Chapter 3
ULYSSESS
"HEAR me out. I'll explain everything to you." Yakap-yakap ko ang sarili habang nakaharap kay Irv. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko lang talaga mapigilan na kilitasin siya. Hindi ko pa rin kasi lubos maisip na isa siyang...bampira. Sobrang nakakagulat.
Hindi lang manloloko ang ex ko kundi isang bampira rin pala. Maliban kay Zael, isa rin pala siya sa mga taong makapagbibigay sa akin ng malaking rebelasyon. What a terrible turn of events. I wasn't expecting this.
Tanggap ko naman na wala na siya sa buhay ko. Pagkatapos ng lahat nang ginawa niya sa akin, mas pinili kong patawarin siya dahil iyon ang mas nakabubuting gawin. 'Tapos ngayon, malalaman kong isa rin siyang bampira?
Mahigit apat na taon ko siyang nakasama, pero hindi ko man lang napansin na may kakaiba sa kaniya. Sabagay, hindi nga pala kami 'palaging' magkasama sa mga panahong iyon. Isa pa, hindi ko rin naman iyon maiisip pa dahil sobra akong nabulag sa pagmamahal sa kaniya.
But of all people, siya pa talaga. Nakakabaliw na talaga 'tong mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Wala akong kaalam-alam na may bampira na pala akong nakasama sa loob ng apat na taon. At si Zael, alam kaya niya ang tungkol dito, na kalahi rin niya si Irv? Magkakilala kaya sila?
"Don't be scared, Uly. I won't hurt you." Lumayo ako sa kaniya nang sinubukan niyang lumapit sa 'kin. Napasiksik ako kung saan ang pwesto ng kambal kanina. Wala na rito ang dalawa dahil dinala ni Erin si Esin sa isang witch na kakilala raw nila para ipagamot.
Alalang-alala ako para kay Esin. Sobrang putla na niya kanina nang umalis sila ni Erin. Hindi rin siya nakayang gamutin ng huli. At itong si Irv, wala naman siyang pakialam do'n sa kambal na kung tutuusin, siya ang may gawa ng kaguluhang ito dito.
"Bakit mo 'yon ginawa kay Esin, ha? Hindi ka na naawa do'n sa bata!" Halata ang panunumbat sa tono ko. Siya naman talaga dapat ang sisihin dito, eh. Ang ganda nga ng pasabog niya sa 'kin. Sabog na sabog ako sa pagkagulat. 'Tapos sinaktan pa niya iyong mga bata. "Sisisihin talaga kita kapag may nangyaring masama kay Esin."
"So nag-aalala ka sa mga 'yon? You trusted them just like that? Kilala mo ba kung sino sila, ha, Uly?" balik niya at natawa ako sa huling mga sinabi niya. Ako ang biktima rito pero siya ang umaasta. Iba rin ang isang 'to. Mukhang may pinagmanahan, ah.
"Look who's talking!" Pumalakpak ako. "Ang galing mo rin, ano? Sa katunayan nga, ako dapat ang magtanong sa 'yo nang gano'n dahil hindi pala talaga kita kilala." Pinagdiinan ko talaga ang huling salita at tiningnan siya nang may pagkamuhi. "Hindi ka lang pala manloloko kundi isa ka ring alamat!"
"Uly, you won't understand." giit niya. Nakikita kong nahihirapan siyang magpaliwanag o baka wala na siyang mga kasinungalingan na mailalabas? "Your world is different from mine. Hindi naman puwedeng sabihin ko na lang sa 'yo basta na isa akong bampira. There are some consequences in the first place. And besides, gusto kong maging ligtas ka."
Zael number two din pala siya. Sino ba kasi ang gustong pumatay sa akin at priority talaga nila ang kaligtasan ko? Hindi ko tuloy mapigilang isipin na nasa akin ang puso ng nanay ni Zael. Nagdududa na ako simula no'ng sumakit na lang bigla ang dibdib ko.
"So kaya hindi mo iyon sinabi sa akin at kaya mo ako niloko ng apat na taon para lang sa kaligtasan ko? Ganoon ba?" Mapait akong tumawa. "Kaya pala doon ka naglalagi sa babae mo dahil natatakot ka na baka may mangyari sa aking masama. Kargo pa iyon ng konsensya mo, 'di ba? How sweet of you, Irv. Kung noon mo pa iyan sinabi sa akin, baka mas lalo pa akong nagpakatanga sa 'yo."
BINABASA MO ANG
The Barbaric Vampire
FantasyMalayang namumuhay si Ulyssess. Patunay na roon ang pagiging malaya niya sa panloloko ng kaniyang nobyo. Hanggang dumating ang isang pakialamerong bampira sa buhay niya sa katauhan ni Zael. Inalis nito sa kaniya ang kalayaan niya sa lahat ng bagay...
