Chapter 7

191 10 0
                                    


 Chapter 7


ULYSSESS



ISANG BUWAN pa ang lumipas at walang Zael pa rin ang nagpakita sa 'kin. At maging si Irv ay hindi pa rin umuuwi. Next week pa raw siya makakabalik which is wala naman akong paki dahil si Zael ang gusto kong makita at hindi siya. Mas mabuti nga kung huwag na kaming magkita pa.

Pero si Zael, mababaliw na ako sa kakaisip sa bampirang 'yon. Talagang hindi na siya bumalik. Dalawang buwan na akong naghihintay at nalulungkot. Kung noon natitiis ko ang mga kagaguhan ni Irv, ang pangungulila ko sa kaniya hindi.

Hanggang sa dumating ang ikadalawampu't-walong kaarawan ko. Kung hindi ko lang siya ipinagtabuyan, kasama ko sana siya ngayon. Bahala na at okay lang sa 'kin kung hindi na dumating si Irv, basta siya nandirito at kasama ko.

Dahil linggo ngayon, day off ko sa trabaho at nagawa kong makapaghanda kahit kunti. Si Mizah lang at ang landlady ko ang inimbita ko para sa isang lunch. Ewan ko lang do'n kay Irv kung darating siya. Ngayon daw ang uwi niya sabi niya sa text kahapon. Pero hindi na ako aasa dahil kung hindi siya darating, manghihingi na naman siya ng excuse sa akin.

"Hi, happy birthday, Sis!" Sinalubong ko nang mahigpit na yakap si Mizah nang pumasok siya dito sa kusina. Labas-masok na siya rito sa apartment ko maliban do'n kay Zael, kaya hindi na ako nagtaka kung bigla na lang siyang sumulpot.

"Salamat, Sis. Upo ka muna. Hintayin muna natin sandali iyong landlady ko." Iginiya ko siya patungo sa isang upuan at kinuha ang mga dala niya para sa akin.

"Ay, flowers for you." Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng red roses. "Hindi sa 'kin galing 'yan, ah. Inabot lang sa 'kin no'ng delivery boy kanina sa labas. At hindi rin 'yan kay Irv nanggaling. Binasa ko na ang card, basahin mo rin dali!" excited niyang tili.

Binuksan ko ang maliit na card na nakasiksik sa mga rosas at binasa ang mensaheng nakasulat. Kumunot ang noo ko sa pangalan ng sender. Hindi nga ito nanggaling kay Irv.

"Sino si M?" tanong ko kay Mizah at ibinaba muna ang bouquet sa bakante ng mesa. Nagtataka ko iyong tiningnan.

"Aba, malay ko sa 'yo! Baka secret admirer mo. Ayieee! Bet ko na ang isang 'yan kahit hindi ko pa siya nakikilala. Oh baka naman," mapanghusga niya akong tiningnan. "Oh my God!" pagtili niya. "Baka siya na ang ka-forever mo! Kaya iwanan mo na si Irv, Sis!"

"Sira!" Natatawa ko siyang tinampal ng hawak ko pang kitchen towel. Pero kung si Irv lang ang pag-uusapan, dalawang buwan ko na siyang iniwan. At hindi ko iyon nagawa kung hindi dahil kay Zael. "Hay..."

"Ang lalim, ah. At huwag mong sabihin sa 'kin na, you're still into him? Sis naman, gumising ka na! Wala na siyang ibang ginawa kundi ang saktan ka. Kinakawawa mo na lang ang sarili mo. Please lang! Iwanan mo siya."

"I already did, Sis." Mapait akong ngumiti, pero hindi iyon para kay Irv, kundi para do'n sa pakialamerong bampira. Maluha-luha akong umupo sa katapat niyang upuan. Gulat naman ang ekpresyon na nakapinta sa kaniyang mukha.

"Hiniwalayan mo na siya? That's great! Good news 'yan!" Masaya siyang pumalakpak, pero tumigil nang mapansin ang pag-iyak ko. "Huwag ka ngang umiyak diyan. Ano ba, birthday mo ngayon. Isa pa, you did the right thing." Maluha-luha rin siya. "I'm so proud of you, Sis!" Tumayo siya at nagtungo sa aking likuran at hinaplos ang mga balikat ko. "Huwag mo nang iyakan ang gagong 'yon. He don't deserve it."

