Chapter 18
ULYSSESS
"KAINAN NA!" masayang anunsyo ni Erin. Dinaig pa niya si Flash sa sobrang bilis ng pagkuha niya ng mga pagkain sa gahiganteng mesa. Habang ako naman ay natatakot gumawa ng kahit anong kilos sa aking upuan.
Paano ba naman kasi— itong hapagkainan nila ay nakalutang sa ere. Alam ko namang kakaiba silang mga nilalang pero bakit ganito sila kung kumain? Ako nga kahit nasa lapag lang ay solve na, eh sila kailangan talaga nakalutang? Kung may mahuhulog akong kutsara o kaya ay tinidor, kailangan ko pang bumaba. Eh, paano na lang kung ako na ang mahulog, 'di ba?
"Kain ka na, Sessy." untag sa akin ni Renelda. " 'Sessy' na lang ang itawag namin sa 'yo, ha? Mula sa pangalan mong Ulyssess 'tapos dahil sa bond natin kaya magkakapatid na rin tayo. We're sisters!" Pumalakpak siya bago uminom sa kumikinang na baso niya ng tubig. Parang may mga diamanteng pinulbo ang tubig sa sobrang kinang. Grabe pati tubig iba rin.
"Ahm, puwede bang sa baba na lang ako kumain?" Nalulula akong tumingin sa ibaba. "Ah ano—If you don't mind my asking, bakit ganito kayo kumain?" mahina kong tanong at natigil sila sa pagkain maliban lang kay Erin na punong-puno ang bibig. Si Esin naman ay kasalukuyan pang nagpapahinga pagkatapos gamutin ni Reala.
"Sorry kung hindi ka komportable." Si Irv ang nagsalita. "Kung kayong mga tao ay may mga kultura at tradisyon, siyempre kami rin naman." Hinayaan kong lagyan niya ng mga pagkaing hindi ako pamilyar ang plato ko. "Ganito kung kumain ang mga witch. Kapag hindi nila ito ginawa, ang grasya ay hindi nila matatanggap."
Ano raw?
"In addition, ang ganitong setting namin ng hapagkainan ay nangangahulugan din ng antas naming mga witch." dagdag ni Renelda at naglagay rin ng kung anong pagkain sa plato ko. "Kabilang kami sa mga matataas na uri ng witch kaya we usually eat like this. Iyong mga mababang antas naman, they eat like humans."
"Ahhhhh." Pinahaba ko ang salita habang tumatango-tango. Ibang klase rin ang kultura nila. Pero... "Ahm, anong mga pagkain 'to?" Itinuro ko ng hawak kong tinidor ang mga pagkaing na sa aking plato. Halos lahat ng mga ito ay gulay, hindi ko lang sure kung pechay, lettuce, cabbage o kaya sosyal na malunggay.
"Mga veggies iyan, Sessy. Try it, it's good for your health. Like this one—it can help you to have a fair skin." tukoy ni Renelda sa dahong maypagka-pula at violet ang kulay. Akala ko nga camote taps pero nagpapaganda raw ito ng kutis? "Ito naman ay nakakatulong sa maayos mong pagbabawas." Iyong dahong parang dahon naman ng natuyong mahogany ang itinuro niya.
Napalingon kami kay Erin nang bigla na lang siyang nasamid. Inabot sa kaniya ni Irv ang kumikinang na baso ng tubig. "Grabe ka naman, babe. Kumakain tayo 'tapos ang pangit ng mga salita mo. Mahal kita, pero please lang. Have some manners, okay? Nakakawalang gana, eh."
Sabay-sabay na umikot ang mga mata namin sa kaniya. Pati si Irv ay napataas pa ang isang kilay. Nawawalan daw ng gana 'tapos sige sa pagsubo. "Ikaw ang mahiya diyan. May bisita tayo dito 'tapos ganiyan ka kumain?" saway ni Renelda sa kaniya. Hindi na magawang sumagot ni Erin dahil puno na naman ang bibig niya sa kulay itim na dahon na kaniyang kinakain.
"Ano 'yang kinakain niya?" Patawarin sana nila ako sa aking nandidiring ekspresyon. Para kasing natuyong dumi ng kalabaw iyong kinakain ni Erin. Napatingin din ako kay Irv na kumuha ng dalawang piraso no'n at nilamon niya na parang kumakain lang siya ng lettuce.
