Chapter 5
ULYSSESS
MAHIGIT isang linggo na akong napipi. Hindi ako makalabas ng bahay at wala akong ibang ginawa kundi ang murahin ng paulit-ulit sa isip ko si Zael na siyang may gawa nito sa 'kin. This is pure torture.
Gayunpaman, hindi ako nagpaka-good girl. Sino ba naman ang magpapakabait kung alisan ka ng kalayaang makapagsalita, 'di ba? Kung hindi lang siya bampira, ipinatukhang ko na siya.
Ngayon alam ko na kung ano ang feeling ng mga taong pipi. Ang hirap. Iyong may gusto kang sabihin pero hindi mo masabi.
Nakaka-miss dumaldal nang dumaldal kahit nonsense lang ang sasabihin ko.
May cellphone ako, pero sino naman ang ite-text ko—si Irv? Wala talaga akong magawa para isalba ang boses ko. Hindi ko kasi inakala na makapangyarihan ang pakialamerong bampira na 'yon.
First, hindi siya nasusunog sa araw. Daywalker yata ang tawag do'n. Pangalawa, walang effect sa kaniya ang bawang. Nag-evolve na pala ang mga bampira unlike dati na maski hot sauce ay takot sila.
Bukod sa mga 'yon, nakakabasa rin siya ng isip. Nakakapag-teleport din siya at dahil ginawa niya akong pipi, patunay na 'yon na hindi siya ordinaryong bampira. Wala akong nabasang vampire novels na maraming kakayahan kagaya niya.
He must be rare and powerful. Wala akong ideya kung ano pa ang kaya niyang gawin. Pero aaminin kong namangha ako lalo na no'ng nalaman kong paborito niya ang adobo. At ang katotohanang kumakain din siya ng human food, mas lalo iyong patunay na kakaiba nga siya.
Kaya naman ang hirap-hirap niyang takasan. Kahit hindi ko siya kasama, nakabantay pa rin siya sa akin. Naiinis nga ako na baka sa loob ng cr ay nakamasid pa rin siya. Huwag na siyang sumobra dahil high level na ng invasion of privacy ang ginagawa niya sa 'kin this past few days.
Sa loob ng isang linggo, ingat na ingat ako sa mga iniisip ko. Wala nga yatang minuto na hindi niya binabasa ang isip ko. Kaya madalas kong isipin ang iba't-ibang klase ng hayop kagaya ng mga cute na rabbits, pusa at aso. Bahala siyang ma-bore sa mga thoughts ko.
Hindi ko rin muna isinagawa ang plano kong assault para sa mga weaknesses niya. Mahirap kayang gumawa ng krimen sa isang bampira. Kagaya ngayon, nasa kusina ako at nandoon siya sa sala.
Inutusan niya akong ipagtimpla siya ng kape. Isa ito sa mga gawaing ikinagagalit ko dahil ginagawa rin niya akong katulong sa sarili kong pamamahay. Pakialamero talaga siya.
Ibinaba ko ang mug ng kape sa coffee table. Wala akong imik dahil nga napipi ako. Kung mag-iingay naman ako, para akong baliw. Sana makarma rin siya sa ginawa niya sa akin. I did nothing wrong but I'm suffering this much.
"Where are you going? Get back here." tawag niya sa akin nang aakyat sana ako sa aking kuwarto. Padabog na naglakad ako pabalik sa single seater na sofa na inuupuan ko kanina. Maldita ko siyang tiningnan habang iniinom ang kape niya.
'May lason 'yan. Sana malasap mo at nang ma-deads ka na.' pagsasalita ko sa aking isip. Hindi siya nakatingin sa 'kin pero kaya pa rin niyang basahin ang isip ko.
"Because your thoughts were too loud. I can hear them even when you're far." Sandali niya akong tinapunan ng tingin bago ulit nagbasa sa isa sa mga binili kong Wattpad books. Iba din talaga. Akalain mong isa bookworm din pala siya.
'Ibalik mo na sa akin ang boses ko!' Sumigaw ako sa isip ko at nakita ko siyang napapikit. Napangisi ako nang may kapilyahan akong naisip.
"Do it and you won't be able to walk anymore." pagbabanta niya. Hindi ko pa nga nagagawa, naunahan na ako. That's the advantage of being a mind reader.
Sumimangot ako at marahas na bumuntong-hininga. Ibinaling ko na lang ang tingin sa moon painting na narito sa sala at paulit-ulit na tinatapik ng kanan kong paa ang sahig.