"I know right?" sarkastiko kong turan at bumunot ng kitchen tissue at iyon na ang ginamit kong pampunas ng aking sipon. "Alam ko na 'yon sa simula pa lang."

"Ako rin, Sis. Unang kita ko pa lang sa kaniya. Pero wait, kailan mo pa siya hiniwalayan? Hindi ko 'yon alam, ah." Dinuro niya ang ulo ko. "Ah, ikaw, ha! Naglilihim ka na sa 'kin!" Muli niya akong tiniktikan sa ulo at ngayon mas masakit na.

"Aray ko naman, Mi!" pagdaing ko. "H-hindi ko naman siya hiniwalayan na idinaan ko sa usapan, pero tapos na talaga ako sa kaniya. Ayaw ko na rin siyang makita pa. Sorry kung hindi ko na nasabi sa 'yo." Paano ko naman sasabihin sa kaniya, eh inilayo nga siya ni Zael sa 'kin. Puwede ko siyang tawagan that time, pero useless lang dahil hindi naman niya ako maalala.

"Hmm, okay, apology accepted. Pero birthday mo ngayon. Baka pumunta iyon dito. Nakauwi na ba siya o mas magandang sabihing, pinaghintay ka na naman niya?" Sandali siyang tumigil sa pagsasalita para kumpirmahin ang hinala. "Itataya ko ang mga libag ko sa katawan, hindi na siya nagpupunta rito, ano?"

Napangiwi ako. "Kadiri ka naman, Sis. Pero tama ka nga, mahigit two months ko na siyang hindi nakikita. Pero wish ko na hindi na siya dumating ngayon." Tumawa pa 'ko dahil napaka-ironic ko lang. Three months ago, tangang-tanga ako sa kaniya 'tapos ngayon, hindi na.

"Ay dapat lang, ano! Huwag na kamo siyang magpupunta pa rito dahil makakatikim talaga siya ng bugbog lalo na't wala nang pipigil sa 'kin para gawin 'yon." Mas lalo akong natawa. Dati pa kasi niya gustong bugbugin si Irv, ako lang ang palaging humahadlang sa kaniya.

"Basta, Sis, I'm done with him. Period." Masaya niya akong niyakap mula sa likod. Pinunasan ko naman ang mga luha ko. "Pero alam mo, Sis, hindi ko siya nagawang iwan kung hindi dahil sa isang tao." Hindi ko sinabing bampira dahil baka matakot siya.

"Hmmm, ako ba 'yan?" proud niyang sabi at bumalik na sa upuan niya. Napakagat-labi ako at napanguso naman siya. "So, hindi ako?" Nagtaas siya ng mga kamay at kunwaring nagpupunas ng mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. "Pinaasa mo lang ako, Sis! Grabe ka, ang sakit, ha! Akala ko ako, pero hindi. Bakit ganoon? Huhuhu!"

"Gaga!" Binato ko sa kaniya iyong tissue na may sipon ko. Nandidiri naman niyang itinapon iyon sa trash bin na nasa may gilid lang. "Syempre, kasama ka na. Apat na taon mo kaya akong kinumbinsi na hiwalayan siya, and I thank you for that." Inabot ko ang isang kamay niya at pinisil iyon. "Maraming salamat, Mi." Tinapik naman niya pabalik ang kamay ko.

"Ano ka ba, wala 'yon, ano. Alam ko kasi ang feeling nang niloloko. I've been there before." Umikot ang mga mata niya bago ako makahulugan na tiningnan. "Kung hindi ako ang tinutukoy mo, eh 'di sino?"

Nag-isip pa ako sandali kung sasabihin ko ba sa kaniya. Pero nasabi ko na rin lang kaya wala nang bawian. Isa pa, hindi niya ako titigilan hanggat hindi niya iyon nalalaman. Makulit ang isang 'to lalo na sa tsismis.

"There's this guy, Mi—teka patapusin mo muna akong magsalita!" Inunahan ko na siya bago pa niya magawang sumigaw. Tumango naman siya at sobrang lawak ng kaniyang ngisi. "Bigla na lang siyang dumating dito sa apartment isang araw."

Nanlaki ang mga mata niya. "You slept with him? Oh my gosh!" Halos lumipad na sa mukha niya ang ulam na niluto ko dahil sa paghampas niya sa mesa. Inilayo ko muna iyon sa kaniya. "Sorry, Sis! I got carried away. So ano'ng ginawa niyo—I mean, ano'ng nangyari between you and him? Uy, desenteng tanong 'yan." pangunguna rin niya sa akin.

