Chapter 3
ULYSSESS
HANGGANG ngayon ay napapaisip pa rin ako sa pangalawang dahilan na sinabi niya. Hindi ko inaasahang iyon ang sasabihin niya. Feeling ko tuloy isa na rin akong heroine katulad ng mga nabasa kong nobela.
Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari sa akin ang lahat ng ito. Simple lang ang buhay ko. Isa akong babaeng ulila na mula pagkabata ay sa ampunan na lumaki at nagkaisip. Nang makapagtapos ako ng kolelihiyo, maswerte naman akong nakapagtrabaho bilang accountant sa isang bangko. Nagkaroon ako ng nobyo, pero iyon na ang hindi ako sinwerte dahil niloko niya ako.
'Tapos isang araw bigla na lang sumulpot ang isang bampira sa sala ng apartment ko at kinidnap pa ako. Iinumin niya ang dugo ko at hindi lang iyon mangyayari kung gagawin ko ang mga gusto niya.
At isa sa mga kondisyones niya ay ang tatapos sa katangahan ko sa pinakamamahal kong nobyo. Sinabi na niya sa 'kin ang mga dahilan niya pero hindi naman ako bast-bastang maniniwala do'n.
Ayaw kong sumunod sa gusto niyang mangyari dahil kahit isa akong dakilang tanga, buhay ko pa rin ito at wala siyang karapatang makisawsaw.
Isa lang siyang estrangherong bampira na nangingialam sa mga desisyon ko at ginagamit pa niya ang pagiging halimaw niya para mapasunod ako.
Pero kahit saan tingnan, wala pa rin siyang karapatan. Wala siya sa posisyon at sana may magawa lang ako para salungatin ang mga gusto niya.
"Don't do anything stupid. I may not be around but that doesn't mean I'm not watching you." paalala niya sa 'kin habang nakatayo sa pinto ng aking kuwarto.
Iniuwi na niya ako rito sa apartment ko ngayon lang. Medyo nahihilo pa ako dahil wala lang yatang isang minuto ang naging biyahe namin patungo rito. Iyon yata ang tinatawag nilang Teleportation.
"O-oo, naiintindihan ko." mahinang sagot ko sa kaniya. Nadismaya ako dahil kahit wala siya rito sa bahay, bantay sarado pa rin niya ako.
"Good. And I only giving you 24 hours to do your task." Muntik na akong mapatalon nang sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya.
"B-bakit 24 hours lang? Puwede bang...gawin mong one week? Hindi ko kasama si Irv ngayon dito, eh." lakas-loob kong apela. He raised a hand and lift up my chin.
"Then just call him. May cellphone ka naman." Napangiwi ako dahil palpak iyong palusot ko. Moderno rin pala ang bampirang ito.
"P-pero mas pormal kung sa personal ko gagawin. P-please..." pagsusumamo ko.
"Tss, fine. I'll give your one week, but on one condition." Napalunok ako at kinagat ang aking labi. Lahat na lang ba ay may kondisyon?
"A-ano 'yon?" Lumabas na yata ng dibdib ko ang aking puso sa sobrang kaba nang yumuko siya at pinagtagpo ang aming mga mata.
"I'll sleep with you tonight." He's not smiling but his eyes can tell his desire. Muli akong napalunok sa kondisyon niya. Hindi ko iyon kaya dahil baka hindi na 'ko magising sa umaga oras na makatabi ko siya sa pagtulog.
"If...if I say no, what will you do?" Nakahinga ako nang malalim nang bitawan na niya ang baba ko at tumuwid siya ng tayo. Napahawak ako sa aking dibdib na patuloy sa pagtatambol.
"It doesn't matter. I'll sleep with you whether you like it or not." Tumalikod na siya at namulsa sa suot niyang pantalon. Umatras naman ako palayo sa kaniya.
"P-please don't do that thing on me." pakiusap ko. Mula sa isiping tatabi siya sa akin, hindi imposibleng hindi niya ako gagalawin. Sa kakayahan niya pa lang, wala na akong laban.

BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasyMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...