"Ah, it's an herb that vampires love to eat. Ang katas kasi niyan ay parang dugo. Bale iyan ang paraan nila para hindi sila matuksong uminom ng dugo ng tao." Tumango ulit ako. "Alam mo bang may magandang alamat 'yan?" Umiling naman ako. "Sasabihin ko sa 'yo pero sa isang kondisyon." Para akong bata na nakatingin lang kay Reala. "Subukan mo munang kainin ang mga 'yan kahit tikim lang." Ininguso niya ang mga gulay na parang mga dahon sa park na winawalis ng mga street sweepers.
"S-sige." Napipilitan kong sabi. Tinusok ko ng tinidor iyong dahon na parang camote taps na sabi nila ay nakakaganda raw ng kutis. Inalsa ko ang tinidor malapit sa bibig ko at tiningnan muna iyon. Urong-sulong ang naging pagsubo ko at nauna pa akong lumunok kahit hindi ko pa nangunguya. Lakas-loob akong ngumuya at sumabog ang lasa nito sa bibig ko.
"How does it taste?" tanong ni Renelda at lahat sila ay nakatingin sa magiging reaksyon ko. Itinaas ko ang kaliwang kamay at nag-thumbs up. Hindi naman pala masama ang lasa niya. Tama nga ang hinala ko na mukha itong camote taps. Kapareho kasi ng lasa at suka na lang ang kulang at mga panlasa para mas masarap pa siyang kainin.
"Not bad." sabi ko sa gitna nang pagnguya. "May suka kayo rito?" Umiling sila. "Asin?" Iling pa rin ang naging sagot nila. "Luya? Sibuyas? MSG?" sunod-sunod kong tanong at sunod-sunod din ang pag-iling nila. Sayang. Mas masarap kasi 'to kung gagawin ko 'tong atsara. Naaalala ko tuloy si Sister Lanara. Anemic kasi ako kaya palagi niya akong pinaghahainan ng talbos ng kamote noong bata pa ako. Lalo na iyong kulay pula na camote taps, pampadagdag dugo raw kasi iyon.
"Bakit ka ba naghahanap ng wala rito, Ate? Wala ka na sa mundo ng mga tao. You're here now in our world, so just get use to it. Masasanay ka rin kalaunan." Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Erin. Sa mga mukha pa lang nina Renelda at Reala, alam kong wala na ako sa mundo ko. Nadi-distract pa nga ako sa balat nilang kumikinang katulad nang sa tubig nila rito. Hindi lang talaga ako nagpapahalata.
"Ito, ano nama'ng lasa nito?" Kasunod kong binigyan ng pansin ang pagkaing parang natuyong dahon ng mahogany. "Parang dahon ng mahogany, ano?" baling ko kay Irv habang hawak ko ang piraso ng gulay. Tumawa siya at napailing. "What? Mukha naman talaga, eh." Dahan-dahan ko iyong isinubo at kinagat para matikman. "Pwe Ang pait! Parang ampalaya!" Kaagad ko iyong iniluwal sa plato ko at hinagip ang baso ng tubig sa aking tabi.
Hindi kagaya ng tubig nila, normal lang ang tubig na nasa baso ko. Inubos ko iyon hanggang sa nawala na ang pait sa bibig ko. "Bakit ang pait nito?" Napapangiwi kong tiningnan ang naturang pagkain. "Parang pampurga o pampalaglag ng baby, eh. Paano iyan nakakatulong sa maayos na pagbabawas?" Sa pangalawang pagkakataon ay nasamid ulit si Erin. "Sorry sa language." paumanhin ko sa kaniya dahil ang sama ng tingin niya sa akin.
"Haha, mapait talaga 'yan." tawa ni Reala. "Alam mo bang ginagawa pa iyang tsaa ng mga matatandang witch?" Mas lalo pa akong napangiwi sa sinabi niya. Ginagawa pa talagang tsaa? "Ibinibilad nila iyan 'tapos kapag natuyo na, dinidikdik nila at inilalagay sa kapirasong tela na parang tea bag. Bukod sa nakakatulong iyan sa maayos na pagbabawas," talagang diniinan ni Reala ang pagsasalita at 'di na maipinta ang mukha ni Erin. "Isa rin iyang energy booster. Kaya paborito iyan ng mga matatanda." Sumubo siya ng isang piraso pero hindi man lang nagbago ang reaksyon niya. Maganda pa rin at nakangiti pa.
"Pasensya na pero hindi ko kaya ang lasa niya." Itinabi ko ang tinidor at uminom muli ng tubig. Itinaas ko pagkatapos ang mga kamay. "I can't eat any of this anymore." Tiningnan ko pa ang ibang mga pagkaing nakahain. None of them are edible based on their looks. May kung anong mga maliliit na gamot pa nga ng kahoy sa isang plato. Akala ko nga kulay itim na pasta. May isa ring parang dahon ng tobacco. "Bakit hindi tayo pareho ng tubig na iniinom?" pag-iiba ko ng paksa.