Inikutan ko siya ng mga mata bago nagsalita. "He's no ordinary man, Mi." Hindi naman talaga ordinaryo si Zael dahil isa siyang bampira, pero hindi ko iyon sasabihin sa kaniya. "He just showed up here and changed my whole life." Hindi ko rin sasabihin na may nangyari sa kaniya na kagagawang din ng bampirang 'yon, the reason kung bakit 'di ko nasabi sa kaniya ang lahat.

"And? Dito nga siya tumira? Bakit hindi mo sinabi sa akin? I'm your best friend for goodness sake!" sunod-sunod niyang litanya. I sighed in frustration. Paano ko nga masasabi sa kaniya? Patay na sana siya ngayon kung nalaman pa niya. Seryoso pa naman talaga si Zael do'n sa banta niyang iyon.

"Sobrang dami rin kasi nang nangyari, Sis, eh." paliwanag ko. "Pinagbantaan niya akong papatayin pati ka na kung sinabi ko pa sa 'yo." Hindi ko natiis na magsabi ng totoo sa kaniya. She's my friend, at pinagkakatiwalaan ko siya.

"What? Are you serious? My God, Ulyssess!" Tumayo siya at nai-stress akong tiningnan. "Bakit hindi ka man lang nagsumbong sa mga pulis?" Nagagalit na itinuro niya ako. "Dapat talaga sinabi mo sa akin, eh! Paano kung pinatay ka ng lalaking 'yon, ha? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman kong napatay ka na!"

"I'm so sorry, Mi." apologetic kong sabi at napapahiyang yumuko. "Pero iyon lang ang naiisip kong paraan para hindi ka na madamay pa. Alam mo," napailing ako dahil nahihirapan akong ipaliwanag sa kaniya ang nangyari. "Hindi ka maminiwala sa sasabihin ko, pero walang kwenta rin kung nagsumbong pa ako sa pulis. He's very powerful, Mi!"

"Mala-Ricardo Dalisay ba siya o parang si Baganing Lakas?" nakapameywang niyang tanong. Hindi ako sumagot dahil walang-wala ang dalawang nabanggit sa kakayahan ng bampirang 'yon. "Ano'ng ginawa niya sa 'yo? Did he hurt you? Bakit sinabi mong siya ang dahilan kung bakit nagising ka na sa katangahan mo kay Irv?"

"Hindi niya ako sinaktan, Mi. Well, not directly." Hindi naman ako sinaktan ni Zael maliban do'n sa inalisan niya ako ng kalayaang magsalita. Ilang beses niya akong kinagat pero parang sa panaginip lang niya iyon ginagawa sa 'kin. Sa tuwing nagigising kasi ako, wala namang naiiwang bakas ng kagat niya ang aking leeg.

"Paki-explain nga nang maayos, Sis. Enlighten me dahil feeling ko pinagtatanggol mo pa ang lalaking 'yon. I deserve an explanation!" Muli siyang naupo sa tapat ko. Sasabihin ko sa kaniya pero hindi lahat. She'll freak out o hindi rin siya maniniwala kung magsasabi ako ng totoo. Baka isipin pa niya nababaliw na ako.

"Pinakialaman niya ang buhay ko." Tumahimik ako ng ilang minuto para pag-isipan nang maigi ang aking mga sasabihin. "Yes, pinagbantaan niya ako." Rumihestro sa mukha niya ang matinding pag-aalala. Ngumiti ako sa kaniya. "Pero hindi niya iyon gagawin basta sundin ko lang ang napakaraming kondisyones niya."

Kumunot ang noo niya. "Kagaya ng ano: gagawin ka niyang sex slave? Drug carrier? Basta mga gawaing masasama!" Umiling ako at suminghot ng ilang beses. Napangiti pa ako nang maalala kung anong klaseng mga kondisyon ang mga 'yon. Hindi ko na inaasahan na ganoon ang ipapagawa sa 'kin ni Zael.

"Ang unang kondisyon niya ay iyong...gusto niyang hiwalayan ko si Irv which is nagawa ko na." Mas lalong kumunot ang noo niya. Nagkamot pa siya ng mga tenga kung tama ba siya nang narinig. "You heard it right, Sis." pagkaklaro ko.