"Stop that." saway niya dahil gumagawa iyon ng ingay. Hindi ko siya pinansin at kunwari wala akong narinig. "I said, stop it." ulit niya pero dedma pa rin ako.
Nagulat ako nang may lumipad na throw pillow sa mukha ko. Alam kong siya ang may pakana no'n. Nanlilisik ang mga matang pinulot ko ang pillow sa sahig at inihagis iyon pabalik sa kaniya.
'Ano ba! Bastos ka, ah!' He glared at me. Pinulot niya ang unan at ibinalik iyon sa pwesto nito.
"You don't take warnings seriously and you're too stubborn to handle. Keep it that way, and you'll be dead." Para siyang tatay na pinapangaralan ako at nagbanbantang mamamalo kung hindi ako magiging mabuting anak.
Mas lalo ko siyang sinimangutan at nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. Sa mga araw na nakasama ko siya, nawala na ang takot ko sa kaniya. Naiinis na lang ako at nagagalit kapag may ginagawa siya sa akin na labag sa loob ko.
Wala na rin akong pakialam kung patayin man niya ako anytime. Naghihintay nga lang akong gawin niya iyon dahil nakaka-depress kapag may pakialamerong bampira kang kasama sa bahay.
Naisip ko na ngang maglaslas na lang ako para tapos ang problema. Kasi kung ganito na lang ako araw-araw, nakakapagod din. Wala na akong kalayaan para sa sarili ko.
Dapat nga ay inaatupag ko ngayon ang bagong buhay ko nang 'di kasama si Irv, pero heto ako at pinapakialaman ng isang pakialamerong bampira na nagngangalang Zael.
"You're still not over him, don't you?" Inikutan ko siya ng mga mata dahil sa pagpapalit niya ng napakawalang kwentang topic.
'Ikaw yata ang hindi naka-move on.' Ipinatong ko ang mga paa sa inuupuan ko at tumagilid ng pwesto. Nakatingin kasi siya sa akin. Inisip ko naman ang guwapong mukha no'ng sikat na Koreano na nakita ko lang sa Facebook.
"Who's that man?" Napalingon ako sa kaniya. Nakakunot ang noo niya at nagpapakita na ng pangil.
'Si Cha Eun Woo, crush ko.' Umakto pa akong kinikilig. Kinuha ko ang isang throw pillow at masuyo iyong niyakap. 'He's so handsome.' Inisip ko na naging si Eun Woo na ang unan.
"Stop thinking about him!" Napadilat ako sa biglaan niyang pagsigaw. "Get rid off him in your mind now!" Mas lalo akong napayakap sa unan dahil basta na lang niyang binasag ang mug ng kape niya.
'Ano'ng problema mo?' I gave him a curious look. Napasiksik ako sa sofa nang magsimula siyang magpalakad-lakad sa harap ko na parang praning. 'Hoy! Anyare sa 'yo?'
"Where can I find him, huh?" Parang gusto ko na lang na lamunin ako ng sofa dahil nakakatakot siya. Nagiging matingkad na kulay dugo na naman ang mga mata niya. At lumalabas na naman iyong mga maliliit at kulay itim na ugat sa mukha at leeg niya.
'H-hoy, huminahon ka nga.' Hindi ko alam kung hahawakan ko ba siya para pakalmahin. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit siya nagagalit. Biglaan na lang.
"I'll wipe out his fucking face in your head!" Naitakip ko ang unan sa aking mukha dahil parang nagbuga siya ng hangin na nanggaling sa isang bagyo. "Tell me where he is!" sigaw ulit niya at napakapit na ako sa sofa dahil lumindol din yata.
Paano ko ba sasabihing nasa Korea si Eun Woo? Pero nanlaki na lang ang mga mata ko. Nababasa nga pala niya ang isip ko. Ngayon alam na niya.
'Patay!' Ngumisi siya at natakot naman ako. 'S-seryoso ka ba diyan, Z-zael?" tanong ko at nangahas akong abutin ang isang kamay niya. Pero hinila niya iyon at galit na dinuro ako.
"He'll be dead in the next hours!" Bago ko pa siya napigilan, naglaho na siya sa harapan ko. Taranta akong napatayo sa sofa at napakutkot ng aking mga kuko. Seryoso nga siya. Papatayin talaga niya si Eun Woo!
Oh no!
![](https://img.wattpad.com/cover/155486623-288-k271132.jpg)
BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasyMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...