"This isn't water, Sessy." Hinawakan ni Renelda ang baso niya at inikot-ikot iyon. "Isa itong uri ng alak dito sa amin." Alak na kumikinang? "It's a wine only for royalties. You see, their bubbles are sparkling." Tumango ako. Bubbles pala iyong kumikinang. "At hindi ka puwedeng uminom nito dahil isa kang tao. One sip and you'll be drunk for a month."
"What? Isang buwan talaga?" bulalas ko. "Kayo 'di ba kayo natatablan niyan? Uy, drink moderately naman. Masama iyan sa baga!" Kinuha ko ang pulang table napkin at pinunasan ang bibig ko. "Tikim pa lang niyan ilang case na ng Tanduay ang katapat. Grabe! Grabe!" Nagtawanan sila sa reaksyon ko. "As in, grabeeee!" Mas lalo pa silang nagtawanan kaya napanguso ako. "Wala ba kayong ibang pagkain dito kahit rice man lang?" Hinawakan ko ang sikmura kong kasalukuyang kumakalam. Nagugutom ako pero hindi sa mga pagkaing nasa harapan ko.
"We're very sorry we didn't think of that. Tao ka nga pala. Pasensya na talaga at ang mga 'to ang inihain namin para sa 'yo. Ikaw naman kasi Kuya, eh." paninisi ni Reala kay Irv na natigil sa pag-inom ng alak niyang mala-diamante ang bubbles. Naningkit naman ang mga mata ng lalaki sa kaniyang kapatid. "Ikaw! Kasalanan mo 'to!" sikmat naman ni Renelda kay Erin na hanggang ngayon ay kumakain pa rin.
"What? Bakit ako? I'm innocent!" pagsasalita niya sa gitna ng paglamon. Inubos pa niya iyong kulay itim na dahong parang dugo ang katas. Talagang ang siba-siba niyang kumain. "Alam ko na iyang mga tingin ninyo, eh." Tinuro ni Erin sina Renelda at Reala. "Uutusan niyo akong bumili ng pagkain niya do'n sa mundo niya. Uh-uh!" Iginiwang niya ang kaniyang hintuturo. "Mag-magic na lang kayo ng human foods para sa kaniya."
"Kaya niyo iyong gawin?" baling ko sa kambal. Tumango sila pareho. Na-excite naman ako at umayos nang pagkakaupo. Hindi ko na alintana kahit nasa ere kami at nakalutang. "Can I have some request for my favorite foods?" panunuyo ko. I gave them the sweetest smile of all. "Please!" Pinagdaop ko pa ang mga kamay at tumingin sa kanila na parang tutang nanghihingi ng pagkain. "For your beloved Sessy!" dagdag ko.
"Aww! So cute!" Inabot nilang dalawa ang pisngi ko at kinurot. Kahit masakit iyon ay hindi ko na ininda. Food is life at chance ko nang makakain ng sandamakmak ngayon sa mga paborito ko. "Of course we can't say no to our Sessy! What food do you like to eat?" Napalunok ako ng sunod-sunod sa tanong ni Reala. Nagtutubig na ang bibig ko kahit iniisip ko pa ang mga pagkaing gusto ko. Ito na, magic is real! Parang libre na rin ito.
"Gusto ko ng barbeque, fresh lumpia, pansit with calamansi, adobo, sisig, lechon kawali, roasted chicken, chocolate cake, mango float, macaroni salad and ice cream for dessert, ice tea for drinks and unli rice!" sunod-sunod kong sabi. "Ay, pakidagdag na rin ng sawsawan na maanghang at sofdrink na rin pala. Salamat!" Pumalakpak ako at ikinabit muli ang table napkin sa aking leeg. "I'm ready to eat!" Sabay taas ko ng kutsara at tinidor.
"Grabe ka, Uly." napapailing na saad ni Irv. Sina Renelda at Reala naman ay nakanganga habang si Erin ay napapailing din. "Grabe, Ate. Ang dami mo namang order. Wala ka sa restaurant, uy! Aba, mahiya ka naman!" Hindi ko pinansin si Erin at napangisi ako nang pilya nang may maalala. "Renelda at Reala, pakisamahan na rin ng 'powdered paminta', ha?" At masaya akong tumawa nang mamutla pa nang husto si Erin.
"Hahahaha!"
BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasiMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...