahaplos sa buhok ko.
Mas lalo akong napahagulgol at nagwala na sa dibdib niya. Pinalo ko siya ng paulit-ulit na parang siya si Irv at makakatulong iyon na mawala ang sakit. Pero ako rin ang kusang sumuko. It's useless.
BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasyMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...