Chapter 2
ULYSSESS
SOMEONE is gently caressing my hair. My eyes flew opened and welcomed the view of my apartment's room. Hinanap ko kung sino ang humahaplos sa ulo ko pero ako lang ang nag-iisang nakahiga sa kama.
Mabilis akong bumangon nang maalala ko ang mga nangyari. Kaagad akong napaisip nang maigala ko ang tingin sa aking paligid. "Anong—"
Papaanong narito na ako sa aking kuwarto? Wala akong naalalang natulog ako pagkatapos umalis ni Irv. Ang huli kong naalala ay iyong lalaking nadatnan ko sa sala na isang bampira pala.
Kinagat niya ang leeg ko at nang magising ako, nasa isang kuwarto ako na ubod ng laki. And as they say, the rest is history.
Tumambol ang puso ko sa kaba at bumalik sa sistema ko ang takot na naramdaman ko nang mga oras na 'yon. But I am here now in my apartment. Buhay ako at hindi ako nagising sa gubat kung saan ako tumakbo para tumakas.
Ano 'to? Panaginip lang ba ang lahat nang nangyari? Iyong bampira na kinagat ako 'tapos kinidnap pa ako, panaginip lang ba talaga iyon?
Kinapa ko ang aking leeg at nakiramdam. Wala namang sugat o kung ano'ng kumikirot. So, ibig sabihin, panaginip lang talaga ang lahat. This is weird and terrifying at the same time.
"Ano ba'ng nangyayari sa 'kin?" Napahilamos ako ng mukha at napasabunot sa aking buhok para kontrolin ang nararamdaman kong takot. That was a nightmare and not just a dream.
First time ko ring magkaroon nang gano'ng klase ng panaginip sa tanang buhay ko at parang totoo pa. Everything is so vivid and until now, I can still feel his presence.
"No!" sita ko sa aking sarili at huminga nang malalim. "Panaginip lang 'yon, okay?" Kumilos ako at umibis ng kama. Nagtungo ako sa harapan ng full length mirror ko rito sa kuwarto.
My eyes widened in horror nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin. At sa likuran ko, nandoon ang lalaki! Iyong lalaking bampira!
Nakatingin sa akin ang mga mapupula niyang mata. Nakalabas rin ang kaniyang matutulis na mga pangil sa gilid ng kaniyang ngisi. Nakaitim pa rin lahat ang kasuotan niya at punong-puno ng pagnanasa ang kaniyang hitsura na inumin ang lahat ng dugo.
Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makakilos. Nakabuka lang din ang aking bibig at hindi ko magawang sumigaw. Maging pagkurap ay hindi ko rin magawa.
Sa isang iglap lang ay tuluyan na siyang nakalapit sa akin dahilan ng paggawa ko ng biglaang kilos dala ng gulat. Nakayapos ang isa niyang braso sa aking baywang at nasa aking leeg ang kaniyang mukha.
Gusto ko siyang itulak at tumakbo ako palabas kahit alam kong mahuhuli niya pa rin ako. Pero hindi puwedeng basta-basta na lang niyang ubusin ang dugo ko sa katawan.
I whimpered in fear when the tip of his tongue touched and traced the blade of my collarbone. His hands roamed over my back and I can hear his hoarse breaths like his really want to suck my blood right now.
Pilit niya akong inikot paharap sa kaniya at hindi ako nakapalag sa gusto niyang mangyari. He snaked his arms on my waist again at pulled me closer. He then cupped my face at lowered his face.
I immediately closed my eyes. That made my tears ran down on my checks. I can feel that this is my end. Kung nakaligtas ako sa mga nauna naming tagpo, ngayon mukhang hindi na.
"Look at me, baby." I heard him say in a husky tone. Medyo nagulat pa ako kung bakit ganoon ang boses niya. Pero naisip kong paraan lang niya iyon para makita ko kung paano niya ako kainin ngayon.

BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasyMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...