"Teka, naguguluhan ako. Ganoon talaga ang ibinigay niyang kondisyon sa 'yo? Seryoso?" Napahagikhik ako sa panlalaki ng mga mata niya. "Huwag mo nga akong pagtawanan, gaga ka! I'm dead serious here. Kung ganoon, may pagtingin sa 'yo ang lalaking 'yon? Hindi ako advance mag-isip. I'm just stating a possibility."

Natigilan ako sa sinabi ni Mizah. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang bagay na 'yon. Ang nailuklok ko lang sa kukote ko ay isa lang akong pagkain na kakainin niya sa tamang panahon. O dahil may kailangan siya sa akin na hindi ko rin alam. Nakakapagtaka nga kung bakit buhay ko pa ang pinakialaman niya sa dami ng tao sa mundo.

"Tingin ko hindi naman ganoon 'yon, Mi." Malalim akong bumuntong hininga at pinaglaruan ang bouquet ng mga rosas. "He want something from me, pero wala rin akong makitang dahilan kung bakit iyon ang naging kondisyon niya. Sinabihan niya akong tanga, siguro ayaw lang niya sa mga taong kagaya ko kaya gano'n. What's his real deal?" Nagkibit balikat ako. "I have no idea."

"Well, he's weird, huh. Pero hindi ka talaga niya sinaktan, pinagbantaan lang?" paniniguro niya at sunod-sunod akong tumango. "Siya ba si M na nagpadala nito?" Inangat niya ang bouquet ng mga rosas.

"Nope." Sabay iling ko. "Hindi siya dahil hindi naman letter M ang simula ng pangalan niya." Muli akong napabuntong hininga. Nadismaya ako na hindi galing sa kaniya ang mga pulang rosas na iyan. Sana man lang magparamdam siya sa akin kahit ngayon lang. Iyon na lang ang birthday wish ko.

"Eh, sino ang M na 'to?" Nagkibit-balikat lang ulit ako. "Pero pabor sa 'kin ang ginawa ng lalaking 'yon, ha. I must thank him for what he did." Nagtataka ko siyang tiningnan. Kung kanina alalang-alala siya sa 'kin dahil nalaman niyang pinagbabantaan ni Zael ang buhay ko 'tapos ngayon parang botong-boto na siya sa pakialamerong bampira na 'yon.

"Teka, ano'ng ibig mong sabihin, Sis?" Ibinaba niya ulit ang bouquet sa mesa at nakangiti na akong binalingan. May something sa ngiti niya at alam ko na 'to. Ganito talaga siya kapag may planong hindi maganda.

"You know what, I'm starting to like this guy. Nasaan ba siya ngayon? Papuntahin mo kaya rito at nang makilala ko naman. I owe him a lot. Kung hindi dahil sa kaniya, nagdurusa ka pa rin kay Irv hanggang ngayon."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at napayuko. "He's gone, Mi. Pinaalis ko na siya two months ago." Nagsimulang mamuo ang mga luha ko sa gilid ng aking mga mata. Sa tuwing naaalala ko na wala na siya, naiiyak na lang ako. Nagsisi talaga ako sa naging desisyon ko.

"Ano? Bakit mo siya pinaalis? I mean, sabi mo hindi ka naman niya sinaktan at pinagbantaan lang. In my point of view, may concern siya sa 'yo kahit papaano dahil sino namang masamang tao ang magbabantang papatayin ka para lang hiwalayan mo si Irv. Hindi ka ba nagtataka do'n?"

"I am." mangiyak-ngiyak kong sagot. "Pero kasi..." Paano ko ba sasabihin sa kaniya na kaya ko pinaalis si Zael dahil pakialamero siyang bampira at natatakot ako sa kaniya nang husto dahil hindi siya pangkaraniwan lamang. Ni hindi na nga mahahanap sa mundo ang kahinaan niya. Natakot ako sa kaniya dahil do'n. Isa pa, gusto ko lang mabawi ang kalayaan ko at makapagsimula ng bagong buhay nang wala na si Irv.

"Oh my God, Sis! You're crying. Are you in love with him?" Napatakip siya ng kaniyang bibig. Hindi ko naman alam ang isasagot. Nami-miss ko siya at nalulungkot ako na hindi ko na siya kasama, pero tama na bang basehan iyon? Unti-unti na akong nakakapag-move on kay Irv, pero 'di naman yata ako mafa-fall kay Zael nang gano'n-gano'n lang.

The Barbaric VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon