Chapter 1
ULYSSESS
I was awaken by the sound of chirping birds. I slightly opened my eyes. Pikit-mata ang ginagawa ko hanggang sa tuluyang mag-adjust ang aking paningin. The room is dark and all the windows are closed. But I know it's morning dahil nga sa mga huni ng ibon sa kakahuyan na— wait!
Where am I?
Kaagad akong bumangon at umalis ng kama nang maalala ko iyong lalaki na nasa sala ng apartment ko. Isa siyang bampira at kinagat niya ako.
He bit me!
Kaagad kong hinawakan ang aking leeg. Wala naman akong sugat pero may nararamdaman akong kirot. Totoo ba ang nangyari?
"You're finally awake."
"Ha!" Takot na takot akong napaatras pabalik ng kama. Totoo nga ang mga nangyari.
That voice.... It's him!
"N-nasaan ako?" I managed to ask.
"In my lair."
Pilit kong inaaninag kung saan siya nakapwesto. Ang dilim dito sa loob at nag-e-echo rin ang boses niya sa mga pader dito.
Sumiksik ako sa pinakatuktok ng kama habang yakap-yakap ang isang malaking unan. May naamoy rin akong mabango at hindi ko alam kung saan nanggaling.
"A-ano'ng gagawin mo sa 'kin?"
Nangangatal ang mga labi ko habang nagsasalita. Kulang ang salitang 'nginig' at 'tensyon' sa sobrang takot na nararamdaman ko ngayon.
"Don't be scared. I'm not doing anything yet." I heard him chuckled.
Gusto ko siyang sigawan. Hindi dapat ako matakot sa kaniya dahil wala pa siyang ginagawa? Seriously? What about what he's doing right now? Takot na takot na nga ako sa kaniya kahit sa tono pa ng pananalita niya.
Isa pa, he captured me and he's a vampire. Hindi ko alam kung anong lugar 'to. So, he's saying na hindi ako matatakot sa kaniya sa lagay na 'to?
"Tinikman ko lang ang dugo mo kagabi. Aside from that, wala na akong ginawa sa 'yo."
Nakarinig ako ng mga yabag kaya naalarma ako. Mas lalo kong isiniksik ang aking sarili sa kinalalagyan ko at palinga-linga sa paligid kahit wala akong makita.
"B-bakit mo ako dinala rito?"
"I have to take you."
"P-please, I want to go home."
"No."
"Ahh!" sigaw ko nang bigla na lang lumundo ang kaliwang bahagi ng kama. I can feel his presence from my left.
Humagulgol ako ng iyak at napayakap sa aking mga tuhod. He's a vampire at hindi imposibleng gagawin niya akong pagkain o magiging bloodbag niya.
"Shhh, it's just me, baby."
"Do—don't! D-don't come near me! Stay away!" sigaw ko.
Umalog ulit ang kama. Nakarinig ako ng mga yabag papalayo sa aking pwesto. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil lumayo nga siya.
"Your thoughts are giving you fears. Stop thinking those... for now."
Napalinga ako sa isang sulok nang biglang nagkaroon ng sindi ang mga kandilang naroon hanggang sa nabigyan nang sapat na liwanag ang buong silid.
Iginala ko ang paningin para hanapin siya, pero wala. Nakita ko ang napakalaking pinto at naisip kong baka lumabas na siya. Nakakapagtaka nga lang dahil hindi ko naman narinig na bumukas iyon kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/155486623-288-k271132.jpg)
BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasyMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...