Chapter 10

150 8 0
                                        


   Chapter 10

ULYSSESS


MAHIGIT ISANG taon na ang lumipas simula nang huling dinalaw ako ni Zael. Mula no'n ay halos gabi-gabi na akong naglalasing para lang dalawin niya ako. Pero itinigil ko na rin kalaunan dahil pati baga ko ay kinakawawa ko na. Hindi biro ang maghintay sa kaniya araw-araw at gabi-gabi, pero ginawa ko. Kung nakaya kong nagtiis kay Irv ng apat na taon, mas kaya ko pagdating kay Zael. Habang tumatagal ay mas lalo ko siyang minamahal.


Alam ko nasa paligid ko lang siya ngunit mas nangingibabaw lang talaga ang kagustuhan kong makita siya at siyempre, makasama. Kung pagkami-miss ko lang sa kaniya ang pag-uusapan, hindi na sapat gamitin ang salitang sobra. Walang oras sa isang araw na hindi ko siya hinahanap. Kaya kung makikita ko ulit siya, hahanap ako ng paraan para hindi na siya aalis sa tabi ko.

Iba ang pag-ibig ko sa kaniya kaysa do'n kay Irv. Siguro dahil sa mas nagpakita pa siya sa 'kin ng importansya kaya ganoon na lang ako kadaling nahulog sa kaniya. Speaking of Irv, nagkita kami kahapon simula no'ng huling paghaharap namin. Halatang masaya na siya sa buhay niya ngayon. Ako naman, nagawa ko na siyang patawarin. Pero hindi ako magiging masaya kung wala ang pakialamerong bampira sa buhay ko.

"So, nagkita nga kayo ni Irv kahapon? Ano'ng ginawa mo?" sunod-sunod na tanong ni Mizah habang papalabas kami ng mall. Linggo ngayon at namili kami ng damit na susuotin para sa binyag ni Damon, ang baby niyang malakas kumain. Ang laking bata niyon nang ipanganak niya at lumampas pa sa due date kaya nag-undergo siya ng caesarian.

"Oo nga. May kinuha lang naman siya sa apartment at may ibinigay din sa akin." sabi ko habang kumakaway ng masasakyang taxi. Kaagad naman kaming sumakay nang may huminto sa aming tapat. Nagpahatid kami sa driver sa address ng apartment ko dahil mas malapit iyon kaysa sa subdivision kung saan siya nakatira.

"Ano namang kinuha niya?" tanong niya habang nagte-text sa asawa niyang yaya ngayon ng mga anak niya. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinanood ang mga nadadaanan namin.

"Iyong mga naiwang gamit niya." Ang mga iyon naman talaga ang binalikan ni Irv sa apartment at hindi ako. Medyo nagulat pa ako nang mabungaran ko siya kahapon sa labas ng pinto, pero iyong sakit na naidulot niya sa 'kin no'n, hindi ko na mahagilap. Nagawa ko na pala siyang patawarin nang hindi ko namamalayan.

"Bakit hindi mo binuhusan ng Boysen Paint, Sis!" Nilingon ko siya dahil 'di ko na-gets ang pinagsasabi niya. Nagtataka ko siyang tiningnan at napansin ko ring nagpipigil lang ng tawa ang taxi driver sa aming unahan. Anong nakakatawa do'n?

"Aanhin ko naman ang pintura, Mi?" maang kong tanong sa kaniya. Nakangisi siyang nagtaas ng tingin mula sa kaniyang cellphone. Tinaasan ko siya ng kilay nang makita kong nagpipigil lang din siyang tumawa. "Hoy, ano'ng meron sa Boysen na pintura?" Inabot ko siya at dinutdot ang kaniyang noo.

"Nakita mo ba sa TV iyong series advertisement ng Boysen Paint?" Umiling ako dahil hindi na ako gaanong nanonood ng TV nitong nagdaang taon. "Iyong isang series kasi do'n ay tungkol sa isang mag-ex. 'Tapos nag-decide nang mag-move on iyong girl kaya inalis niya lahat ng memories nila no'ng boy sa kuwarto niya gamit ang Boysen Paint." Tumango-tango lang ako sa pagkukuwento niya. "Then bigla na lang sumulpot iyong si boy. Akala ni girl babalikan siya pero kinuha lang pala ni boy ang jacket niya. Ahahaha! Parang kayo lang ni Irv, 'di ba? Hahaha!"

Blanko lang ang mukha ko habang tawa naman sila nang tawa ni Manong driver. "Hmm. Ganoon 'yon? 'Tapos paano napasok iyong Boysen Paint sa amin ni Irv? Ano'ng connect no'n sa pagiging mag-ex namin ganoon din do'n sa advertisement?" masungit kong tanong dahil wala naman kasing nakakatawa doon. Tumigil muna siya sa pagtawa maging si Manong Driver.

The Barbaric VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon